Dahil maaga akong nagising at mamaya pang 2pm yung pasok ko, ito ang maagang update ko para sa inyo :) Enjoy reading guys!
**
Ella's Point of view
"Sure ka na ba sa desisyon mo?" tumango ako. "Huwag mo na kong tanong-tanungin dahil baka biglang magbago pa yung isip ko." Nakangisi kong sagot sa kanya. "Just drive. Okay?" napatawa naman siya. "What?" tanong ko. "Grabe ka kung makapag-utos ah? Ipapaalala ko lang na ako yung gagastos ng lahat." Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Ihinto mo yung sasakyan ng makababa na ko."
"Chill. Joke lang naman eh." Inirapan ko siya bilang sagot. Ang yabang talaga nitong Zach na 'to. Onti na lang makukutusan ko na 'to eh. "Fine. Ikaw na mas mayaman sakin. Ang tanong, so what?" inirapan ko ulit siya at saka inilagay sa tenga ko yung earphones.
Nagising ako ng nasa airport na kami. "Kanina pa ba tayo dito?" tumango naman siya. "Bakit hindi mo ko ginising?"
"Masarap masyado yung tulog mo eh. Humihilik ka pa nga." Natatawang sagot ni Zach. "Hoy! Ang kapal naman ng mukha mo! Hindi ako humihilik 'no!" sabay hampas ko sa braso niya. "Masyado ka nang nagiging sadista sakin ah? Masakit kaya.." sabay pout niya. Natawa naman ako bigla tapos ngumiti din siya. "Don't make that face again ha?"
"Bakit naman?"
"No. Nothing." Sabay tawa ko ulit at saka ko siya kinurot sa pisngi. "So cuuuute!"
"A-Aray! Mashakit Ella ha?" akmang kikilitiin niya sana ko pero lumabas agad ako ng kotse. "Kapag ikaw talaga nahuli ko ah!" sigaw sakin ni Zach at saka tumakbo papalapit sakin pero tumakbo din ako. "Hoy! Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!" agad akong napaharap at saktong may nakabangga ako.
Minulat ko yung mata ko at nakita kong nakapatong ako sa kanya. Literal na nanlaki yung mata ko at agad na bumilis yung tibok ng puso ko. Napaiwas ako ng tingin at agad na tumayo. "Why are you here -"
"ELLA! Are you okay?" tanong ni Zach habang tinitingnan kung may galos ba ko sa katawan. "Yah! Okay lang ako." Tumingin ulit ako sa kanya pero wala na siya. Bakit siya nandito? Hindi kaya aalis din siya?
-----
"Let's go?" sabi ni Zach sabay lahad nang kamay niya sakin. Kinuha ko 'yon at tumayo na. Nang papunta na kami sa private plane ni Zach, nagsipagbow naman yung mga tao sa kanya. Ganun ba siya nirerespeto nung mga tao niya?
"May gusto ka bang kainin?" tanong niya sakin ng makasakay kami. "Bubblegum?" napangisi naman siya at inihagis sakin yung isang bubblegum. "May kailangan ka pa?" tanong niya ulit. "Hey, Zach. Kanina ka pa tanong ng tanong ha? Wala na kong kailangan kaya manahimik ka na dyan."
"Ako ba? Hindi mo kailangan?" sinamaan ko naman siya ng tingin. "Huwag mo kong dinadaan-daan sa mga banat mo na 'yan ah." Sagot ko kaya natawa siya. "You're crazy again."
"Yes, I'm crazy in love with you." Nanlaki naman yung mga mata ko dahil sa sinabi niya. "ZACH!" inis kong sabi kaya tumawa na naman siya. "Pwede bang manahimik ka na lang diyan? Ugh!" sabay irap ko sa kanya at sumandal sa upuan.
