Chapter 25

607 16 4
                                    

ELLA's POV

Pumunta ko sa hotel namin at niligpit ko lahat ng gamit ko. Ayoko nang magtagal sa lugar na 'to. Masyado nang maraming nangyari. "Ella.." hindi ako lumingon at nagpatuloy sa pag-eempake. "Ella, I'm so sorry.." Ihinarap niya ko sa kanya. "Kung kailangan kong lumuhod, para mapatawad mo ko, gagawin ko. Just please.." Lumuhod siya habang hawak-hawak yung mga kamay ko.

"Zach, stop. Hindi matutumbasan ng pagluhod na yan yung kasalanan mo sakin." sabi ko sa kanya nang hindi nakatingin atsaka tinanggal yung kamay niya na nakahawak sa kamay ko. Isinara ko naman ang maleta ko at umalis.

Nasa labas na ko ng hotel at nag-aantay ng taxi. "Nakakaawa naman yung bata. Ang aga niyang namatay." napakuyom yung kamay ko dahil sa narinig ko. Magsasalita na sana ko nang biglang may naglagay ng headset sa tenga ko. Napatingin ako sa lalaking kasabay kong uuwi, nakangiti siya sakin. Pinunasan niya naman yung mga luhang kumawala sa mga mata ko.

"Makakaya ko ba? L-Lahat na lang iniiwanan ako.. Lagi n-na lang nila kong ni-niloloko.." umiiyak kong sabi sa kanya. Niyakap niya naman ako kaya nakatago yung mukha ko sa dibdib niya.

-----

Nakabalik kami sa bahay ng ligtas. Inilagay ko yung abo ni Achella sa may lamesa ko sa loob ng kwarto. Tinitigan ko 'to ng mabuti at muli na namang tumulo ang mga luha ko. "I miss you so much, baby. You're the reason why I smile everyday.. Ikaw yung nagparamdam sakin na kahit na nasaktan ako, o kahit ilang beses akong masaktan, hindi maaalis sa sarili ko na magmahal ulit.. Pero baby, your papa break my heart. Hindi ko inaasahan na gagawin niya sakin yun.. Minamahal ko siya dahil ikaw yung nagturo sakin nun. Pero ngayong wala ka na, mukhang di na kayang mahalin ni mama si papa. Baby, I'm sorry.. I-Im sorry dahil w-wala ako sa t-tabi mo nung naging angel ka na.." napahagulgol na naman ako.

I'm tired.

Lumabas ako ng bahay at tumingin sa langit. "Mukhang isa ka na sa mga yan. Pero alam kong lagi kang nasa tabi ko at binabantayan ako." ngumiti ako at naglakad. Inilagay ko naman yung kamay ko sa bulsa ko at nakakapa ako ng phone. Tiningnan ko 'yon at naalala kong pinahiram nga pala sakin ni Gino yung headset niya.

Umupo ako sa isang bench. Nasa clubhouse ako ng village namin. Binuksan ko naman yung phone ni Gino, may password. Triny kong ilagay yung birthday niya pero mali. Pero may naiisip ako pero di ko alam kung posible ba yun. Nagbabakasakali lang naman. Agad na nanlaki ang mata ko ng bumukas siya sa pangalan ko.

6552 (Ella)

"B-Bakit mukha ko yung wallpaper niya?" tanong ko sa sarili ko. Napalunok ako at pumunta sa gallery niya. Napatakip ako ng bibig ko ng makita kong puro mukha ko yung nandun. Iniscroll ko pababa at nakita ko yung nasa resthouse ako. Kasama ko maglaro si Achella. Puro ako nakangiti, ang saya-saya ko dito..

"Pero pano niya nalaman yung lugar na yon?" Bumilis yung tibok ng puso. Halos kahit saan ako pumunta, may mga pictures ako sa kanya. So matagal niya na kong sinusundan? Bakit?

Umiling naman ako. "Tyaka ko na lang siya tatanungin kapag nagkita kami." Pumunta ko sa musics ni Gino, "For you? Ano kaya 'to?" Plinay ko, ang tagal bago tumugtog. Pero mayamaya ay nakarinig ako ng pagbuntong hininga.

"Paano ko ba 'to sasabihin? Hindi ko kasi talaga alam kung pano mo ko mapapatawad kapag ginawa ko 'to. Hinding-hindi ko gusto na saktan ka, Ella. Pero for your sake, gagawin ko kahit na alam kong masasaktan ka. Mahal na mahal kita at alam mo 'yon. Sana mapatawad mo pa din ako kapag naging okay ka na."

Tahimik lang ako habang pinapakinggan. Ayaw niya kong saktan pero ginawa niya pa din. Tinitigan ko yun at ninext ko. Napakunot ang noo ko ng makita ko yung title. "I'm sorry, Ella.."

"Someone called me last month. They will give me a few months para makipaghiwalay sayo. Alam mo bang gang ni Clarisse ang tumawag sakin? Sobrang patay na patay sakin si Clarisse at ayaw niyang makita akong masaya sa piling ng iba. So she threatened me na papatayin ka niya kapag tinuloy ko pa yung relasyon natin. Hindi ko sineryoso yung sinabi niya kaya ipinabugbog niya ko. I know her pero di ko akalain na dadating sa punto na kaya niyang pumatay. Alam kong di siya titigil hangga't di niya ko nakukuha. So I did that f*ckin' thing. Nagloko ako kahit ayoko. Nambabae ako kahit di ko ginugusto 'yon. Pinalabas ko sa mga mata mo na niloloko kita kahit sobrang sakit na para sakin. Believe me, I love you so much, Ella. And I'm so sorry for making you cry. I'm so sorry for hurting you.."

Heartless RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon