Athea's Point of View
"Are you ready?" tanong sakin ni Clyde. This is it na talaga! Zinipper ko yung maleta ko at ibinaba ito sa sahig. "Yes, I am." nakangiti kong sagot sa fiance ko na soon to be my husband. Hinalikan niya ko sa noo atsaka niyakap. "I'm so happy." napangiti naman ako dahil sa sinabi niya. "Ilang araw na lang at magiging wife na talaga kita."
Humiwalay ako sa yakap niya at kiniss siya sa lips. "I'm so happy, too. At di mo na kailangan magdrama dyan dahil ikakasal naman na tayo. Makakasama mo pa ko ng matagal pero sayang kung hindi natin maaabutan yung flight natin kaya tara na okay?" nakangiti kong sabi sa kanya at hinawakan yung kamay. "Reserve that kadramahan of yours, okay?" natatawa kong sabi kaya natawa din naman siya.
-----
"Siiiiiis~!" tawag ko kay Ella nang makita ko siya atsaka pinisil ang pisngi ng karga-karga niyang si Achella. "Hi baby, you're so cute talaga!" naramdaman ko naman na may humawak sa bewang ko atsaka bumulong sakin. "Just wait. Dadating din tayo dyan." Natawa naman si Ella dahil kahit bulong yung sinabi ni Clyde, rinig pa din ni Ella yon. Hinampas ko naman si Clyde sa braso. "Masakit yun ah?" reklamo niya.
"Nako! Mas madami pang hampas yang mararanasan mo kapag kinasal na tayo. "Clyde, mag-iingat ka dyan kay Athea." nakangising sabi ni Ella.
"Bakit mo kasi binago 'tong si Athea eh." napataas naman yung kilay ko sa sinabi ni Clyde. "So you're telling me na pinagsisisihan mo na ganito ugali ko?" dahan-dahan naman akong niyakap ni Clyde atsaka kiniss sa pisngi. "I'm just joking. Cute mo nga eh." napairap naman ako kay Clyde pero kiniss ko din siya sa pisngi after. Syempre di ko matitiis 'tong future husband ko. Mahal ko 'to eh.
"Let's go, guys." Aya ni Zach. Napangiti naman ako at nag-umpisa nang maglakad.
Actually, ang sasakyan namin ay ang airlines nila Zach. Sabi niya siya na daw ang sasagot at syempre ito na din daw yung regalo niya samin. Not bad din naman dahil madami kami. Nandito ang parents namin and relatives na invited sa kasal ko.
-----
Nang makarating kami sa Boracay, dumiretso kami sa hotel at inayos yung gamit namin. Kasama ko sa room ang family ko at si Clyde naman sa kabilang room. Sila Ella at Zach naman ay nasa iisang room lang din kasama si Tita.
Lumabas ako para puntahan si Ella. Nasa pinakadulo sila na room pero at pupuntahan ko na dapat siya sa room nila nang biglang bumukas yung pituan nila. Naglakad ako papalapit sa kanya pero nagtaka ako kung bakit bigla siyang nagmukhang gulat? Tumingin ako sa likuran and there I saw Gino na nakatayo. Tumingin siya sakin at ngumiti.
"Hi, Athea. Are you excited?" tanong niya sakin. "Ahh.. Y-Yes, of course!" Ngumiti ulit siya sakin atsaka naglakad. "Where are you going?" tanong ko sa kanya. Nagtaka naman siya sa tinanong ko pero ngumit ulit siya, "To my room?" sabay turo dun sa dulong pinto.
Okay? Coincidence ba 'to? Magkatapat sila ng room? I don't know kung anong irereact ni Ella pero nakatayo lang siya sa pwesto na hinintuan niya kanina pa. Huminto sa harap niya si Gino atsaka siya binati. Kitang-kita ko yung pagkataranta ni Ella nang batiin siya kanina ni Gino.
Meron pa kaya siyang nararamdaman kay Gino? What if kung wala silang anak ni Zach? Posible kaya na magkatuluyan ulit sila? Ugh! So many thoughts! I hate it! Di dapat ako naistress sa mga nangyayari dahil kailangan maganda lang ako palagi.
So nilapitan ko si Ella atsaka siya inaya sa labas para maglakad-lakad. Gusto kong masulit yung kasama ko si Ella dahil di ko alam kung kelan ulit aalis 'tong babae na 'to. And I want to spend my day with her habang dalaga pa din ako kahit na siya hindi na.
Actually, they're soooo fast! Di ko talaga akalain na magkakaroon sila agad ng anak. I can't really accept it because di ko talaga ganun kakilala si Zach but I think na mabait naman talaga siya. And base sa pagkakakilala ko kay Ella, alam niya yung ginagawa niya. But I'll just support my bestfriend kagaya ng pagsuporta niya sakin to Clyde. Ewan ko lang kasi talaga dito kay Gino kung bakit biglang nagloko. I hate him, again.
"Sis!" Napalingon ako kay Ella dahil sa pagsigaw niya. "Are you listening?"
"Yea? What is it again?" She rolled her eyes. "Bat ka ba lutang Sis?" napakibit-balikat na lang ako atsaka ngumiti. "Okay, ano na ba kasing kinukwento mo?"
"It's just that-"
"Andito ka lang pala, babe." Ngumiti si Ella at hinalikan siya ni Zach sa pisngi. "You know Zach, iniistorbo mo kami ni Ella. Look, I'm spending my time with her at ngayon dumating ka." Natawa naman silang dalawa. "Okay, I'm sorry. But umiiyak kasi si Achella at hinahanap ang buhat ng mommy niya." Napasimangot naman ako at sinenyasan sila na umalis na. "Fine. Hahanapin ko na lang yung fiance ko ng may mapala naman na ko."