Fear
Ipinark ko ang pick-up truck ko sa isang restaurant na malapit sa airport. Ipinapasok ko kay Paulo ang maleta niya sa upuan sa likuran ng kotse dahil baka mawala kapag iniwanan lang namin doon sa may open space. Tinulungan ko naman siya kahit medyo inis na ako sa kanya.
The restaurant is not that crowded dahil umaga pa naman. Naghanap lang ako saglit ng table tapos nakaupo na kami kaagad. It's a table consisting of 4 chairs. Magkatabi kami ni Juliet habang si Paulo ay nakatapat sa'kin.
"CR lang ako." pagpapaalam sa'min ni Paulo. Hindi ko alam kung sa'ming dalawa niya ba talaga sinabi yun o kay Juliet lang.
"You didn't tell me na lalaki pala yung bestfriend mo." binigyan ko ng diin ang pagsabi ng salitang bestfriend kay Juliet.
"Edi ba hindi mo naman tinanong."
"Kahit na. You should've told me. And he's calling Julie. Why is that?"
"Eh yun yung palayaw ko diba? Tsaka hindi lang naman ikaw yung tumatawag sa'kin ng Julie. Marami rami din naman."
"I'm starting to unlike that nickname. I should start calling you other names."
"Tulad ng ano?"
"I don't know. Teka pag-iisipan ko."
"Okay na ko sa Julie, Creus."
"I want other name. I want it to be unique. Gusto ko ako lang yung tatawag nun sa'yo."
"Okay."
"Alam ko na! Juls! Okay lang sayo?"
Tumawa lang siya at tumango.
"What's wrong with Juls? Bakit may tumatawag na ba sayo ng Juls?" pangungulit ko sa kanya.
"Wala pa naman. Natuwa lang ako."
"Good. Because I like it when I'm the reason of your smile."
Umiling lang siya. At ngumisi ako.
"At saka bakit kaibigan lang yung pakilala mo sa'kin? Bakit hindi na lang manliligaw? Basta kahit ano wag lang kaibigan."
"Eh hindi ka pa naman nanliligaw diba? There's nothing wrong with us being friends for now."
"Eh basta. Dapat sinabi mo na lang na manliligaw mo ako."
"Are you jealous?" pang-aasar niya sa'kin.
Namula ako sa sinabi niya. And for times like this, I'm thankful that she cannot see me. Pamihadong lalo niya lang akong aasarin.
"No I'm not Juls. I just want to let him know."
"Let him know what?"
"That you're mine Juliet. And I don't share what's mine."
Natawa ulit siya sa sinasabi ko.
"Ikaw talaga! Kung anu ano pumapasok diyan sa isip mo! Syempre mahahalata niya naman yun sa'yo Creus. He knows his limits. Tsaka bestfriend ko lang iyon."
"Bestfriend bestfriend. I don't believe he's just your bestfriend. I know you treats him as your bestfriend pero siya? I don't know Juls. Pakiramdam ko ay may gusto sa'yo yung taong iyon."
"Naku tigilan mo na yan. There's nothing to be suspicious about."
Magsasalita pa sana ako kaso biglang dumating si Paulo. Ngumiti siya sa amin at umupo sa upuan sa harapan ko.
"Naka-order na ba kayo?" tanong niya sa'min.
"Not yet." pormal kong sagot sa kanya.
"Hmm ganun ba. You can pick whatever you want. I will pay for it as a form of gratitude dahil na din sa pagsundo niyo sa akin."
BINABASA MO ANG
Letters to Joshua
Romance"There's a man at the other side of the road. A broken man with a lost soul enticed by a lady with a spirit of a burning coal. There she is, the lady at the end of that road. A discreet lady who screams through her letters waiting for someone to rea...