KABANATA 18

45 3 0
                                    

We're Going to Watch it

"Pwede naman kasing bukas ka na pumunta. Rush ka tuloy. Mamaya kung mapano ka pa diyan sa daan." pagaalala ni Juliet.

"I'm perfectly fine Julie. Buo akong nakapunta dito. No need for worrying too much."

"Wag mo na ko bibiglain ulit okay?"

"Okay, I promise." ngumiti ako kahit na alam kong hindi niya naman ito makikita.

Kahit na pangalawang beses ko na siyang nakikita kinakabahan pa din ako na baka mahalata na niya. Pero mukhang hindi niya naman ito nahahalata.

Kumain kaming dalawa ng hapunan sa dining table nila. Napansin kong walang masyadong katulong ngayon sa bahay nila.

"Asan yung ibang mga kasambhay niyo?" tanong ko habang inihahain pa lang yung mga pagkain sa mga mesa ng isang katulong.

"Ay pinagday-off ko ngayong araw bukas naman babalik na sila eh. Natapos na naman nilang anihin yung kalahati ng mga pananim dun sa farm. Kaya konti lang kami ngayon dito."

"I can help harvesting tomorrow."

"You sure? Mainit baka hindi mo kayanin."

"I can manage Julie."

Magkatabi kaming kumain. Ikinuha ko siya ng kanin at inilagay ito sa plato niya.

"Kaya ko Creus." hinawakan niya ang mga kamay ko para pigilan ako.

"Sige na ako na." binitawan niya ang mga ito at hinayaan niya akong ilagay ang kanin at ulam sa plato niya.

Kinapa niya kung nasaan ang tinidor at kutsara ngunit hindi niya ito mahagilap. Kinuha ko ito para sa kanya. Hinawakan ko ang kamay niya at inabot ito magkabila.

"Ayan. Hawakan mong mabuti baka malaglag."

Ngumiti siya. "Salamat."

Hindi naman ako gutom kaya kaunti lang kinuha ko. Pinagmamasdan ko siya habang kumakain kami. Napakasimple niya. Hindi mo aakalaing anak mayaman. Simple manamit, simple magsalita, simple kumilos. Akala mo simpleng probinsyana lang. But she's more than that. Always more than that.
"Are you eating? Hindi ko naririnig na ngumunguya ka." tanong niya pagkatapos itigil ang pagnguya.

"Ah. Yes, I'm eating. Hindi mo lang siguro pansin." kabado kong pinatunog ang kutsara at tinidor.

Humarap siya sa akin. At alam kong she's trying her best to guess kung saan ang lokasyon ko at para idirekta ang mga mata niya sa mukha ko.

"Are you staring at me?" ngumisi siya.

"What? No!" agad akong humarap sa kinakain ko.

Shit Joshua napakagago mo talaga. Nahahalata ka gago.

"No. I can feel the weight of your stares Creus. Aminin mo."

"No Julie. You don't have enough proof to prove."

"Your tone. You're in denial Creus! Aminin mo na."

"Eat Julie. Paranoid ka lang kaya feeling mo nakatingin ako sa'yo."

"Excuse me?" Tumawa lang siya.

"Eat." utos ko.

"Aminin mo muna."

"No Julie."

"Yes."

"No."

"Yes."

"Fine. Yes Julie I'm staring at you. Okay na? Now eat." Ngumiti siya at saka bumalik sa pagkain.

Lumabas kami ng villa 6:00 ng gabi at pinaupo ko siya sa wheelchair niya. Naglibot libot kami sa paligid nila. It's a huge place at ako na mismo ang nanghihinayang kung maibebenta man nila ito.

Letters to JoshuaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon