Chapter 4

1.7K 46 0
                                    

Dedicated kay KimbaeHyunzy na nagvote sa book one. Gomawo :)


-----


After kong mag-ayos, bumaba na ko para makakain. Actually, brunch na 'to. Tanghali na din kasi ako nagising at ang sakit pa din ng ulo ko. Hangover.


Nilibot ko yung mga mata ko sa paligid ng bahay ni Zach. Hindi siya ganun kalaki pero magada, mukhang magaling na architect ang nagdesign nito.


"Maliit lang 'tong bahay ko kaya kumain ka na muna at hahayaan kitang libutin 'to mamaya." Nagulat naman ako sa sinabi ni Zach. Hahayaan niya kong libutin ko 'to mamaya? Seriously? Eh kakakilala niya palang sakin kagabi eh.


"Wag ka ng mag-isip dyan. Bumaba ka na dyan at kumain."


"Hindi mo ko kailangang utusan 'no." sagot ko naman. "Bababa ka na ba dyan o bubuhatin pa kita?" napakunot yung noo ko at saka bumaba. "If I know, baka gusto mo lang akong chansingan." Natawa naman siya sa naging sagot ko. "You're funny." Inirapan ko naman siya.


Tiningnan ko yung pagkain na nakahain sa harapan ko. Bakit ang dami? "Niluto ko yan para sayo kaya kumain ka na." saad niya. "Pero sobrang dami naman nito? Mauubos ba natin 'to? Baka masayang lang yung pagkain kapag hindi naubos. May mga katulong ka ba dito? Family or what? Ayain mo. Sayang 'to, swear." Natawa na naman siya. "Excuse me? Anong nakakatawa? I'm just saying na sayang yung pagkain."


"Ang sungit mo." At saka na naman siya tumawa. Kumuha na lang ako ng pagkain at saka ako kumain ng kumain. "Hinay-hinay lang." paalala niya at saktong nabulunan naman ako. What the heck! Tumayo naman siya at agad na kumuha ng tubig. Ininom ko naman 'yon at saka huminga ng malalim tapos kumain ulit. "Ganyan ba kapag may problema ang mga babae? Dinadaan sa pagkain." Natigilan naman ako dahil naalala ko si Gino.


"Why are you crying?" tanong sakin ni Zach na mukhang nag-aalala pa. Lalo naman ako naiyak. "Sige, umiyak ka lang. Andito lang ako para damayan ka." Sabi niya at saka ako niyakap habang pinapat yung ulo ko.


Siguro, almost 1 hour akong iyak ng iyak. "Okay ka na ba?" tanong niya sakin nung medyo tumigil na ko sa pag-iyak. Tumango naman ako habang naiiyak pa din. Hinarap niya naman yung mukha ko at pinunasan yung luha ko.


"Thank you.." ngumiti siya at saka ginulo yung buhok ko. "Tuloy mo na yung pagkain mo." Sabi niya sakin pero mukhang nawalan na ko ng ganang kumain. Napabuntong-hininga na lang si Zach. "Sige na, ihahatid na lang kita sa bahay niyo. Alam ko namang nawalan ka na ng ganang kumain eh." Napatingin ako sa kanya at saka ko siya nginitian.


After niyang imisin yung pinagkainan namin, bumyahe na kami papunta sa bahay. Tumingin ako sa bintana, inisip ko kung bakit masyadong mabait sakin 'tong si Zach. Tumingin ako sa kanya pero binawi ko din yun nung nakita ko siyang nakatingin sakin. "W-Why are you looking at me?" tanong ko sa kanya. Hindi niya ko sinagot, sa halip, tumawa lang siya. "Bakit ka din tumingin sakin?" tanong niya. "Ang tanong, hindi sinasagot ng tanong." Tumawa ulit siya sa sinabi ko. "Are you crazy ba? Kanina ka pa tawa ng tawa kahit wala namang nakakatawa."


"I'm just happy." Natigilan naman ako dahil bigla ko na namang naalala si Gino.


"Who's this?" tanong ko.


[Secret admirer mo.]


"Secret admirer ko? Are you joking?"


[No.]


"Okay, what's your name?"


[Secret.] napairap naman ako sa naging sagot niya. Isa siyang malaking pilosopo.


"Okay, secret. Where did you get my number?"


[Secret.] F*ck.


"Kung wala kang ibang sasabihin kundi secret lang, bakit ka pa tumawag?"


[To hear your voice.]


"How sweet." sarcastic kong sabi. Natawa naman siya sa. "Why are you laughing?"


[I'm just happy.]


"Crazy." at inend call ko na. Kainis kasi! Parang baliw lang.


Napailing agad ako ng maisip ko 'yon. Why I'm thinking of him again? Sinaktan na ko diba? Tapos iisipin ko pa siya?


"Ella." Para siyang gago. Ipagpapalit na lang ako, sa mga mahaharot pa na babae. "Ella." Baliw talaga yung lalaki na 'yon. Ughhh! Gusto ko siyang hampas-hampasin at sapak-sapakin! "ELLA." Napalingon agad ako kay Zach. "What?" inis kong sabi.


"Kanina pa kita tinatawag. Hindi mo man lang ako naririnig." Napabuntong-hininga naman siya. "Marami ka na namang iniisip. Saan na tayo dadaan?" tanong niya sakin. Tumingin ako kung nasan na kami. Malapit na pala kami sa subdivision namin. Napansin ko din na nakahinto pala kami. Napabuntong-hininga na lang din ako at saka ko itinuro yung daan papunta sa bahay.


Bumaba ako ng kotse niya ng makadating kami. Dumiretso ako sa harap ng gate naming at saka ko siya hinarap. "Thank you sa paghatid. Pwede ka ng umalis." Sabi ko sa kanya at tatalikod na sana nang bigla niyang hawakan yung kamay ko. "Magkikita pa ba tayo?" tanong niya sakin kaya hinarap ko siya. "Hindi na nating kailangan na magkita ulit." Sagot ko sa kanya at saka pumasok sa bahay.


Bakit kailangan pa ulit naming magkita? We're just strangers naman na simula ngayon. Dipende na lang kung may gusto siya sakin.

Heartless RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon