Chapter 10

1.3K 36 2
                                        

Pinagpuyatan ko 'to kagabi, guys! Hahaha! Enjoy reading :)


**


Ella's Point of view


Oh my gosh! Bakit sobrang ganda dito? Parang I really don't want to go home na talaga. Fresh na fresh yung amoy ng hangin. Secret house 'to ng mga Rodriguez pero isinama pa ko ni Zach dito. Sa kanila daw 'to ng Dad and Mom niya pero dahil hindi nga sila no'n magkaanak, inampon daw siya. Kaya ngayon, siya ang nagmana lahat ng ari-arian ng mga Rodriguez.


Pumasok kami sa loob ng bahay and wow! Ang ganda kasi. White and yellow-green ang combination ng kulay sa bahay na 'to. Lagi na lang akong bumibilib sa mga designs ng bahay nila Zach. "Nagustuhan mo ba?" Tanong sakin ni Zach galing sa likod ko kaya naramdaman ko yung hininga niya, na nagpatayo naman ng mga balahibo ko.


Agad kong binalik yung sarili ko sa wisyo para masagot si Zach. "Ano ka ba naman? Lahat naman siguro ng tao na pupunta dito, sobrang magugustuhan 'to eh." sagot ko at saka umupo sa may couch, para na rin siguro makalayo kay Zach.


Lumapit naman siya at saka tumabi sakin. "Mom and Dad designed this house." Napatingin agad ako sa kanya. "Seriously?"


"Yeah, seriously." natatawa-tawa niyang sagot sakin.  "Architects sila." dugtong pa niya. "But suddenly, may aksidenteng nangyari kaya sila nawala sakin. Actually, Katrina is my childhood friend." Yung secretary niya? Kaya naman pala gano'n siya makipag-usap kay Zach.


"She likes you." napailing naman siya dahil sa sinabi ko. "I only saw her as my little sister." Tumayo siya at itinayo niya din ako. "I'm hungry. Let's eat." Dumiretso siya sa may kitchen at tumingin ng pwedeng lutuin. "Anong gusto mong ulamin?" Tanong niya sakin. "Steak?"


"Paborito mo ba 'yon?" Tumango naman ako bilang sagot sa tanong niya. "Anong klaseng steak ba gusto mo?"


"Anything, basta steak." Nakangiti kong sagot sa kanya at saka ako naglibot ng bahay. Hindi siya gano'n kalaki pero maganda siya. Umakyat ako at tiningnan ang mga kwarto do'n. "Zach!" pasigaw kong tawag sa kanya. "Yes, babe?" Inirapan ko siya dahil sa tinawag niya sakin. "Babe mo your face!" rinig na rinig ko naman yung tawa niya. Well, hindi naman kasi gano'n kalaki yung bahay, and other than that, kaming dalawa lang dito. Yung taga-alaga daw nung bahay na 'to, may sariling bahay din kaya kami lang talaga.


"Ako na lang dito sa pangalawang room."


"Bahala ka kung saan mo gusto. Kung gusto mo nga, pwede din naman tayong magkasama sa iisang kwarto."


"Shut up, Zach! Basta ako na lang dito sa may pangalawang kwarto. Okay?" sabi ko pero hindi siya sumasagot. "Hey, Zach!" tawag ko sa kanya pero hindi pa din siya sumagot o lingon man lang. "What's his problem ba?" tanong ko sa sarili ko at saka bumaba para puntahan siya. "Zach. Hey. Uy!" tawag ko sa kanya pero hindi niya pa din ako pinapansin. Dire-diretso lang siya sa pagluluto niya. Umupo ako sa may lababo at nagcrossed arms.


Ano ba talaga yung problema niya at hindi niya ko pinapansin? Is he mad at me? Ano naman yung dahilan? "Zach! You will ignore me na lang ba?"


Natapos na lang siyang magluto pero hindi niya pa din ako pinapansin. Kumuha siya ng sticky note sa taas ng refrigerator at saka nagsulat. Lumapit siya sakin at idinikit sa bibig ko yung note. "Let's eat." Yun lang yung nakalagay kaya ginusot ko 'yon at itinapon sa sahig. Napatingin naman si Zach dahil do'n. Nagcrossed arms ulit ako at saka ko siya tinaasan ng kilay. "You will ignore me? Fine." sabi ko sa kanya at iniwasan ko siya ng tingin. Para kong naiiyak na ewan. Bakit kasi bigla niya kong hindi pinapansin?


Narinig ko yung paglapit ni Zach at narinig ko yung pagbutong-hininga niya. "Ella." tawag niya sakin pero hindi ko siya pinansin. "Ella, babe." Bigla namang tumulo yung luha ko. I really hate this feeling, ugh.


Hinawakan ni Zach yung mukha ko gamit yung dalawa niyang kamay. Pinipigilan ko naman yung sarili ko na mapaharap sa kanya. Pero sa huli, naiharap niya ko sa kanya. "Sh*t. You're crying." agad na pinunasan ni Zach yung mga luha ko. "Why are you crying?" tanong niya sakin dahilan para hampasin ko siya.


Niyakap ko siya at saka umiyak. "Sshh. Stop crying, babe." sabi niya habang pinapat yung likod ko. "Babe mo your face!" sagot ko sa kanya pero nakayakap pa din ako. I don't want him to see me crying, again.


"Nakakainis ka, alam mo ba 'yon? Bigla mo kong hindi pinansin! Tapos ngayong ganito ko, lalapit-lapit ka! Kung hindi pa ko nagdesisyon na hindi ka pansinin, hindi mo pa ko papansinin! Tayong dalawa na nga lang dito tapos ginaganyan mo pa ko! Sana hindi mo na lang ako dinala dito! Sana hindi mo na lang sinabi na tutulungan mo ko kung papaiyakin mo lang din ako!"


Ihiniwalay niya ko sa kanya at hinawakan yung mukha ko habang pinupunasan yung mfa luha ko. "I'm sorry, okay? Hindi naman kita gustong paiyakin eh. Sabi mo kasi, shut up eh. Eh di tumahimik ako."


"I said, shut up. Hindi ignore me. Miski tingin nga hindi mo ko pinadaanan!" Ngumisi naman siya. "So gusto mong tumitingin ako sayo ha?" Hinampas ko naman siya kaya tumawa siya. "I hate you!"


"The more you hate, the more you love."


"Shut up!" Nag-okay sign naman siya sakin bilang sagot at saka ako kinindatan. Inirapan ko siya pero kinalabit niya ko. Umakto naman siya ng kumakain at saka nilalamig. Natawa ko bigla dahil para siyang tanga. "Okay, you can speak now."


"Kumain na tayo dahil lalamig na yung pagkain."


"Ayoko ng kainan yan. Hindi na 'yan masarap." Ngumisi naman siya bigla. "Ako masarap. Gusto mo?" Nanlaki naman yung mata ko. "You really are crazy, don't you?"


"I'm just joking, babe. I respect you a lot." sabi niya at saka ako hinalikan sa noo. "Stop calling me babe. You're not my boyfriend." Lumungkot naman yung mukha niya at saka umatras ng nakayuko. Napatingala ako saglit at saka bumaba. "Ugh. Come on,  Zach. Stop acting like a kid." sabi ko at saka ko lumapit sa kanya. Tumingin naman siya sakin ng nakangiti tapos kinindatan ako. The one thing that I knew is ninakawan na niya ko ng halik. Agad siyang tumakbo palayo sakin. "May parespe-respeto kapang nalalaman diyan! Nanakawan mo lang din pala ko ng halik! Humanda ka talaga sakin kapag nahuli kita!"


"Bakit? Gagantihan mo din ba ko ng halik? Kapag oo, hindi na ko aalis dito sa pwesto ko."


"Asa ka naman!" sagot ko at saka tumakbo, kaya tumakbo na din siya. Kapag nahuli ko talaga 'tong baliw na Zach na 'to, makakatikim siya sakin ng malakas na hampas.

Heartless RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon