ELLA's POV
After 1 year..
"Thank you, ma'am!" sabi ng part-timer ko. Nanghiram kasi siya sakin ng 2k dahil sa gastusin ng kapatid niyang may sakit. "You're welcome." nakangiti kong sagot sa kanya. "Promise ko po talaga na babayadan ko kayo!" natawa naman ako sa sinabi niya. "Oo na, puntahan mo na yung kapatid mo at kailangan niya yan." Tumango naman yung part-timer ko at umalis na.
Nagpatayo ako ng flower shop dahil gusto ni Mom. Well, okay lang naman sakin dahil magaling mag-alaga si Mommy ng mga bulaklak.
Napalingon ako sa pintuan ng marinig kong tumunog ang bell na nakasabit sa pinto. "What are you doing here?" tanong ko kay Athea. Umupo naman siya sa bench. "Masama bang dalawin ang best friend ko?" sabi niya habang hawak-hawak ang tiyan niya. "Mukhang malapit ka nang manganak ah?" nakangiti kong sabi kay Athea. "Yup, 8 months na si baby girl namin."
"I'm happy for you, Sis." sabi ko at niyakap siya. "Ikaw? Kelan mo ba balak magpabuntis kay Gino?" napaawang ang bibig ko dahil sa sinabi niya. "Magpabuntis talaga?"
"Oo, bakit ayaw mo ba?"
"Ano ka ba naman? Hindi naman kami Gino at magkaibigan na lang kami." sabi ko at kumuha ng iilang bulaklak para gumawa ng boquet. "Bakit kasi hindi mo pa sagutin si Gino?"
"Pano ko sasagutin eh hindi naman nanliligaw sakin?" sabi ko at naghanap pa ng ibang bulaklak. "Eh kung gawaan mo kaya siya ng boquet at ibigay yun sa kanya? Ang unique nun diba? Babae ang manliligaw sa lalaki." sabi ni Athea habang wagas ang ngiti. Napailing na lang ako dahil dun.
Mayamaya pa ay umalis na si Athea ng sunduin siya ni Clyde. Paano kaya kung gawin ko yung sinasabi niya?
-----
Nang makarating ako sa condo ni Gino ay agad kong kinuha ang bulaklak na ginawa ko mismo.
I want to start a new life with him.
Pinindot ko ang 11 sa elevator. Habang unti-unting umaakyat ay naeexcite ako sa magiging reaksyon niya. Siguro ay magpapakababae ito kunwari habang tinatanggap yung bulaklak na dala ko. Naiisip ko palang 'yon ay di ko na mapigilang mapangiti.
Lumabas ako at nagpunta sa 1106 na room number. 3552 ang password niya dito kagaya ng sa phone niya. Napangiti ako ng humukas ito at pumasok na ko. Wala siya sa sala miski sa kitchen ay wala din. Dahan-dahan akong pumunta sa kwarto niya at dahan-dahan ko din na binuksan ang pinto.
"G-Gino.." nanlalaki ang mga mata ko habang nakikita ko ang ginagawa nila ng babae na ngayon ay nakatalikod sakin. Napaatras ako ng magtama ang mga mata namin ni Gino.
"Oh? Hi, Ella!" wagas ang ngiti ng babaeng kinaiinisan ko na nakakandong kay Gino na kanina ay kahalikan niya. "Mukhang nakakaistorbo ata ako." sabi ko at nang patalikod na ko ay nagsalita si Clarisse. "Do you think na mahal ka pa ni Gino?" tumingin ulit ako kay Clarisse at mabilis akong lumapit sa kanya.
"Hindi. Pinagawa pa nga sakin ni Gino 'tong bulaklak eh." nakangiti ko sabi sa kanya. "Talaga? Thank you, babe." sabi niya kay Gino at hinalikan ito sa lips. "Ahm, di mo ba ibibigay sakin?" tanong ni Clarisse. Ngumiti naman ako sa kanya at agad kong isinampal-sampal sa mukha niya ang bulaklak na ako mismo ang gumawa.
"Masarap ba? Bagay sayo yan na mukhang kambing!" sinabunutan ko siya kaya nahulog siya sa kama ni Gino. "Napakalandi mo talaga! Alam mo bang namumuro ka na sakin? Pinalampas ko na nga yung ginawa mo samin ni Gino tapos nagpakita ka pa? Mas mabuti pang di ka na lang bumalik dito dahil uubusin ko talaga yang buhok mo!" sabi ko habang kinakaladkad siya papalabas ng kwarto ni Gino.
"Bitch! Bitawan mo yung buhok ko!" sigaw niya sakin. "Ako pa ba ang bitch? Gago ka pala eh! Baka ikaw? Ikaw yung bitch friend ko na walang ginawa kundi mang-agaw ng hindi kanya!" sabi ko at binitawan ang buhok niya.
Dahan-dahan siyang tumayo at tiningnan ako ng masama. "Magbabayad ka sa ginawa mo sakin! Ipapapatay kita!" sabi niya at lumabas na ng condo unit ni Gino.
"E-Ella, mag-eexplain ako sayo. Hindi ko ginusto yung halik. Hindi ako nagkiss back. Promise! Atsaka bigla na lang siyang pumasok dito nung pagbukas ko ng pint--" napalingon ako kay Gino at umupo sa sofa niya. "Di mo na kailangan ituloy. Alam kong malandi lang talaga yung babae na yon. And by the way, gumaan yung pakiramdam ko nung nasabunutan ko siya. Pero wag mo kong pipigilan kapag gumanti na ko sa kanya."
I want to start a new life with him pero mukhang hindi pa 'to yung tamang oras para dun..
