Chapter 14

1.1K 29 0
                                    


Zach's Point of view


"Babe? Pakitimplahan naman si baby ng gatas." sabi sakin ni Ella at ginawa ko naman. Baby Achella is so importatnt to us. Dumating siya samin ni Ella ng hindi namin inaasahan. And I'm so happy na dahil sa kanya, minahal na talaga ko ni Ella ng tuluyan. Nawala yung pagmamahal niya sa taong gumago sa kanya.


Naiinis lang ako kapag naiisip ko na may epekto pa din si Gino kay Ella. Kahit hindi sabihin ni Ella sakin, alam kong meron pa din. Ang hindi ko lang maintindihan, bakit pumupunta pa si Gino kila Tita Lea? Is he making fun of them? O gusto niyang magpalakas kay Tita Lea para mas gustuhin ni Tita Lea na si Gino ang makatuluyan ni Ella. Tangina.


"Hey, Zach. Are you thinking of something? Mukhang malalim yan ah?" sabi sakin ni Ella at saka kinuha yung gatas ng bote sa kamay ko. Ibinigay niya 'yon kay Achella na nasa loob ng crib at bumalik papunta sakin. "Are you okay?" tanong niya sakin habang hawak yung mukha ko. Tumango ako at ngumiti. "Can I have one kiss?" natawa naman siya. "You're really a kiss monster, don't you?" Hindi ko na sinagot yung tanong niya. Hinapit ko yung kamay ko sa bewang niya at saka ko siya hinalikan. I don't know what will I do kung mawala pa sakin 'tong taong mahal ko.


Humiwalay siya sa halik namin at kitang-kita ko ang ngiti sa mga labi niya. "Achella is watching us now, babe." sabi niya sabay turo kay Achella na ngayon ay nakatayo. Natawa din ako at nilapitan siya. "Baby? You can only do that on the right time ha?" Humagikhik lang siya at pilit na inaabot yung mukha ko. Hinalikan ko yung kamay niya at saka pinat yung ulo niya. "Be a good girl, okay?" Narinig ko yung pagtawa ni Ella. "What?" tanong ko sa kanya.


"She's too young para pagsabihan mo siya ng ganyan."


"Mas okay na 'yon para sure." Natawa ulit siya. "Protective father huh?" sabi ni Ella habang may ngisi sa mga labi niya. "And you." sabay turo ko sa kanya. "Don't teach her to be a bad girl." narinig naman namin ang biglang pagtawa ni Achella kaya natawa kaming pareho. "I think she wants to be a bad girl."


"Achella, you want to?" tanong ko kay baby tapos tumawa ulit. "See?" napailing na lang ako dahil sa sinabi ni Ella. "Ang bata-bata pa niya para gawin mo siyang bad girl. Umayos ka nga babe." Ngumisi naman si Ella at pumunta sa kwarto. Bumaba siya ng dala yung damit na ipampapalit ni Achella. Papaliguan na kasi siya ni Ella.


"Baby? Magshower na ha? Para mabango na ulit." Nakangiting sabi ni Ella. "Mabango naman si Achella kahit hindi pa naliligo ah?" sabi ko sa kanya pero tumingin siya sakin. "Oo nga, mabango siya kahit hindi pa naliligo. Ikaw lang naman yung mabantot kapag hindi pa naliligo eh." Nakangisi niyang sabi sakin at saka tumakbo papasok sa cr. Kumatok naman ako pero hindi niya pinagbubuksan. "Hindi ka makakalabas dyan hangga't hindi mo sinasabi yung totoo." Pagbabanta ko sa kanya. "I'm saying the truth naman talaga eh!" sagot niya na may halong halakhak.


Kung hindi ko lang talaga mahal na mahal 'tong si Ella, baka nabatukan ko na 'to dahil sa mga pinagsasasabi niya.


-------


Nagising ako nang maaga dahil gusto kong ipagluto ng almusal sila Ella. Kumuha ako ng dalawang itlog at prinito ko. 8 o'clock am palang kaya tulog pa yung mag-ina ko. Paakyat na sana ko para gisingin siya nang bigla kong marinig yung door bell.


"Sino naman kaya 'to? Napakaaga naman?" agad kong tinanggal yung apron at pumunta sa may pinto. Pagkabukas ko nun, wala akong nakita tao. "Mukhang mga bata yun na makukulit ah?" sabi ko sa sarili ko. Isasarado ko na sana yung pinto nang nahagip ng mata ko yung isang box na may sulat. Napakunot ang noo ko ng mabasa ko yung nakasulat.


Alam ko yung totoo about sa inyong dalawa.

Mahal niyo kaya talaga yung isa't isa? O naglolokohan lang kayo?

- Beauty

Heartless RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon