Chapter 26

660 16 1
                                    

ELLA'S POV

"Kung ganun pala, bakit di niya sinabi sakin?"

"Ella!" napatingin ako sa gilid ko at nakita ko ai Gino na hinihingal pa. "B-Bakit?" tanong ko sa kanya. "Yung phone ko." napatingin naman ako sa kamay ko. "Wala ka namang ginalaw dyan diba?" tanong niya. Umiling ako dahil sa kaba at ibinigay na sa kanya yung phone. "Umuwi ka na sa inyo, gabi na masyado. Ihahatid na kita."

Nag-umpisa na siyang maglakad kaya sumunod naman na ko. Nasa likuran niya lang ako at tinititigan ko siya. Kapag tinanong ko ba siya, sasagot siya ng maayos?

Humarap naman siya sakin. "Pumasok na ka." napatingin naman ako sa bahay na nahintuan namin. "Nandito na pala." ngumiti ako kay Gino, "Salamat." Tumango naman siya at aalis na.

"Teka.." napahinto siya at humarap sakin. "Ahh, wala. Sige, alis ka na." sabi ko at pumasok na sa bahay.

2am na at hindi pa din ako makatulog. Dapat talaga di ko na lang ginalaw yung phone niya.

"Ella! Let's talk!" napabangon ako sa hinihigaan ko at napatakbo sa may bintana para silipin kung sino yon. "Zach.." Huminga ako nang malalim at bumaba para puntahan siya. Although I hate him for now, ayoko naman siyang maging miserable dahil sa naging desisyon ko.

"Ella.." narinig kong sabi ni Zach at nakita kong malalapad yung ngiti niya. Lumabas ako ng gate at hinarap siya pero agad niya kong niyakap. "Ella, I'm so sorry.. I miss you so much." humiwalay ako at tiningnan siya. "Zach, listen. Please give me some time. Hindi ko kinaya yung mga nangyayari. I love you until now pero please, let me have some space. I don't want you to be a miserable man. If you're really the man na makakasama ko hanggang sa huli, okay ako dun. Pero if we're not for each other, let it be. So now, go home and get some rest."

Papasok na sana ko pero bigla niya kong hinila at niyakap. "Please, kahit isang minuto lang, hayaan mo kong mayakap ka."

-----

After a month.

"Goodmorning, baby.." sabi ko habang nakatitig sa abo ni Achella. Yes, I want to cremate her para nandito lang siya kasama ko. She's too young to have a weak heart at hindi man lang namin nalaman. Muli na namang tumulo ang mga luha ko. "I miss you.." pabulong kong sabi. Kung pwede lang maibalik ang lahat. Edi sana masaya tayo ngayon kasama si Zach..

Tumayo ako at kumuha ng damit sa closet ko. I fixed myself dahil gusto kong umalis muna. I go to the mall at namili ng mga gamit ko. Gusto malibang yung sarili ko para di ko masyadong maramdaman yung sakit ng pagkawala niya.

Naglibot ako sa department store at napatigil ako ng makakita ako ng mga damit ng baby. Bagay sayo yung mga damit dito, baby.

After kong magbayad, pumunta na ko sa sasakyan ko at inilagay yung mga pinamili ko. Dumaan ako sa bahay namin ni Zach dahil kukunin ko yung iba kong gamit dun. Sa oras na 'to, wala dun si Zach dahil malamang ay nasa office yon.

Medyo kinalimutan ko naman na yung mga nangyari last month dahil ayoko nang ikulong yung sarili ko dun. Handa na din akong patawarin si Zach. But I want us to be friends na lang. After kong makuha yung mga gamit ko, pupunta ko kay Zach.

Nang makarating ako sa bahay namin ni Zach, kinuha ko yung duplicate na susi at binuksan yung pinto. Nagulat ako ng makita ko yung itsura ng bahay, napakagulo. Yung mga bote ng beer nagsisikalatan. Yung mga damit din ay nakakalat.

Naglakad ako at biglang kinabahan when I hear moans. Unti-unti akong pumunta sa kwarto and I saw Katrina and Zach. Napaatras ako but nakaapak ako ng beer in can kaya napatingin sila sakin. Nanlaki ang mga mata nila at agad na nagbihis si Zach.

Binilisan ko ang lakad ko pero agad akong hinawakan ni Zach sa kamay. Nakayuko ako pero napatingin ako sa kamay namin na biglang tinanggal ni Katrina. "Why are you here?" mataray niyang tanong sakin. Ngumiti ako sa kanya. "I'm sorry that I disturbed you two. Nandito ko dahil kukunin ko lang sana yung iba kong gamit dito."

Inirapan ako ni Katrina at agad ako na sinampal. Napahawak ako sa pisngi ko at tiningnan siya. "You broke Zach's heart tapos ngayon pupunta ka dito? Ang kapal naman talaga ng mukha mo!"

Napangisi ako. "You're telling me na makapal yung mukha ko? How dare you to say those words to me? Who the hell get Zach in the bar at nakipags*x sa kanya? Hindi bat ikaw?"

"How dare you?!" sasampalin niya sana ko pero hinawakan ko yung kamay niya atsaka siya sinampal. "You know what? Wala dapat akong balak na makipag-away sa mga kagaya mo eh. Wala naman dapat akong sasabihin kung makita ko man si Zach na nakikipags*x sayo o sa ibang babae dahil wala naman ng kami."

"Ella, I'm sorry.." Zach said. Hahawakan niya sana yung kamay ko but I refused it. "No, Zach. I'm sorry. I really want us to be okay."

"Ella, I love you.." napangisi ako dahil sa sinabi ni Zach. "I just want us to be friends, again. That's all. Binabalak ko pa nga sana na puntahan ka sa company pero makikita na pala kita dito and with this girl." Aalis na sana ko pero may kailangan pa pala kong sabihin. "Anyway, I forgive you Zach."

Bigla namang tumakbo si Katrina papunta sa lababo at nagsuka. Ngumiti ako at tumingin kay Zach na nasa harapan ko na nakatingin kay Katrina. "And congratulations sa magiging baby niyo. Nagbunga yung una niyong ginawa."

Heartless RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon