Chapter 11

1.3K 36 1
                                    

Athea's Point of view


It's been two years and two months simula nung umalis si Ella. I missed her so much. Wala man lang akong mapagkwentuhan ng mga pumapasok sa isip ko. Wala din tuloy akong Sis kapag sa photoshoot. I'm thinking tuloy kung kamusta na kaya siya sa pinuntahan nila ni Zach. Actually, gusto ko sana siyang puntahan do'n kaso ayaw niya. Magkikita din naman daw kami. Siguro, nakakatanggap na lang ako ng text or calls sa kanya, three to five times a month? I don't know kung busy ba siya do'n or masyado na siyang masaya kasama si Zach.


"Ms. Athea, may tawag po kayo galing kay Ms. Ella." sabi sakin nung assistant ko at saka kinuha yung phone. "Yes?" sagot ko.


[Hi, sis! I have a good news.] napangiti naman ako. "What is it?"


[We're going back na dyan.]


"Really? Kailan?"


[Maybe next week?]


"I'm so excited!" tumawa naman siya sa kabilang linya. [Ma-ma.. Mama!] Literal na nanlaki yung mga mata ko dahil sa narinig ko. Boses 'yon ng bata! OMG! Don't tell me, may anak na sila ni Zach? Wait.. Paano si Gino?


"Sis -" fudge! Naputol yung tawag! Kinontak ko si Ella pero nakaoff na yung phone. Kaya ba napakatagal na niya do'n dahil nagkaanak siya? Maharot din si Sis ha? Nako, lagot siya nito kay Tita Lea. Lalo na't na kay Gino ang boto niya.


"Athea!" napalingon ako sa tumawag akin. "Hi, baby!" bati ko kay Clyde at niyakap siya. "I miss you!" Natawa naman siya dahil sa sinabi ko. "Hobby mo na ata yung pagkakamiss mo sakin?" Napapout naman ako. "Paano ba naman kasi, lagi ka na lang busy sa mga business mo." Ngumiti naman siya at saka hinawakan yung mukha ko gamit yung dalawang kamay niya. "I'm sorry, baby. Para naman 'yon sa future natin diba?" Napangiti naman ako sa sinabi niya. "Hmp. Oo na, dapat naiinis ako sayo ngayon kaya lang pinapakilig mo na naman ako."


Niyakap niya naman ako. "Babawi ako sayo. Okay?" Tumango ako ng nakangiti at saka ko siya niyakap. "Tara?"


"Ngayon na?"


"Yes. Ayaw mo?" Sinamaan ko siya ng tingin pero ngumiti din ako kaagad. "Syempre gusto. Sino bang aayaw sa gwapo kong boyfriend?" natawa naman siya at saka ako hinalikan sa noo.


Pumunta kami sa isang lugar kung saan maraming turo-turo. "Seriously? Dito mo ko papakainin?" tanong ko sa kanya. "Ano ka ba naman? Masarap kaya yung mga pagkain dito." Sabi sakin ni Clyde habang nakathumbs up pa sakin.


"Kapag ako namatay dito –"


"Wag ka nga magsabi ng ganyan. Hindi ka naman mamamatay kapag kumain ka ng mga 'yan eh."


"Eh kasi, tingnan mo yung lugar, hindi malinis. Tapos yung mga pinaglulutuan pa nila." Tumawa naman siya at saka nag-umpisang maglakad. "Clyde!" lumingon siya sakin at ngumiti tapos nagpatuloy ulit sa paglalakad.


"Sige na, papayag na kong kumain dito." Huminto siya at saka ako hinarap. Bigla niya namang hinila yung kamay ko papunta dun sa may golden brown na pagkain. Bilog-bilog nga eh. "Calamares yung tawag diyan. Tikman mo." Sabi ni Clyde sakin at saka itinapat sakin yung calamares. Tinitigan ko muna 'yon at saka isinubo. "Pusit ba 'to?" tanong ko at tumango naman siya. "Ang sarap nga!" sagot ko at kumuha na ng sariling stick at plastic cup. Tawa naman ng tawa si Clyde habang kumakain ako.

Heartless RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon