Chapter 18

638 21 0
                                    

Ella's Point of View

Maaga kaming nakarating sa Boracay at si Achella ay tulog habang nasa byahe kami hanggang makarating dito sa hotel. Inilapag ko muna siya sa kama at inayos yung mga gamit namin. Hindi naman masyadong madami yung dala ko but we're staying here for five days.

Nang makatapos ako mag-ayos ng gamit ko, napagdesisyunan ko na puntahan si Athea. "Babe, patingnan-tingnan naman si Achella ha? Lalabas lang ako." I smiled and he smiled back at me at tumango.

Lumabas ako at sakto naman na nandun si Athea na mukhang papunta din naman sakin pero napahinto ako. Gino is here. I know that I will never be affected pero bakit ganito?

I promise na never ko nang gagawin sayo yung ginawa ko dati..

Napailing ako dahil sa naisip ko. But my heart beats so fast. Bakit nagkakaroon na naman siya ng impact sakin? I know na dapat di ako maniwala sa mga sinasabi niya. Dahil first of all, siya yung gumago sakin.

Medyo napaatras ako ng maglakad na siya papunta sakin. Oh shit. Natigilan na naman ako and I swear biglang tumigil yung tibok ng puso ko. Don't over react. Seconds lang naman dahil nagulat ako syempre. Bigla niya kong binati nang nakangiti.

Naglakad siya palayo samin at dun ako nakahinga ng maluwag. Hindi ko lang masyadong pinahalata dahil baka mapansin ng bestfriend ko. Knowing Athea, madaldal. At iha-hotseat na naman niya pag nagkataon na kaming dalawa lang.

Naglakad-lakad kami habang pwede pa siya. Okay? How about ikwento ko sa kanya yung tumawag sakin? But, nah. Ayoko nang iungkat pa yun. Ahh! "Sis, may hindi ka pa nakukwento sakin. Bakit nga pala pumupunta si Gino dun sa bahay ni Mom?" tanong ko sa kanya habang nakatingin sa dagat pero ang tagal ko bago makakuha ng sagot so I look at her. "Sis." Ugh. Lutang na naman yung bestfriend ko.

"Sis!" sigaw ko and that gets her attention. "Are you listening?"

"Yea? What is it again?" I rolled my eyes. Yung totoo? Madami pa din ba siyang iniisip ngayon? Eh okay na nga lahat ng para sa kasal nila ni Clyde.

"Bakit ka ba lutang Sis?" nagkibit-balikat lang siya atsaka ako nginitian. "Okay, ano na ba kasing kinukwento mo?"

I will ask her pa ba?

Tumingin ako kay Athea at mukhang nag-aantay siya ng sagot. "It's just that-"

"Andito ka lang pala, babe." nginitian ko naman ang taong nasa harapan ko ngayon. Hinalikan niya ko sa pisngi at nakita ko naman na nakasimangot si Athea.

"You know Zach, iniistorbo mo kami ni Ella. Look, I'm spending my time with her at ngayon dumating ka." Natawa naman kaming dalawa dahil sa sinabi ni Athea. She's so cute na mataray kahit na ikakasal na siya.

"Okay, I'm sorry. But umiiyak kasi si Achella at hinahanap ang buhat ng mommy niya." sumimangot naman lalo si Athea dahil sa sinabi ni Zach atsaka kami sinenyasan na umalis na. "Fine. Hahanapin ko na lang yung fiance ko ng may mapala naman ako." napailing ako sa sinabi ni Athea at saka siya umalis.

"Let's go, babe?" nginitian ko naman si Zach at naglakad kami nang nakahawak ang kamay niya sa bewang ko.

"Oh, I forgot. Kailangan ko pala munang tawagan si Katrina." paalam niya. "Go ahead." atsaka ko siya nginitian. I know na may gusto pa din yung secretary niya na si Katrina sa kanya. But base sa pagkakakilala ko kay Zach, hindi siya manloloko ng babae.

Nauna na kong pumunta sa room namin nang magkausap na si Katrina at Zach. Mabuti na lang talaga at kasama si Mom dito. Pagpasok ko sa hotel room namin, wala naman akong naririnig na iyak. Maybe napatahan na ni mama si Achella. Dumiretso ako sa bedroom and there I saw a guy who's holding my baby. Why is he here?

"Oh Ella, nandito ka na pala." napatingin ako kay Mommy na may dala-dalang juice at nilapag iyon sa table. "Alam mo ba, hindi ko mapatahan yan si Achella. Mabuti na lang talaga at pinuntahan ako dito ni Gino. At ayan nga, siya ang nagpapatulog ngayon kay Achella." Lumingon si Gino kay Mommy at nginitian 'to. Aayusin na sana niya yung karga kay baby Achella pero agad akong lumapit at nagprisinta na buhatin si baby.

"Thank you." sabi ko sa kanya at inilapag si Achella sa kama. Hinarangan ko naman yung magkabilang gilid niya ng unan para hindi mahulog.

Napatingin ako sa pintuan ng kwarto dahil narinig ko ang pagbukas-sara ng pinto. "Tulog na si baby?" nakangiting tanong ni Zach at bigla iyong nawala nang makita niya si Gino. "Yea. Pinatulog ulit siya ni Gino." sagot ko at ngumiti naman siya kay Gino. "Thanks, bro." pasasalamat niya atsaka ibinalik yung tingin sakin.

"Babe, I have something to tell you."

"What is it?" tanong ko pero mukhang gusto niya na kaming dalawa lang ang mag-usap. "Mukhang may pag-uusapan kayong importante." sabi ni Gino atsaka tumayo. Ibinaling niya naman yung tingin niya kay Mommy. "Tita, una na po muna ko. Mag-iikot-ikot na din." Paalam niya. "Ay sige, mag-iingat anak ha?" napataas naman ang kilay ko ng marinig ko yon.

Anak? Mukhang close na close nga talaga sila ni Mommy.

"Babe ano na nga yung sasabihin mo?" tanong ko kay Zach. "Nothing."

"Nothing?" tanong ko. May sasabihin siya kanina tapos ngayon nothing? "What is it? Tell me." ngumiti lang siya sakin at niyakap ako. "I love you so much. And I won't let anyone to get you from me." napangiti naman ako. "I love you more, babe."

After a minute, humiwalay ako kay Zach at tiningnan siya. "Wala ka ba talagang sasabihin?" tanong ko ulit sa kanya. Umiling siya habang nakangiti. "I just want him to get out in our room." natawa naman ako. "Are you jealous?"

"No, I'm Zach." I rolled my eyes. "Corny mo babe." natawa naman siya. "Yes, I'm jealous. I'm just really scared of losing you." Nalulungkot na lang ako palagi kapag nakikita ko siyang nalulungkot.

Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi atsaka hinalikan siya sa noo. Kinuha niya naman yung kamay ko at nakita ko yung pagkakunot ng noo niya. "What?" nagtataka kong tanong. "I'm the guy. Dapat ako yung humahalik sa noo mo."

"May problema ba dun?"

"Para kasing ang baklay tingnan." I chuckled. "Seriously, babe?" He rolled his eyes kaya mas lalo akong natawa. "That reaction really looks you a gay."

Heartless RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon