Courtship
"Handa na ba yan? Make sure it won't spill. Baka mag-amoy ulam yung sasakyan ko." utos ko sa mga katulong habang inaayos nila ang dadalhin kong caldereta sa Monte Carlos.
The excitement runs through me habang inaayos lahat ng dadalhin ko sa probinsya. I need to be ready. Yesterday I talked to Juliet asking her about the things she likes.
"Bakit mo ba kasi tinatanong?" tanong niya sa akin noong tumawag ako.
"I just want to know Juls. Eh ano nga? Anong gusto mong pagkain? Kulay? Tell me."
"Madami."
"Specifically?"
"Gusto ko ng caldereta yung may cheese. Masarap kasi yun eh. Tsaka maraming patatas at carrots. Gusto ko ng ice cream tsaka ng hot chocolate tsaka ng marshmallow na iniihaw."
"Eh sa kulay?"
"Madami din. Yung mga light colors na blue, yellow, violet. Yun lang. Bakit ba? Andami mo namang tanong."
"It's my duty to know."
"Duty duty ka pa diyan. Ikaw? What do you want?"
"I guess you. There's nothing more I want than having you. O sige na. See you tomorrow. I miss you."
Ibinababa niya iyon. Maaga kong tinapos ang trabaho ko at dumiretso aoo sa mall. I called Brian.
"Where are you?" tanong ko sa kanya.
"Nasa mall ako Osh."
"Anong ginagawa mo diyan?"
"Wala naman. Hinahanap ko langng sapatos si Hale."
"What for?"
"Syempre surprise. Edi ba OJT na nun kailangan niya ng white shoes. Eh yung kapatid mo kuripot yun. Baka fake lang bilhin nun."
"San mo naman nalamang kailangan niya niya yan?"
"I have a lot of ways to let her know that I love her Osh. Kaya I befriended her friends without her knowing it."
"So you're the one who gives her flowers?"
"Eh sino pa ba? Ako lang naman may lakas ng loob manligaw diyan sa kapatid mo. Eh bakit ka ba tumawag?"
"Magpapasama din sana ako sa mall. I need to buy some stuffs."
"For whom?"
"Juls."
"Naks talagang loverboy na siya
!" pang-aasar niya."Shut up. I will let you know kapag nandyan na ko."
"Fine. Bye."
Dumiretso ako sa mall kahit na naka-suit pa ako. Naiilang ako dahil madaming napapatingin sa'kin. Dapat pala ay nagpalit ako ng damit. Hinagod ko ang buhok ko at itinali itong muli na naka-pusod. I'm trying to control my irritation due to their glances.
Nakita ko si Brian sa women's section na nakaupo sa isang upuan looking at some white shoes in front of him. Naramdaman niya sigurong nandito na ako kaya siya napalingon sa direksyon ko.
"Hey. Can you please help me choose? Ang hirap pumili eh."
"Wala siyang magugustuhan diyan." ani ko sa kanya.
"Why?" nakakunot niyang tanong sa akin.
"Because she don't like expensive things Bri. Puro fake at mumurahin lang nakatatak sa kokote non."
Nagkatitigan kami ng ilang segundo at saka nagtawanan.
"Tulungan mo na kasi ako Osh."
"I like that one." pinili ko ang isang pares ng puting sapatos sa gitna at kinuha niya ito.
BINABASA MO ANG
Letters to Joshua
Romance"There's a man at the other side of the road. A broken man with a lost soul enticed by a lady with a spirit of a burning coal. There she is, the lady at the end of that road. A discreet lady who screams through her letters waiting for someone to rea...