KABANATA 6

80 3 0
                                    

I wrote back

Tanghali na nung makabalik ako sa bahay. Wala na yung mga friends ni Hale. I saw her waiting for me.

"San ka ba galing? I've been calling you. Di ka man lang nagpaalam." Bulong niya.

"Binisita ko si Den."

Tumunghay siya. I saw her face. She's on the verge of crying.

"Look kuya. I didn't mean to offend you. It's just that, ayoko lang na lagi kang ganyan. It's been 3 years kuya. Ayaw din ni Ate Den na ganyan ka right? C'mon. Kung nabubuhay siya alam kong she hopes for the best. Sorry for the awful words kanina. Sorry kuya."

I hugged her tight. I don't want to see her crying. Ayokong idamay si Hale sa mga problema ko.

"Look, it's okay Hale. It's not your fault that I cannot move on. Ayoko lang na pinaguusapan natin siya okay? It's a sensitive topic for me. Alam mo naman yun diba? Fix yourself. Tahan na."

She smiled with weary.

"Okay. Halika na nagpaluto na ko kay Nanay Cecil. Gutom ka na ba?"

"Sobra."

Nilapag ni Nanay Cecil yung mga pagkain sa mesa. This time, sumabay na siya samin.

"Kamusta na yung pakiramdam mo Creus?"

"Okay na Nay. Lumabas lang akoo saglit tsaka nagpahangin tapos gumaan na yung pakiramdam ko."

"Siya nga pala tumawag yung parents niyo kanina."

Nagkatinginan kami ni Hale bago namin tinanong kung bakit tumawag sina dad.

"Hmm. Wala naman. Kinakamusta si Hale. Yung pagaaral niya. Tsaka kung kamusta yung bahay." sagot ni nanay.

"Nagtanong ba sila tungkol kay kuya?" usisa ni hale habang nginunguya yung adobong pusit.

"Ay, hindi." bulong ni nanay.

"Of course hindi sila magtatanong. Okay na yun. At least hindi din nila alam na nandito ako while they're away. Baka mapagalitan pa kayong dalawa for always tolerating me."
Tahimik kaming kumain pagkatapos non. After lunch, naligo ako ulit kasi sobrang naiinitan ako sa katawan ko. I rearranged my things before leaving my room then I headed to Hale's. I found her studying.

"Hey." sabi niya.

"Busy ka ba? Mukhang nastestress ka ah? You want any food? Music? What?"

Ngumiti siya. "Haha. Nothing kuya. I'm just reviewing for my quiz for tomorrow. Ikaw? Bakit ka nandito? May kailangan ka ba?"

"Wala. I'm just checking you out. And since nagaaral ka naman, bababa na lang ako ulit."

"Oh wait. Kanina pala dumaan si Kuya Brian. He gave me this."

Kinuha niya yung isang sobre sa mesa niya. Shit. Juliet.

"Did you open it?" I asked.

"No. Since when ka pang nakikipagsulatan sa babae kuya? Haha." she teased.

"Shut up. It's for another Joshua. Naaddressed lang dun sa apartment ko. Nakakairita nga eh, andami niyang sulat."

"Hmm. Why don't you ask the owner of the apartment? Malay mo nga sa kanya pala yan or sa anak niya. Malay mo that Joshua is still waiting for it."

"Oo nga eh. Matagal kong plano yon. And since pinaalala mo, pupuntahan ko na lang yung owner ng apartment ngayon to check kung sa kanya nga ba talaga 'to."

"Okay sige. Ingat ka. Text me kung nandoon ka na."

"Okay." I kissed her in the forehead.

Drinive ko yung pick up truck hanggang sa bahay nung may-ari ng apartment. Kumatok ako. Agad namang lumabas yung babaeng may-ari.

Letters to JoshuaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon