Chapter 16

738 22 0
                                    

Ella's Point of View


"Good morning baby!" Batik o kay Achella at humagikhik naman siya. She didn't fail to make me smile every day. "Alam mo bang ang agang magising niyan ni Achella?" sabi ni Zach na galing sa kusina. "Breakfast is ready?" Tanong ko sa kanya at tumango naman siya.


Agad kaming nagpunta sa dining room at kumain. "You know what? Bumisita kaya tayo sa Demetrius?" Tumingin siya sakin ng masama. "Hindi pwede." Napataas naman ang kilay ko dahil sa sinagot niya. "At bakit naman hindi pwede?"


"Baka kasi maglasing ka na naman." Nakangisi niyang sabi kaya natawa naman ako. "You know that I won't do that thing na di ba?" Pinat niya naman yung ulo ko at ngumiti. "I know. I'm just joking.. and assuring na never na nga talaga." Nakita ko naman yung lungkot sa mga mata niya.


"What's the matter?" tanong ko sa kanya. "Nothing. I'm just-" pinutol ko na agad yung sinabi niya dahil mukhang alam ko na kung bakit. "Is this about Gino?" Hindi naman siya sumagot.


"Wala na kong nararamdaman sa kanya. And di ba, matagal na kaming wala?"


"Pano ko makakasigurado?"


"Kung iniisip mo na naman na mas mahaba ang pinagsamahan namin at ang satin ay one and a half years, ano naman diba? As long as ikaw ang mahal ko, wala ka na dapat ipag-alala." Napabuntong hininga naman siya. "Okay, okay. I'm sorry, babe." Ngumiti naman ako at niyakap siya kahit na karga-karga ko pa din si Achella. Ramdam ko naman ang pagngiti ni Zach. "So, let's eat? Malamig na yung pagkain natin dahil sa kadramahan mo." pang-aasar ko sa kanya. "Last na yung ganun. Ang bakla tignan eh." Natawa kami pareho atsaka kumain.


-----


"So beach wedding ang gagawin niyo ni Clyde?" tumango naman si Athea. "Hindi ko nga inaasahan na beach wedding ang klase ng kasal namin eh. Akala ko simpleng kasal lang pero hindi pala. Gusto niyang maging special yung magiging kasal namin."


"Eh diba beach wedding naman talaga ang pangarap mo dati pa?" tanong ko sa kanya. "Yes. But I don't know kung pano niya nalaman na ganun yung gusto ko. Maybe, source?" tumingin naman siya sakin na may halong hinala. Natatawa akong sumagot. "Okay, fine. Tinanong na niya sakin yun last year. Nakakabilib lang si Clyde at inasikaso niya yung wedding niyo kahit di pa siya nakakapagpropose sayo. He's so assured na yes ang isasagot mo."


"Of course alam niya." nakangisi niya sagot. "Ako ba naman magkwento sa kanya nang mga pangarap ko kasama siya eh."


"You and Clyde are so cute."


"Ako lang. Hindi siya kasama."


"So ikaw lang ang pwedeng maging cute?" Napalingon naman si Athea sa likod niya at agad na tumayo para yakapin ang fiance niya. "Hi, Ella. Long time no see." bati niya sakin. "Stop smiling to Ella. Nagseselos ako." sabi ni Athea kay Clyde habang nakatingin dito ng masama. "Baliw ka talaga sakin eh no? Ikakasal na nga tayo next week, nakukuha mo pang magselos sa bestfriend mo."


"Syempre biro lang naman yon 'no!" sabi ni Athea sabay hampas kay Clyde. "Okay, nilalanggam ako dito oh." biro kong saad.


"Kamusta naman pala kayo ni Zach. Magkwento ka na daliiii. At paano niyo nabuo si Achella. Like duh? Ilang years palang kayo pero may nabuo na." Natawa naman ako sa sinabi ni Athea. "It's not what you think, Sis. It's a long story and by the way, I need to go. Dadalaw pa ko sa Demetrius." Pagpapaalam ko habang nakatingin sa relo ko.


"WHAT?! It's-" hindi ko na pinatuloy ang sinasabi niya. "7pm, Sis. And I'm sure na hinahanap na din ako ni Achella. You know, mom's duty." kinindatan ko si Athea. "Bye, Clyde. It's nice to see you, again." Tumango naman siya atsaka ako umalis.


-----


"Is that your baby?" tanong sakin ni Ate Trina. Isa siya sa mga staff dito sa Demetrius at itinuturing na ate ni Zach. "Yes, Ate Trina." sagot ni Zach. "She's so cuuuute!" sabi ni Ate Trina habang hawak-hawak yung kamay ni Achella.


"Bilis mo kumilos pre ah?" mapang-asar na sabi ni Kuya Jam - boyfriend ni Ate Trina and also one of the staff dito. "Ikaw lang naman mabagal Kuya Jam eh." Natawa naman kami dahil sa sinagot ni Zach.


Anyway, pinaclose muna ni Zach itong Demetrius para makapagbonding kami ng maayos ng mga staff dito. And also, pa-'Welcome Party' daw samin kaya okay lang na dalhin namin dito si Achella. Bigla ko namang naramdaman yung pagvibrate ng phone sa bag ko. "Babe, pahawak naman si Achella. I'll answer the call lang." tumango naman si Zach at agad na kinuha si Achella.


Pumunta ko sa may corner na hindi maingay at tiningnan kung sino yung tumatawag. Unknown caller siya pero baka importante 'to kaya sinagot ko na lang din. "Hello?"


"Ella, I miss you.. Pwede bang sakin ka na lang ulit? I can't even live without you.." rinig ko ang pag-iyak niya sa kabilang linya. "S-Sino 'to?" Hindi dapat ako kinakabahan pero bakit ganito? "Iwan mo na lang siya please? Kahit may anak na kayo, okay lang sakin. J-just please.. forgive me.. And I promise na never ko nang gagawin yung ginawa ko sayo dati.."


"I love you so mu-" ibinaba ko ang tawag at agad na bumalik sa pwesto namin ni Zach. "You okay?" tanong niya sakin at tumango naman ako. "I know you're not. Pinagpapawisan ka. Ano? Masama ba pakiramdam mo? Natatae ka ba?" agad ko naman siyang nahampas sa braso. "Siraulo."


I promise na never ko nang gagawin yung ginawa ko sayo dati..


"Shut up, you jerk."

Heartless RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon