Chapter 5

1.4K 34 0
                                    

Dedicated to iamrangerpink :) Thank you sa pagvote sa book one and dito :)


**


"I'm sorry. But I need to let you go.."


"Gino, bakit?" naiiyak kong tanong sa kanya. "Kalimutan mo na ko, please."


"I can't, Gino. I can't.. Please.. Don't leave me.." pakiusap ko sa kanya. Pero nagpatuloy siya sa paglalakad niya. Nakita ko naman na may malaking truck na papalapit sa kanya. Binilisan ko yung pagtakbo ko, pero hindi ko siya inabutan..


Lumapit ako sa kanya, duguan siya.. "Gino.." tawag ko sa kanya. Pinilit niyang gumalaw para mahawakan niya yung mukha ko pero hindi umabot. Bumagsak na yung kamay niya at nakita kong nakapikit na siya. Hindi na siya humihinga. Isang patay na Gino na yung nasa harapan ko.


Nagising ako nang pawis na pawis. "What was that for?" tanong ko sa sarili ko. Sa lahat ng panaginip bakit ganun pa? Kailangan pa bang ipamukha sakin na iniwan na ko ni Gino? Tangina.


Bumangon ako at pumunta sa kusina. Uminom ako ng tubig. Dumiretso ako sa garden para makapagpahangin. Ipinikit ko yung mga mata ko pero agad ko din yung minulat. Nakikita ko lang kasi ulit yung mukha ni Gino, yung duguan.


Sinampal-sampal ko yung sarili ko. "Don't mind it, Ella. Wala lang 'yon, okay?" sabi ko sa sarili ko. Tumingin ako sa labas at parang may napansin ako na nakatayo dun. Inaninag ko ng mabuti pero bigla siyang tumakbo. Nakacap at nakajacket siyang black. Nanlaki agad yung mata ko at agad na pumasok sa loob ng bahay at nilock yung pinto. Hindi kaya magnanakaw 'yon?


Tumakbo na lang ako paakyat sa kwarto ko. Paikot-ikot lang ako dun dahil hindi ako mapakali. "Una, yung panaginip ko kay Gino. Tapos ngayon yung nakablack na jacket at cap naman. Ayaw ba talaga akong patulugin ng maayos ngayon?"


Umupo ako sa kama ko at nilibot yung mata ko sa buong kwarto. Naghahanap ako ng pwedeng gawin para antukin. Sakto namang nakita ko yung libro ko. Kinuha ko 'yon at umayos ng pwesto sa kama ko. "Okay. Ngayon kailangan ko yung tulong mo. So, dapat mapatulog mo ko." Sabi ko sa librong hawak ko. Baliw na kung baliw. Ugh. Binasa ko 'yon pero halos makakalahati ko na 'tong libro na 'to, hindi pa din ako natatamaan ng antok kaya naibato ko yung libro.


Kusang lumaki yung mga mata ko nang marealize ko na katabi pala ng kwarto ko yung kwarto nila Mommy. Bigla namang bumukas yung pinto at nakita kong nakatayo si Mommy dun. "May nangyayari ba anak?" tanong niya sakin na may halong pag-aalala. "Wala po, Mom. Hindi lang ako makatulog."


"Nako, wag mong isipin 'yon. Mahal ka no'n." natigilan naman ako sa sinabi ni Mommy. Hindi, Mom. Hindi na niya ko mahal.


Nginitian ko si Mommy. "Matulog ka na, Mom. Sorry sa istorbo." Ngumiti din siya sakin at lumapit tapos niyakap ako. "Kung may problema ka anak, sabihin mo lang kay Mommy ha? Makikinig ako." Halos gusto ko nang maiyak nung pagkasabi sakin nun ni Mommy. Gustong-gusto kong sabihin sa kanya yung nararamdaman ko ngayon. Na sobra akong nasasaktan. Pero hindi ko magawa dahil ayokong mag-alala siya sakin.


Humiwalay sakin si Mommy. "Goodnight, anak." Pagkasabi no'n ni Mommy, kiniss niya ko sa noo. "Goodnight, Mom."


Nang makalabas si Mommy, do'n na nagsimulang tumulo yung mga luha ko. Naalala ko na naman yung sakit na nararamdaman ko. Napapaisip na naman ako kung pano ko makakalimutan si Gino. Kung paano mawawala yung tanginang feelings ko sa kanya. Natatakot ako na baka may ibang dahilan siya kung bakit siya nakipaghiwalay sakin. Pero naisip ko din na imposible naman na may dahilan siya na kagaya nung sa mga teleserye at kwento na ayaw ng parents o kaya engage na sila o may sakit siya.


"Nakakatangang mag-isip sa taong nang-iwan sayo. Minahal mo na ng sobra-sobra pero sinaktan ka pa." natawa naman ako. "Ang gago mo, Gino."


-----


Next update: Monday :)

Heartless RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon