KABANATA 7

64 3 0
                                    

Going Back

Dear Juliet,

Hey. Sorry if it took a little while before I can reply. I'm just to busy but that doesn't mean that this letter is not one of my priorities. I received all your letters. Nabasa ko na din. Thank you for making time na makasulat.

But Juliet, I guess it's too early to confess your love. We barely know each other. I want to thank you about the compliments about what my appearance is but you cannot love somebody based on their looks. It doesn't work like that Juliet. Love takes time to grow. It can be easily planted but who knows if it wither or bloom.

Nonetheless, I hope you understand my point. I'm not refusing your offer of love but I refused the fact that you gave it up so easily.

Love,
Joshua

Binasa to ni Brian ng napalakas habang nagjajam kami sa kwarto ko. He beated the drums after reading it.

"Ito na yon pre! Gago! Makata ka palang hayop ka! Gago ang ganda nito! Wohoo!"

Pinatugtog niya ulit yung drums na para bang nagcoconcert siya sa kwarto ko.

"Gago ka Bri! Napakaingay mo!"

"Mala-Shakespeare ka palang hayop ka!"

"Stop shouting Bri or else I'll punch you."

Tumahimik siya pero ngingisi pa din.

"So when will you send it?" tanong niya.

"Hindi ko alam. Maybe later so she can receive it as soon as possible tutal probinsya pa yung location niya."

"So what if kung hindi maganda itsura ni Juliet?"

"We'll see Bri. Tsaka wala naman akong balak alamin kung may itsura siya o wala. As long as I enjoy writing to her, then I will write. Pero pag nagsawa na ko, then I'll stop this shit. Pinagbigyan lang kita gago."

He smirked as if nanalo siya sa lotto.
Nagpatuloy na kaming mag-jam habang maaga pa. Pupunta pa kasi siyang work after this.

"You're getting mature Bri."

"Wala eh, kailangan. Tsaka naeenjoy ko naman 'to Osh. Sooner or later I'll become the next president of my dad's company. I need to be ready Osh."

"So nakamove on kana kay Lexi?" ngumisi ako habang pinapatugtog yung guitara.

"I don't know, maybe. Busy na din ako kaya wala kong panahon para isipin siya. She left me Osh. And I think okay na siya ngayon sa bago niya. I wish her all the best." sarkastiko niyang sabi.

"Kunwari ka pa. Sa oras na binalikan ka non, tatanggapin mo siya. I'll bet you on that." asar ko.

"We leave someone or something behind for our own good Osh. We should focus in the present to mold the future. If Lexi is not really for me, then fine. I can continue my life without her. I cannot afford to lose what lies ahead. The past may haunt me but that's its limits." seryoso niyang sagot.

We continued to jam until he bidded goodbye. Pinakiusap ko na sa kanyang na siya na yung magdala nung sulat sa post office tutal siya naman nagplano nito at madadaanan naman niya yun.

I cleaned my room after our session. Tapos kumain na ko ng late breakfast ko. Wala si Hale kasi may pasok siya. I texted her na galingan niya sa quiz niya. I went to our gym para makapagrelax at makapagunat unat.

I think I need to do a lot of weights by now. Okay naman yung katawan ko but a little workout won't hurt me. And besides, it's my bail kasi lunod na ko sa alak at yosi.

Nagpahinga lang ako ng konti tapos nagshower na ko. Napansin kong wala na pala kong malinis na damit galing sa apartment. So I decided to look into my own cabinet. Di ko 'to binuksan simula nung bumalik ako sa bahay. Konti lang pala yung natira kong damit. Mga sando, shorts at underwears. I get what I need then I tried to close the doors of my cabinet pero ayaw sumara. Sinipa ko pero ayaw pa din. Shit ka. Napatingin ako sa kung anong kabuuang natira sa laman ng cabinet ko; suits and ties. My mom pushed me to wear them everytime may business deals sila. I'm not comfortable wearing them but that's what makes them happy; to see me on how they wanted me to be. They told me na kung ayaw kong mag-Medicine then I should pick a course in line with our business. Pero ayoko. Gusto ko talagang mag Fine Arts.

Hinawakan ko yung sleeves ng suit. Kinuha ko mula sa pagkasabit sa cabinet. Tapos sinuot ko. It fits nicely. Sinuot ko yung kurbata sa leeg ko. I know how to do it properly. Yun na siguro yung pinakanatutunan ko while attending meeting with mom.

Tumingin ako sa salamin at tinitigan ang sarili ko. A man with a long hair in a suit. Hindi ako 'to. Huhubarin ko na sana yung buong suit when Nanay Cecil entered my room. Dala dala niya yung mga bagong labang damit ko. Napatingin siya sakin at ngumiti. That genuine smile na sa kanya at kay Hale ko lang nakikita.

"Creus." Hindi niya mapigilang mapangiti ng sobra.

Inilapag niya yung mga damit ko sa kama at lumapit sakin. Sinuklay suklay niya yung buhok ko at inayos muli ang kurbata ko at ang nagulo kong suit.

"Ang gwapo mo anak." bulong niya.

Napangiti na din ako sa sinabi niya. Pakiramdam ko proud na proud siya sa'kin kahit wala naman akong magandang naidudulot sa kanya.

"Nak. Magi-stay ka na dito. Wag ka na umalis. Pwede naman nating kausapin sina ma'am. Nak please. Mahirap ang mag-isa nak. Tingnan mo nagkasakit ka pa bigla. At least dito nak ready mga pangangailangan mo."

"Nay, they won't accept my apology unless sumunod ako sa gusto nila."

"Edi sundin mo ang gusto nila. Creus, para 'to sa ikabubuti mo. Pwede mo namang ituloy yang pinta pinta na yan habang nagbubusiness business ka diba? Please anak."

"Nay, you know it's hard right? Alam mo naman yung sina mama, gusto nila seryoso ko palagi pagdating sa mga ganoong bagay. Hindi ko kaya nay. Wala dun yung puso ko."

"Pwede mo namang itry Creus."

"Nay. I can't. Sorry."

"Sorry anak kung mapilit ako ha. Eh hirap ka na kasi dun sa apartment. Di lahat ng gusto mo nandun. Kumpara dito diba. Tsaka miss na miss na kita anak. Miss ko na yung boses mo tsaka yung pagguiguitara mo. Paano nga ulit yon? Yung teng teng teng." Ginaya ni nanay yung tunog ng guitara kasabay ng paggalaw niya ng mga daliri niya na parang nagsta-strum nito.

Tumawa kaming dalawa ng malakas. Hinampas niya nang malumanay yung bisig ko dahil hindi niya mapigilang tumawa tapos bigla niya kong niyakap.

"Proud na proud ako sa'yo Creus anak. Alam kong malayo ang maaabot mo anak." saka niya ko binitiwan. Pinunasan nya yung nangingilid niyang mga luha sabay ngumiti.

"Oh siya hubarin mo na yan at mainit yan sa katawan. Lalabas na ako. Tawagin mo na lang ako kung may kailangan ka."

Nilock niya yung pinto pagkatapos niyang lumabas ng kwarto ko. Tiningnan kong muli yung sarili ko sa salamin. Joshua Creus Gomez. A name that fits any suit.

Hinubad ko na ito at ibinalik sa cabinet. Nagsuot na ko ng t-shirt at shorts at ipinatas yung mga bagong labang damit sa luggage na dinala ko.

Humiga ako sa kama dahil medyo masakit pa yung katawan ko sa paggygym. Nanay's words keeps on repeating inside my mind.

Is it better to stay here? Will it do me any good kung susundin ko sina dad? It will hurt my ego. Parang sinabi ko na din sa kanilang hindi ko pala kaya na wala sila. I hate accepting that I lose the fight sa simula pa lang. I will think of it. As long as magbebenefit ako then I will analyze if I should get back here and play by their rules.

Letters to JoshuaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon