Chapter 8

1.3K 43 7
                                    

Dedicated to BlackAppleDiamond :) Thank you sa comment mong hindi ko inaasahan. HAHAHA! Ang aga kong nagising tapos yun yung nabasa ko. Komapta! :)


**


Nang makarating kami sa bahay ni Zach, binuhat niya ko papasok sa kwarto niya. Inilapag niya naman ako sa kama pagkatapos ay umupo siya. "Wag ka nang matakot. Nandito lang ako sa tabi mo." Sabi ni Zach at saka ako hinalikan sa noo ko at niyakap ako. "I'm sorry. Dapat hindi kita iniwan do'n." Lalo akong naiyak dahil hindi ko akalain na magagawa 'yon sakin ni Gino. Nagbago na siya. Hindi na siya yung dating Gino na nakilala ko. Yung Gino na sobra akong nirerespeto. Yung Gino na approved na approved kay Kuya.


Napatakip ako sa mukha at muling humagulgol. "Hindi ko kaya, hindi ko na kaya.." niyakap ako nang mahigpit ni Zach. "If it's okay to you, pwede tayong magpakalayo-layo muna. Sasamahan kita at tutulungan kitang makalimutan si Gino." Napatigil ako sa pag-iyak. Lalayo? "Ipapaalam kita kila Tita Lea kung okay sayo. Pero kung hindi -"


"Siguro nga. Siguro kailangan ko munang magpakalayo-layo para makalimutan ko siya. Baka kasi mas mahirapan lang akong magmove on kapag nakikita ko pa din siya." Huminga ng malalim si Zach. "Mabuti pang matulog ka na muna ngayon. Goodnight, Ella." sabi niya at saka ako hinalikan sa noo.


Zach's Point of view


Lumabas ako sa kwarto at nagtimpla ng kape. Sobrang naiinis ako dahil nagawa 'yon ni Gino sa kanya. Anong klase siyang tao? Kahit na hindi ko siya gano'n kakilala, alam kong mabait siya base sa kwinento sakin ni Ella. Pero tangina naman. Ano yung kanina? Sobrang hindi ko napigilan yung galit ko nung nakita ko 'yon. Kaya wala akong ibang nagawa kundi bugbugin siya.


Naikuyom ko na naman yung kamao ko sa sobrang inis. Kinuha ko yung phone ko at kinontak yung secretary ko. Yes, I have a secretary. Hindi lang naman yung Demetrius yung business na inaasikaso ko. I'm the one who owns the Demetrius Sky Light Airlines. Ipinamana sakin 'yon ni Dad bago siya mamatay. Kahit hindi niya ko tunay na anak, nagawa niya pa ding ipagkatiwala sakin yung mga business na maiiwan niya.


[Hello, Sir?]


"Hello, Katrina. Make sure na walang problema yung private plane ko. We will use that within a week."


[We po?] napabuntong-hininga ako at saka ko siya sinagot. "My friend and I, will use that. Okay?"


[A-ahh. Haha. Yes, sir. 'Yon lang po ba?]


"Yes." At saka ko inend yung tawag. "Bakit gising ka pa?" napatingin ako sa taong pababa ng hagdan at ngumiti. "Ikaw? Di ba sabi ko matulog ka na?"


Napangisi naman siya. "I can't sleep." Lumapit ako sa kanya. "About dun sa sinabi mo - "


"I already tell my secretary na we will use my private plane." Ngumiti naman siya. "You know? You're right. I need that space. " Alam kong may sasabihin pa siya kaya hindi muna ko nagsalita. Huminga siya ng malalim. "Ayoko pang patagalin 'to. Kaya.. pwede bang bukas na agad tayo umalis?"


"Yah. Parang gulat na gulat ka naman." At saka siya tumawa. But I'm sure na pinipilit niya lang talaga. "Are you sure?" tumango ulit siya. "Ayoko na siyang makita na may pagmamahal pa kong nararamdaman sa kanya." Habang sinasabi niya 'yon, may tumutulo na namang luha sa mga mata niya. Lumapit ako sa kanya at hinalikan ko yung mga luha niya. "Alam kong hindi agad mawawala yung lalaking 'yon sa puso mo. At mas lalong alam ko na hindi agad mawawala yung mga sakit na nararamdaman mo ngayon. Pero time flies, Ella. I know na isang araw, pag gising mo, wala na rin yung nararamdaman mo na 'yan para sa kanya. I'm here to help you. No matter what."


-----


"Bakit ka naman nagdesisyon niyan, anak?" nag-aalalang tanong ni TIta Lea kay Ella. "Mom, I need this. Okay? I'm not that mawawala naman ng sobrang tagal na panahon. And also, I'm with Zach. He will take care of me, syempre." Napangiti naman ako sa sinabi ni Ella at ganun na din si Tita Lea. "Okay. I understand. But call me, okay? Hindi mo naman ako masisisi kung ganito ako mag-alala sayo eh." Napayuko naman ng ulo si Tita Lea. "Mom, just trust me."


"Oo na, sige na. Pero teka, nasaan si Gino? Hindi mo ba siya kasama? I mean, alam ba niya?"


"Hindi po, Mom. Sige po, aalis na po kami." Niyakap naman ni Tita Lea si Ella ng sobrang higpit. "Mag-iingat ka do'n. Arraso?" napairap naman si Ella. "Mom? Kakapanood niyo ng mga Korean dramas, nagkokorean na din kayo." Napatawa naman si Tita Lea dahil sa sinabi ni Ella. "Ano ka ba naman? Wag mo nang intindihin yung mga kinaaaliwan ko ngayon. Sige na, umalis na kayo. I will miss you, baby." Ngumiti si Ella at niyakap ulit si Tita Lea. "I will miss you, too, Mom."


Naglakad na kami papalabas ng bahay nila Ella at nagulat na lang kami ng biglang sumulpot si Athea. "Sis? Where are you going?" tanong nito kay Ella. Ngumiti lang si Ella at saka niyakap si Athea. "I will miss you, Sis." Hinampas naman siya ni Athea. "Ano ba talagang plano mo, ha?"


"I just need some space."


"Para namang hindi ka sanay sa ganito." Pabirong sabi ni Athea kay Ella. "You know, sis? Kung aasarin mo lang ako, mas okay pang umalis ka na."


"Aysh! Alam mo namang mahal na mahal kita diba? Pero, san ka ba talaga pupunta?"


"Sa lugar kung saan kami lang ang nakakaalam." Natawa naman ako sa isinagot ni Ella. "Ang korni mo, Sis. Sige na nga, wag mo na lang muna sabihin sakin. But text me, okay? Kapag may ginawa sayong masama 'tong si Zach, nako! Baka matanggal 'yung maselang bagay niya sa gagawin ko." Tumawa naman si Ella. "Do you want me to tell to Clyde kung ano yung mga sinabi mo ngayon? I'm sure na -"


"Sabi ko nga, umalis na kayo para makarating na kayo sa lugar kung saan kayong dalawa lang yung nakakaalam." Napangisi naman si Ella na nauwi din sa tawa. "Anyway, don't tell Mom kung ano talaga yung nangyari ha? Ako na yung bahala na magsabi sa kanya pagbalik ko." Sabi ni Ella at nagsimula nang maglakad. Kumaway sa kanya si Athea at gano'n din siya. Sumakay na kami sa kotse ko at pinaandar na 'yon. "I promise to myself na ibang Ella na ang babalik dito."


**


Sabi ko nung sa last update ko, Thursday ako mag-uUD. Pero dahil whole day ako bukas, ngayon ko na lang pinost 'to. This semester, puro whole day yung schedule ko. So baka once a week na lang ako makapag-UD. Anyway,

Next update: either Sunday or Tuesday pa.

Heartless RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon