Chapter 7

1.3K 36 3
                                        

"Yes, I'm crazy. Because of you." Napatigil naman ako dahil sa sinabi niya. "Gago." Yan na lang yung sinabi ko tapos tumawa na naman siya. "Wala ka na bang ibang gagawin kundi ang tumawa?"


"Wala naman kasing nagsasabi na bawal tumawa eh." Sinamaan ko siya ng tingin. "Oo na, aalis na ko madam." Natatawa-tawa niyang sagot tapos bigla niya nilapit yung mukha niya sa mukha ko kaya akala ko hahalikan niya ko pero nakangiti lang siya. "Alam mo bang nandito siya ngayon?" napatingin ako sa may pinto at nakita ko siya. Ni hindi man lang pala sinarado ni Zach yung pinto nitong VIP room. "So?" pagtataray ko. "Look at his face." Sinunod ko naman yung sinabi ni Zach.


Ang sama ng tingin samin ni Gino pero umiwas siya ng tingin at hinalikan yung babaeng katabi niya. Kumirot na naman yung dibdib ko. Oo, masakit pa rin. Hindi naman kasi ganun kadali na kalimutan siya.


Napabalik yung tingin ko kay Zach nang bigla niyang halikan yung pisngi ko. "Stop crying. Papangit ka niyan." Napangisi naman ako. "Gago siya para ipagpalit lang ako sa mga mukhang pokpok na babae."


"Hindi ka niya deserve. So, stop crying. Okay?" at pinunasan niya yung mga luha ko. Binalik ko na lang yung atensyon ko sa pag-inom pero wala ng laman yung mga bote. "Go and get me more." Utos ko kay Zach. Ginulo niya yung buhok ko at hinila ako patayo. "Let's go home." Sumunod na lang ako sa sinabi niya kaya inalalayan niya ko palabas ng bar. Pinasakay niya muna ko sa kotse niya at sinabing babalik lang siya saglit sa loob para ipagbilin yung bar sa mga staff.


Nakita ko namang may lumabas sa loob ng bar. I saw Gino at yung mukhang pokpok na babae. Naglakad sila dun papunta sa kotse ni Gino, which is katabi nung sasakyan na katapat namin. Inilagay nung babae yung kamay niya sa leeg ni Gino at saka niya hinalikan. Napahigpit yung hawak ko sa bag ko. Gusto kong pigilan yung sarili ko na sugurin yung babae dahil wala naman na kong karapatan. Pero wala akong nagawa dahil kusa nang gumalaw yung katawan ko papalabas ng kotse.


Hinila ko yung buhok nung babae para mailayo siya kay Gino. "Ouch! Who are you ba?" inis na tanong sakin nung babae. "Ako? Ex-girlfriend ako nung hinahalikan mo!" tumawa naman siya, yung maarteng tawa. "You're his ex-girlfriend huh? So, wala ka ng karapatan sa kanya." Sabay crossed arms niya. "Ano ngayon? Mahal ko pa eh. May magagawa ka?"


"You know girl? You look pathetic dahil sa ginagawa mo. Hindi na nga kayo tapos makikigulo ka pa?" ngumisi ako at saka sumagot. "Actually, okay lang sakin na ipagpalit niya ko eh. Pero wag naman sana sa mukhang pokpok na nakikipagsex na lang kung kani-kanino." Kusang nanlaki yung mga mata niya sa sinabi ko. "Excuse me? I'm virgin pa 'no!"


"Talaga? Are you sure? Patingin nga." Sagot ko kaya sinampal niya ko. Bastos na kung bastos, ayoko lang talaga na ipagpalit ako sa mukhang pokpok. Pero masakit yung sampal niya ha?


Tinaasan ko siya ng kilay at nagcrossed arms tapos sinuntok ko siya sa mukha. Napahiga naman siya tapos hindi na nagising. Nakatulog ata dahil sa lakas nung suntok ko.


"Ano bang ginagawa mo?" tanong ni Gino kaya naman hinarap ko siya. "Are you asking me kung bakit?" mataray kong sagot. "I don't like her. "


"Ella, wala na tayo! Ano pa bang kailangan mo?" irita niya tanong sakin. "Kailangan? What I need is the real reason kung bakit ka nakipaghiwalay sakin!" sagot ko habang tinuturo siya. Napahawak naman siya sa ulo niya at mukhang frustrate na frustrate. "Hindi na kita mahal, Ella! Ano pa bang gusto mong rason!?" napangisi ako sa naging sagot niya. "Okay, let's just say na hindi mo na nga ko mahal. Pero Gino –"


"Tumigil ka na! Hindi ka ba talaga makaintindi!? Ano pa bang gusto mo? Ito?" sabay halik niya sakin. Hindi siya yung halik na kagaya dati. Halik siya na napilitan lang. He kissed me, torridly. Naiiyak na ko dahil feeling ko masusugatan na yung bibig ko sa ginagawa niya. Hinalikan niya ko pababa sa leeg ko na ikinatakot ko na. Nagtuloy-tuloy yung pagpatak ng luha ko. Hindi ko na kaya yung nararamdaman ko na halos gusto ko nang maupo dahil sa panghihina ko. "Tama na, Gino.." umiiyak kong sambit sa kanya. Buong buhay ko hindi ko naranasan yung ganito, ngayon lang. Ang nakakainis pa do'n, yung taong mahal na mahal ko yung gumagawa sakin nito.


Napaupo na ko ng tuluyan at nakita kong nakadapa na si Gino sa sahig. "GAGO KA BA, HA? MAHAL NA MAHAL KA NI ELLA PERO ANONG GINAWA MO!?" galit na galit na sigaw ni Zach at sinugod niya si Gino para suntukin ulit. Halos mabugbog na si Gino sa ginagawa niya. Ni hindi ko man lang masabihan si Zach na itigil niya na 'yon dahil sobrang nanghihina na ko. Nanginginig ako sa takot kay Gino kahit na awang-awa na ko sa ginagawa sa kanya ni Zach. "HINDI MO MAN LANG SIYA NIRESPETO!"


"BAKIT!? NIRESPETO BA NIYA YUNG DESISYON KO!?" napatigil si Zach dahil sa sinabi ni Gino. Nakaramdam na naman ako ng kirot sa dibdib ko. Tumayo na si Zach at binuhat ako. "Ngayon napatunayan ko na hindi mo nga talaga deserve si Ella. Wala kang kwenta, Gino." Pagkasabing-pagkasabi ni Zaach nun, isinakay na niya ko sa kotse niya.


**


Next Update : Thursday :)

Heartless RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon