Chapter 34

503 8 0
                                        

So, ayan naging busy na naman ako kaya ngayon lang ulit nakapag-UD. Yung mga naka-italic ay flashbacks. Enjoy reading!

***

ELLA's Point of View

"Asan na ba 'yon?" tanong ko sa sarili ko hinahanap ko kasi yung color peach ko na dress. "Anak, ano ba ang hinahanap mo dyan?" tanong sakin ni Mommy. "Yung peach na dress ko po." sagot ko habang naghahanap pa din sa kabinet ko. "Ay nandoon sa kabinet ko. Saan ba ang lakad mo?"

"Makikipagdate yan." Napatigil naman ako nang marinig ko yung sinabi ni kuya. "Ay kanino? Kay Gino ba?" tanong ulit ni Mommy. "Hindi po kami magdidate. Manonood lang kami ng movie."

"Date pa din 'yon." Agad ko namang sinamaan ng tingin si Kuya pero ngumisi lang siya. "Nandoon na sa sala yung ka-date mo." Nakita ko naman ang pagngiti ni Mommy habang papalabas siya ng kwarto ko at bumalik na't dala ang peach na dress ko.

Inayos ko na ang sarili ko at naglagay ng kaunting make up. Nang matapos ako ay bumaba na ko at nakita ko si Gino na nakaupo, agad akong ngumiti at tinawag siya kaya tumayo siya at inilahad yung kamay niya sakin. "Thank you pero kaya ko yung sarili ko." Napanguso naman siya dahil sa isinagot ko. Ayoko lang naman talagang tanggapin 'yon dahil alam kong nakatingin si Kuya at baka asar-asarin na naman kami.

"You're beautiful." sabi ni Gino at binuksan ang pinto ng front seat. "Alam ko." nakangisi kong sagot at umupo na sa front seat. "Anong gusto mong panoorin mamaya? Horror, Romance, Comedy?" tanong niya sakin kaya napaisip naman ako. "Romcom?" tumango-tango naman siya at pinatakbo na yung kotse.

Nang makarating kami sa mall ay agad siyang bumili ng ticket at popcorn. "Sure ka bang okay lang sayo ang Romcom?" tanong ko sa kanya at tumango-tango naman siya. "Kung saan ka masaya, masaya na din ako." sabi niya sabay kindat sakin. Napailing na lamang ako dahil sa ginawa niya. "Parang kang tanga, Gino." inakbayan naman niya ko at biglang hinalikan sa pisngi kaya nanlaki ang mga mata ko. "Hoy! Tsansing ka sakin ah!" saad ko na may kasamang kurot sa tagiliran niya.

Tawa ako ng tawa sa pinapanood ko at ganun din naman si Gino. "Mabuti na lang at ito ang pinanood natin dahil nakikita kitang ngumiti at tumawa." napaiwas naman ako dahil sa sinabi niya. "K-Kahit sino naman ata ang manood ng movie na 'to ay matatawa eh." sagot ko.

Habang nasa office ako ay napatigil ako sa mga ginagawa ko dahil biglang pumasok sa isip ko ang mga memories namin ni Gino. Simula nung hindi ko sinasadya na masabi ko kay Kuya Keith na boyfriend ko siya kahit hindi naman.

"Gino!" tawag ni Kuya sa kanya. Lumingon lang si Gino at lumapit si Kuya. "May ginagawa bang kalokohan 'to si Ella sa school niyo?" tumingin naman sakin si Gino at mukhang hindi alam yung isasagot. "Pano naman ako makakagawa ng kalokohan sa school? Eh bantay sarado ako niyang boyfriend ko-" SH*T. Bakit ko ba nasabi 'yon? "Boyfriend? Boyfriend mo 'to si Gino?" gulat na tanong ni Kuya.

"Pasensya na Kuya, di namin agad nasabi sa inyo." I'll kill you talaga, Gino!

"Mabuti naman at ikaw ang napili na maging boyfriend nitong kapatid ko. Alagaan mo 'to ah!" sabay akbay sakin ni Kuya. "W-Wait? Approved sayo si Gino?" tumango-tango naman si Kuya.

"Oo naman, kuya Keith! Aalagaan ko 'tong si Ella!" sabi ni Gino sabay akbay pa sakin. "Sir Keith, may tawag po kayo." sabi nung isa naming maid kaya umalis naman si kuya para sagutin 'yon. Agad ko namang hinampas si Gino sa braso. "Aray! Bakit ka ba nang hahampas?" reklamo niya. "Bakit mo sinabi yun?"

"Ang alin?"

"Na boyfriend kita."

"Ako daw? Eh ikaw kaya yung nagsabi no'n. Buti nga sinakyan ko yung kalokohan mo eh." sabay ngisi niya kaya sinipa ko siya. Napa-aray naman siya dahil do'n. "I hate you, Gino Valdez!" Inakbayan niya naman ako. "Ito naman, okay lang yun. Tingnan mo, okay na okay nga ako sa kuya mo eh." sabay tawa niya. Hinampas ko naman siya sa tiyan niya para magtigil siya. "Aysh! Sadista ka talaga!" sabay layo niya sakin. "Hatid mo na nga ko sa labas."

"You're too old para ihatid pa kita sa labas."

"Aww. Hindi ata ako mahal ng GIRLFRIEND KO eh." So, talagang pinagdidiinan pa niya na girlfriend niya ko. Ngumiti naman ako at saka kumapit sa braso niya. "Sige na nga. Kawawa naman yung BOYFRIEND KO." naglakad na kami palabas ng bahay at pumunta sa kotse niya.

"Oh, ingat sa byahe BOYFRIEND KO ha?" Pabiro kong sabi sa kanya. "OPO. GIRLFRIEND KO." tangina. What was that? Bakit niya ko hinalikan sa lips? Nahihibang na ba siya? "Ba-bye, GIRLFRIEND KO!" sabay wave niya ng kamay niya sakin.

Natawa ako dahil sa pangyayari na 'yon. Siguro kung iisa-isahin ko ang mga memories namin ni Gino ay baka tapos na ang movie pero ang kwento ko ay hindi pa.

Natapos ang movie at ang akala ko ay uuwi na agad kami pero iba ang dinadaanan namin. "Saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanya. "Kikidnapin muna kita." napairap naman ako sa sinabi niya. "Kidnap mo your face!" sagot ko at diniretso na lamang ang tingin sa kalsada.

"BOYFRIEND KO!" tawag ko kay Gino at sakto naman ang paglingon niya sakin. Niyakap ko siya kaagad nang makalapit ako sa kanya. "Please. Sumakay ka na lang Gino." Hinihingal kong bulong sa kanya. "Ano bang nangyayari?" tanong niya pero sapat na 'yon para kami lang ang makarinig. "Basta. I'll explain it later."

"Oh sige." sagot niya. "Ella!" sigaw nung lalaki na papalapit samin. "Gino. Makisakay ka na lang sa gagawin ko. Okay?" bulong ko ulit sa kanya. "Sure." nakangisi niyang sagot.

"Ella, tara na." sabi nung lalaki at hinawakan niya yung kamay ko. "Don't touch me!" sabi ko sabay piglas ng kamay ko sa kanya. "Teka lang ha? Bakit mo hinahawakan yung kamay ni Ella?" tanong ni Gino sa kanya. "Wala ka na dun! Tara na Ella."

"Ayoko nga eh! At saka hindi naman ako pumayag na magpaligaw sayo 'no!" sabi ko sa lalaking makapal ang mukha. "Wala akong pakialam kung ayaw mong magpaligaw. Basta liligawan pa rin kita." sagot nung lalaki.

"Hindi ako papayag na ligawan mo si Ella." sabi ni Gino. "Bakit? Kaano-ano ka ba niya? Kaibigan ka lang naman ni Ella eh." napangisi naman si Gino atsaka ako inakbayan. "Teka lang pre, boyfriend ako nung gusto mong ligawan eh."

"Nandito na tayo." sabi sakin ni Gino. Hindi ko man lang namalayan na nakababa na pala ng sasakyan si Gino. Bumaba ako at tiningnan ang paligid. May mga animal bushes sa paligid at napapalibutan sila ng mga ilaw. "Anong lugar 'to?" nagkibit-balikat lamang siya sa tinanong ko. "Nagustuhan mo ba?" tanong niya at tumango-tango naman ako.

Naglakad na kami pero namamangha pa din ako sa itsura ng paligid. "Naalala mo ba nung nagpunta tayo dati sa zoo kasama si Misty?" tanong niya sakin at tumango naman ako. "Naaalala mo pa ba nung may naligaw sayo at kinuntsaba mo ko dahil ayaw ka niyang tigilan at nung sinabi ko na baby ko si Misty ay nagalit ka pa sakin?" Tumango-tango naman ako. "At nung nagalit ka sakin nun ay nasabi mo na minamahal mo na ko." napalingon naman ako sa kanya.

"Ella, ang akala ko noon mali lang ako ng narinig pero nung umuwi tayo galing sa zoo, tinanong kita kung totoo ba 'yon pero di ka makasagot agad no'n. Sinabi ko yung totoong nararamdaman ko nun sayo kahit na di ako sigurado kung mahal mo nga ako pero bago ako umalis ay isinigaw mo na mahal mo ko." Tumigil naman si Gino nang paglalakad kaya tumigil din ako.

"Kung hindi ako gumawa ng mga kagaguhan noon, siguro ay tayo pa din hanggang ngayon. At kung hindi ako natakot kay Clarisse sa mga pagbabanta niya, siguro ay ako lang ang mahal mo hanggang ngayon."

"Ella, sana ay napatawad mo na ko sa lahat ng mga nagawa ko dati. At sana ay ako pa din ang sinisigaw ng puso mo." Napakamot naman siya sa batok niya. "Ang korni pero sana ay pumayag ka na magsimula ulit tayo. Kahit gaano katagal ay hihintayin kita basta ay mapasakin ulit 'yang puso mo. Mahal na mahal kita, Ella at kailanman ay hindi 'yon magbabag-" Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita dahil agad kong hinawakan ang batok niya at binigyan siya ng napakatamis na halik.

Heartless RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon