Ella's Point of view
"You may now kiss the bride." sabi ng pari kay Clyde. Naghiyawan naman sila at mukhang kinikilig-kilig pa 'to si Sis.
Nang matapos ay pumunta na kami sa reception at doon ko nilapitan si Athea. "OMG! Congrats talaga, Sis!" tuwang-tuwa kong sabi sa kanya. Ngumiti naman siya, "Thank you, Sis. Sa susunod ikaw naman ah?" sabi sakin ni Athea habang kakaiba yung tingin. "Pero sana yung taong mapakasalan mo ay yung worth it talaga." Napaisip naman ako. "What do you mean?" tanong ko sa kanya. Umiling naman siya habang nakangiti at dun na napunta yung atensyon niya sa iba pang bisita na lumapit sa kanya.
"Are you okay?" tanong sakin ni Zach habang naglalakad ako. Tumingin naman ako sa kanya at ngumiti. "Oo naman." Mukha namang naghihinala yung mukha niya pero hinalikan ko na lang siya sa pisngi. "I'm really okay, babe. Don't worry. Cr muna ko ah?" paalam ko sa kanya at tumango naman siya.
Bakit ba ganun yung mga sinasabi ni Athea sakin? May mali ba kay Zach? Hindi naman ako tanga para di malaman na ganun yung gusto nilang iparating? Dahil ba kay Gino? Gusto pa din ba nila na maging kami ni Gino kahit alam nila na ginago niya lang ako?
Nang makarating ako sa tapat ng restroom, may natanaw ako na isang babae. Si Katrina ba 'yon? Bakit siya nandito?
"Oh, hi!" bati niya sakin nang makalapit siya. Nginitian ko lang siya. "Hmm, do you see Zach?" napangisi naman ako dahil sa sinabi niya. "Si Zach ba?" tanong ko ulit. "Yes, si Zach." Natawa naman ako sa naisip ko. "Nandun siya, pumunta siya sa dagat. Languyin mo siya dun ah?" sabi ko at inirapan siya. Isinarado ko naman ng malakas ang restroom. "Hoy magdahan-dahan ka nga! Masakit sa tenga ah!" irita niyang sabi. Well, sinadya ko yon. Naiirita talaga ko minsan sa babaeng 'to. Business ang ipinunta niya dito pero Zach lang ang tawag niya.
Nagsimula na kong magretouch ng makeup ko dahil nai-stress ako sa mga nakikita at naririnig ko. Special ang araw na 'to kay Athea kaya dapat hindi ko sirain ang mood ko kahit pinapag-isip niya ko nang kung ano-ano.
Lumabas ako nang maganda, syempre. Magmakeup man ako o hindi, maganda pa din ako. Pero laking gulat ko nang makita ko na naman siya. Bakit ba lagi ko na lang siyang nakikita?
Napatingin naman siya sakin at ngumiti. Nilapitan niya ko kaya napatigil na naman ako. "Hi." bati niya sakin habang nakataas yung kamay niya. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa simpleng hi niya. "H-Hello." at ngumiti ako. I rolled my eyes. Bakit ba ko natitigilan kapag nakikita ko siya? Hindi naman dapat. Naiirita na talaga ko!
"Kamusta ka na?" tanong niya sakin. Huminga naman ako ng malalim atsaka nagsalita. "I'm okay. Ngayon, kung wala ka nang ibang sasabihin, mas okay na siguro na umalis na ko." Napansin ko naman na ngumisi siya kaya napataas ang isa kong kilay. "Galit ka pa din ba sakin?"
Ngumiti ako sa kanya. "No, I'm not. At bakit naman? It's been 2 years nung nagalit ako sayo." ngumiti naman siya sa isinagot ko. "Wala ka na ho bang itatanong? Hinahanap na kasi ako nang baby ko panigurado." iritable kong sabi sa kanya.
"Alin ba dun yung baby mo? Yung maliit o malaki?" napairap naman ako sa kanya at nag-crossed arms. "Ano ba talagang trip mo? Pwede bang wag mong sirain yung araw ko?"
"Nireregla ka ba?" nanlaki naman yung mga mata ko sa sinabi niya. Walang hiya na talaga 'tong lalaking 'to. I swear! Kaya sa sobrang inis ko, sinipa ko siya sa baba nang tuhod niya. "Aray! Bakit mo ginawa 'yon?" rekalamo niya, napangisi naman ako. "Bakit hindi mo itanong sa sarili mo?" sagot ko sa kanya atsaka umalis sa harapan niya.
"Babe." napahinto naman ako dahil sa sobrang gulat. "Bat ka naman nanggugulat?" tanong ko kay Zach pero di niya ko sinagot. Tumingin lang siya sa likuran ko atsaka hinawakan ang kamay ko at sabay kaming naglakad. Napatingin naman ako sa kamay namin na magkahawak. I really love this man.
"What's that?" nagtaka naman ako sa sinabi niya. "Ano bang sinasabi mo?" tanong ko sa kanya. "Ano magmamaang-maangan ka?" kusa namang nagsalubong yung kilay ko dahil sa sinabi niya. "Alam kong magkausap kayo ni Gino kanina!" sigaw niya sakin. Naiinis ako, promise. "Ano naman ba kung magkausap kami? Zach, magkausap lang kami. Walang malisya don." mahinahon kong sabi. "Oh talaga? Eh bakit ganun yung pagkagulat mo nung nakita mo siya? Bakit nauutal ka kapag kausap mo siya?!" sinampal ko naman siya dahil sa sobra niyang pagmamataas ng boses sakin.
"Ganyan na ba kababaw yung tingin mo sakin? Two years ago na 'yon Zach!"
"Oo, two years na! Pero sa tingin mo ba di ko kayo pag-iisipan ng masama?" napatingin ako sa right side ko at tiningnan ulit siya. "Pag-iisipan ng masama? WOW! Wow talaga Zach. Sana man lang nagtitiwala ka sakin."
"Pano ko magtitiwala sayo kung laging umaaligid sayo yung Gino na 'yo-" hindi ko na pinatapos yung sinabi niya dahil sobrang inis na inis na ko. "Tapos ngayon nagagawa mo na kong sampal-sampalin? Kasi andyan na ulit yung Gino na yan. Andyan na ulit yung taong mahal mo! Na two years mo nang gustong makita!"
"TANG*NA NAMAN ZACH! NAPAKABABAW MO MAG-ISIP! MAY ANAK TAYO TAPOS GANYAN KA PA?!"
"ANAK? ALAM NATING DALAWA NA HINDI NATIN ANAK SI ACHELLA! ALAM NATING DALAWA NA MAY NAG-IWAN LANG SA KANYA SA MAY PINTO NANG RESTHOUSE! SA TINGIN MO BA SAPAT YON PARA DI MO MAHALIN ULIT SI GINO?" kusa naman tumulo yung luha ko dahil sa sinabi niya. "So simula pa lang ba di mo na tanggap si Achella? Sana sinabi mo para hindi kita pinakilalang ama sa kanya. At sana kung ganyan kababaw yung tingin mo sakin, matagal mo na kong iniwan.." yan ang mga huli kong sinabi kay Zach atsaka umalis na.
Tama si Zach, hindi namin anak si Achella pero ni minsan di ko inisip na di namin siya kadugo. Itinuturing ko pa din na tunay na anak namin si Achella. Pero hindi pala si Zach ganon. Mukhang nagkamali na naman ako sa pagpili sa pangalawang pagkakataon..