Gino's Point of View
Eight years ago...
"Baaaaabe!" What the f*ck? "Baaaabe!" Pano ba ko lalayo sa babaeng 'to? Napakunot ang noo ko ng bigla siyang kumapit sa braso ko. "Bakit ba hindi mo ko nililingon? I'm calling you kaya." Maarte niyang saad.
Tinanggal ko yung kamay niya sa pagkakakapit sa braso ko. "Why are you doing this?" tanong niya sakin. "Hindi pa ba halata?" sarkastiko kong sagot sa kanya kaya inirapan niya ko. "You know what? Maganda at sexy naman ako ah? Pero hindi mo man lang ako pinapansin!" inis niyang sabi. Nakakunot na din yung noo niya pero pinakalma niya agad yung sarili niya. "Okay. Papatawarin kita dahil sa inaasal mo. Alam mo naman na love kita hindi ba?" at kumapit ulit siya sa braso ko pero tinanggal ko ulit yon.
"Hindi mo ko kailangan patawarin dahil wala naman akong ginagawa sayong masama." Sagot ko sa kanya. "Wala?" tanong niya. "Oo wala."
"Mukha bang wala? Nahihibang ka na ba? Tinanggal mo yung kamay ko sa pagkakakapit ko sa braso mo!"
"Mukhang ikaw ang nahihibang Clarisse. Anong masama dun kung tinanggal ko yung kamay mo sa braso ko? Wala naming tayo at hindi kita gusto." Paalis na sana ko ng bigla niya kong niyakap. "Hindi ako papayag na iwanan mo ko ng ganito. Mahal mo ko pero hindi mo lang inaamin. Dahil ba sa maarte ako? Bakit hindi mo ko pagbigyan ngayon? Be my boyfriend. At iaassure ko na hindi mo 'yon pagsisisihan." Tinanggal ko ang kamay niya sa bewang ko dahil sa pinagtitinginan na kami ng ibang estudyante dito sa campus at umalis nang hindi siya hinaharap.
-----
Nagising ako dahil sa ingay ng bell. Break time na kaya nag-iingay yung mga kaklase kong lalaki. Umupo si sa upuan sa may harapan ko. "Anong balak natin?" tanong niya sakin. Tumayo lang ako at naglakad na papalabas ng classroom. "Talaga naman." Rinig kong sabi ni Alexis at sumunod sakin.
Nang nasa canteen na kami, tinanong niya ko. "Bakit ba wala ka na naman sa mood mo?"
"Kailangan ko pa bang sagutin yan kung alam mo naman ang sagot?" sagot ko sa kanya habang kumukuha ng makakain. "So tama nga, si Clarisse na naman?" tiningnan ko siya ng masama kaya ngumiti siya. "Bakit kasi hindi mo na pagbigyan?"
"Kung ikaw yung nasa posisyon ko, hindi ka din papayag." Natawa naman siya. "Bakit naman ako hindi papaya? Maganda at sexy naman si Clarisse ah?"
"Eh di ligawan mo." Sagot ko sa kanya at dumiretso na sa bakanteng lamesa. "Eh hindi ko naman mahal 'yon." Sagot niya sakin. "Siguro naman naiintindihan mo na kung bakit?" napabuntong hininga na lang siya dahil sa sinabi ko. "Kawawa naman siya." Bulong niya.
"Baaaaabe!" napahawak ako sa sintido ko. "Sa tingin mo, sino ang kawawa?" tanong ko sa kanya. "Ikaw pre." At tinawanan niya ko.
Lumapit naman si Clarisse sakin na may dala-dalang pagkain. "Babe, bakit kumuha ka na ng pagkain mo? Hindi mo ba nareceive yung text ko?"
"Nareceive niya yan. Hindi niya lang binubuksan." Bulong ni Alexis. "Why?" kinuha ko yung bag ko at tumayo. "Where are you going?" tanong sakin ni Clarisse. "Sa lugar kung saan wala ka."
"Really? Wala kang makikitang lugar na ganon." Hindi ko pinansin ang sinabi niya at naglakad na lang. Pumunta ko sa pool area at natulog.
-----
"ANO BA!?" napakaingay naman. "Wala naman akong ginagawa sa inyo ah?"
"Sa tingin mo ba wala? Nilalandi mo kasi si Gino!"
"Aray! Sino ba kayo? Eh hindi nga kayo kilala ni Gino eh!"
"Aba, sumasagot ka ha?" napamulat ako ng marinig ko yung malakas na tunog ng tubig. "Tuloooong! Tulungan niyo kooooo!" Umupo ako at nagulat nang makita ko siya. Mabilis akong tumakbo at tumalon sa pool. Agad ko siyang inangat para makahinga siya ng maayos. "Okay ka lang?" tanong ko sa kanya pero iyak siya ng iyak. Inangat ko ang sarili at umupo sa tabi niya. Inayos ko yung buhok na nakaharang sa mukha niya at hinawakan siya sa magkabilang pisngi. "Ayos ka lang ba?" umiling siya bilang sagot habang umiiyak pa din. "Tahan na.." lalo naman siyang umiyak at niyakap ako.
Ilang minute din siyang nakayakap sakin hanggang sa matigil ang pag-iyak niya. "Okay ka na ba?" tanong ko ulit sa kanya. Tumingin siya sakin na parang maiiyak na naman. Kinuha niya yung kamay ko at inilagay yon sa bewang niya na ipinagtaka ko naman. Tiningnan ko siya at unti-unti niyang inilagay ang kamay niya sa leeg ko at hinila ako papalapit sa kanya. Naramdaman ko na lang ang pagdampi ng mga labi niya sa labi ko. Hindi ako gumagalaw sa mga halik na yon. Tumigil siya sa paghalik sakin at ngumiti. Napatingin ako sa pool ladder at nakita ko yung reflection ng isang babae. Tumayo ako at lumapit sa kanya. Takot na takot siya ng makita ako pero hindi ko pinalagpas yun at kinuha yung phone niya atsaka tinapon sa sahig ng sobrang lakas na dahilan ng pagkabasag nun.
-----
Kinabukasan pumasok ako at napansin kong nagtitinginan na sakin yung mga estudyante. "Pare tingnan mo yung mga nakapost dun sa bulletin board!" agad na sabi sakin ni Alexis ng makita niya ko.
Sa malayo palang, makikita mo na na maraming nagkukumpulan sa harap ng bulletin. "Uy si Gino oh.." narinig kong sabi ng lalaki at kinalabit yung nasa harapan niya. Tumingin silang lahat sakin at nagbigay ng daan. "Tingnan mo na." bulong sakin ni Alexis. Naglakad ako papalapit sa bulletin board at napakunot ang noo ko dahil sa nakita ko. Bigla namang sumulpot si Clarisse at mukhang gulat na gulat. "Ano 'to? B-Bakit may ganito dito?" saad niya at tinanggal ang mga litrato. "Paayaw-ayaw pa si Gino kay Clarisse, gusto din naman pala niyang halikan." Rinig kong bulong ng isang lalaki. Hindi ko na lang pinansin yon at naglakad na papalabas ng campus pero hinarangan ako ni Clarisse. "Saan ka pupunta? May klase ka pa ah?"
"Umalis ka dyan." Sagot ko sa kanya. "Hindi ako aalis dito hangga't hindi ka papasok."
"Huwag ka ngang magmatigas dyan." Sagot ko sa kanya at maglalakad na pero hinawakan niya ko. "Alam kong ikaw yon." Bigla namang napaluwag yung hawak niya sa kamay ko.
"Anong ako?" nagtataka niyang tanong. Napangisi ako at hinarap siya. "Alam kong plinano mo yung kahapon."
"Anong plinano? Nahihibang ka na ba?" Napailing ako dahil sa sinagot niya. "Alam kong cellphone mo yung ginamit na pang picture satin."
"Hindi ko phone 'yon."
"Talaga ba? Eh ikaw lang naman yung kumuha ng nakacustomize kong keychain hindi ba?" napabitaw naman siya sa kamay ko. "Ikaw yung nagplano lahat ng nangyari sa pool area kahapon."
"B-Babe-"
"Wag mo nga kong tatawagin na babe? Nakakadiri ka eh. Hindi naman kita gusto pero lapit ka ng lapit sakin at kinukulit mo ko. Pwede ba? TUMIGIL KA NA. At sating dalawa, ikaw yung nahihibang. Pinapahamak mo yang sarili mo para lang makuha mo ko."
"Alam mo bang dahil sa ginagawa mong yan, pinagmumukha mong tanga yung sarili mo." At saka ako umalis ng campus.
"Kuya? Are you okay?" nagising ako ng makita ko ang isang babae sa harap ko. "Ella?"
"What? Ella? Ang layo ko sa pagiging Ella kuya ha? And totoo pala yung sinasabi ng mga nakakasama mo na yung Ella na 'yon yung binabanggit mo palagi tuwing pagkagising mo. You're always drunk pero hindi mo naman siya ginagawang habulin. Tinaboy-taboy mo pero hinahanap-hanap mo. Baliw ka para gawin yon sa babaeng mahal na mahal ka, Kuya. Alam mo bang kapag nalaman yan ni ate Ella, hindi siya matutuwa. Sabi nga nila, ang mga nang-iiwan pa ang naghahabol." Sabi sakin ni Scarlet. "Anyway, bumangon ka na dyan at kumain ka na. Minsan na nga lang ako pumunta dito sa bahay, amoy alak pa." Dagdag niya pa at saka lumabas ng kwarto ko.
Tumayo ako at naramdaman ko ang matinding hilo. Ang mga nang-iiwan pa ang naghahabol. Mukhang totoo nga yung kasabihan na yon..
