KABANATA 22

55 4 1
                                    

1 CORINTHIANS 13:4 & 6

"Hindi ka ba nakokonsensya pre?" tanong sa akin ni Brian kinagabihan habang magkausap kami sa telopono.

"Pwede naman nating sabihin na sa kanya ang totoo anytime hindi yung pinapahirapan mo pa yang sariling mong magpanggap."

Ikwinento ko sa kanya ang napagusapan namin Juliet at ang katarantaduhan ko.

"Bri, nakokonsensya ako. Pero andito na ako eh. Hindi ko na pwedeng bitawan to kasi nakasugal na ako."

"Baka naman kaya ayaw mong bitawan kasi mahal mo na rin siya?"

Walang halong pagbibiro sa tono niya ngayon.

"That can't happen Bri. At saka hindi naman ako yung gusto niya diba. Yung isang Joshua."

"Pero ikaw yung nandyan. Ikaw yung nakakasama. Hindi naman mahuhulog yun lalo kung hindi mo kinokonsinte yung pagmamahal niya."

"No wonder why Lexi left you, masyado ka kasing madrama. Don't worry pag may oras na ko mag-inom tayo."

"This topic is not about me Osh. This is about you at yang katangahan mo. Habang pinagpapatuloy mo yan lalong lumalala yan. Sooner or later you will fall. You will fall harder more than she fall in love with you. I'm telling you this Osh because it's true."

"Stop guessing what my future might be Bri.
Lagi mo na lang hinuhulaan. Trust me on this. And for the last fucking time, I'm not in love with her at hindi kailanman. I know my limitations Bri. I cannot fall for someone else dahil hulog na hulog na ako kay Denelle. No one can replace her. So stop pushing me to somebody na kahit kailan hindi ko magugustuhan."

"Not sure if your lying to me about that Osh. Baka mamaya marerealize mo na lang na kinakain mo na pala yang mga sinasabi mo."

"The least you can do is to support me Bri."

"I'm supporting you in this Osh. But if fate really wants you to stop playing with it then you should probably stop."

"Oo na. Sige na ibababa ko na 'to. Matutulog na ko."

Binaba ko ang telopono at mabilis akong nakatulog dahil sa pagod ko.

Kinaumagahan ay maaga akong nagising sa katok sa pintuan ng kwartong tinutulugan ko. Binuksan ko ito at nakita ko na naman siya.

"Good morning." mahina niyang sambit.

"Morning. Ang aga mo naman magising?"

"Sunday kasi ngayon eh. Eh diba nung last last week niyaya kitang magchurch. Baka ngayon pwede ka na?"

"Malayo ba yun mula dito?"

"Hindi naman mga 30 minutes lang."

"Sino kasama natin?"

"Tayong dalawa lang. Gusto mo bang magyaya pa ako?"

"No need. Sige maliligo lang ako. Hahatid pa ba kita sa kwarto mo?"

"Hindi na nakakapa ko naman yung mga nalalakaran ko eh." She showed me her cane.

"Oh okay."

I watch her as she turns her back on me. She's acting cold today. At hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa ikinikilos niya.

Mabilis lang akong naligo at nag-ayos ng sarili. Sinuot ko yung isang jeans na natitira sa bag ko at ang white long sleeves ko at itinupi ko ito hanggang siko ko.

Lumabas na ako ng kwarto at nakita kong nakaupo na si Juliet sa sofa. She looks so melancholy today kumpara sa mga nakaraang araw na nakikita ko siya. Her jolliness left her empty.

Letters to JoshuaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon