Chapter 23

526 13 1
                                    

ELLA'S POV

"Nahatid mo ba ng maayos si mommy?" tanong ko kay Zach nang makabalik siya dito sa hotel. "Oo naman. Ako pa ba?" napangiti naman ako sa sinagot niya. Mayamaya ay tumunog yung phone ni Zach pero tinitigan niya lang 'yon.

"Wala ka bang balak sagutin?" tanong ko sa kanya at tanging pag-iling lang niya at ngiti ang isinagot. Actually, si Katrina yung tumatawag. Maybe, tungkol sa business kaya ayaw niyang sagutin. Bumabawi ata si Zach dahil sa nangyari nung kasal.

"Babe, tulog tayo." aya ko sa kanya pero umiling siya. "Hindi pa ko inaantok, ikaw na lang muna." tumango naman ako at pumasok sa kwarto pero bago pa yon ay narinig ko na ang pagkatok sa pinto. Sino naman kaya yon?

Pahiga na sana ko pero mukhang hindi maganda yung kutob ko sa taong dumating. "I miss you." rinig kong sabi nung babae kaya sumilip ako sa pinto. At nakita ko si Katrina na nakayakap kay Zach. Ano na naman kayang pakulo ang gagawin nito ni Katrina?

Tinanggal ni Zach ang pagkakayakap sa kanya ni Katrina kaya napangiti ako pero unti-unti ding naglaho ng makita kong halikan siya ni Katrina. Ano 'to?

Pilit na inilayo ni Zach si Katrina at hinawakan sa magkabilang balikat. "Pwede ba? Wag tayo dito mag-usap. Baka marinig pa tayo ni Ella." napakunot ang noo ko sa narinig ko. Baka marinig ko sila? May tungkol ba sa business na hindi ko dapat malaman? Pero tang*na lang. May halikan akong nakita!

Agad kong tinawagan si Athea. "Hello, Sis. Any problem?" tanong niya. "I have a favor. Can you come here? Pakibantayan naman si Achella. May pupuntahan lang ako saglit."

"Okay. Punta na ko dyan. Byeee!" I ended the call at lumabas agad ng pinto. "Wala na sila.."

Mayamaya ay dumating na si Athea. "Are you okay, Sis?" tanong niya sakin. Tumango naman ako at nginitian siya. "Tawagan mo ko kung gising na si Achella, okay?" Ngumiti naman siya. "Don't worry, I'll take care for her."

Umalis ako at hinanap ko si Zach at Katrina. Iba talaga yung kutob ko eh. At hindi ako mapapakali hangga't hindi ko nalalaman yung totoo. May relasyon ba sila? Tang*na lang.

Lumingon ako sa kaliwa't kanan ko sa bawat lakad ko pero di ko sila makita. Gabi na at mahihirapan akong makita sila. Naglakad-lakad pa ako at bigla ko na lang naramdaman na may humila sakin at agad na tinakpan ang bibig ko.

"Wag kang maingay." boses palang ay alam ko ng si Gino 'to. Unti-unti niyang tinanggal yung kamay niya sa pagkakatakip sakin pero natigilan ako sa narinig. "Can you stop saying nonsense?" si Zach..

"Mukha bang nonsense yung sinasabi ko? Pano kung meron 'to? Zach, we had s*x last last night! Ramdam ko na lumabas sa loob ko 'yon!" napatakip ako ng bibig at tuluyan nang bumagsak yung luha ko. "Then, ipalaglag mo." sagot ni Zach kaya agad siyang sinampal ni Katrina.

"Ipalaglag? Grabe ka.." pansin ko naman na pinanghihinaan na ng loob si Katrina. "Grabe ako? Ikaw yung grabe Kat. Ni hindi mo pa nga alam kung buntis ka ba talaga o hindi pero kung makaarte ka dyan? Bakit? Dahil mahal mo ko? Mas okay siguro kung manahimik ka na lang. Ayokong malaman pa 'to ni Ella." naramdaman ko naman yung panghihina ng tuhod ko kaya agad akong inalalayan ni Gino. "We should go now. Tama na yung narinig mo."

Nang makalayo-layo kami kila Zach ay dun ako humagulgol ng iyak. Napaupo ako sa buhangin dahil hindi ko na kaya. Why did he do such things?

Niyakap ako ni Gino habang iyak ako ng iyak. Mayamaya pa ay tumunog ang phone ko kaya sinagot ko 'yon. "H-Hello.." sagot ko habang umiiyak pa din. "Sis, you should go to the hospital, now. Si Achella-" hindi ko na narinig ang ibang sinabi ni Athea sa kabilang linya dahil agad kong pinilit yung sarili ko na makatayo kahit hinang-hina ako. "Ella, bakit?" kumapit ako sa braso ni Gino. "S-Si Achella.."

"Ella!"

Heartless RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon