KABANATA 17

58 3 0
                                    

He's Forever Lost Now

2 weeks have passed at wala pa rin kaming makuhang impormasyon tungkol sa totoong Joshua. The more he is out of our grip the more na napapatagal ang problem ko.

"Akala ko ba magaling yang investigator ni Tito Riel? Eh bakit ganyan?" inis kong tanong kay Brian habang umiinom kami ng kape dahil break niya sa work.

"I don't know Osh. I'm paying him more than his fee. Ewan ko ba kung bakit natatagalan pa."

"I highly doubt him. Baka pineperahan ka lang nung gagong yon."

"Let's give him another week okay? Just take it easy."

The situation gets harder and harder to manage dahil sa hindi namin makita tong lintik na taong to.

"Nakaalis na ba lola mo?" tanong ni Brian while sipping his coffee.

"No. 2 months siya dito. She's enjoying her stay dahil hindi ko pa sinasagot ang offer niya."

"Eh ano bang isasagot mo kasi? It's good for you to go with her. Hindi ka na mamomroblema sa mga magulang mo. And besides, Hale is old enough para maipagtanggol ang mga gusto niya."

"I want to be independent Bri. I don't even need my grandmother's help. Umalis nga ako ng anim na buwan sa bahay eto pa kaya hindi ko kaya? I can be successful on my own. Ayoko lang tanggihan siya kaagad because I know na magtatampo siya."

"Ewan ko sayo ang labo mo talaga."

"I have other things to do. Sige na bumalik ka na sa trabaho."

"Tang ina ka talaga Osh. Sarap buhay ka. Samantalang ako lunod na sa trabaho."

Tinawanan ko lang siya. Totoo naman ang sinabi niya. Simula noong bumalik ako sa bahay dahil nandoon si lola wala akong masyadong ginagawa. My parents didn't allow me to go back to Tito Rico's company. They want me to choose. And both my parents and my lola are waiting for what my final decision is.

Kakauwi ko lang sa bahay nang nagvibrate sa jeans ko ang cellphone ko. Tumatawag  sa'kin si Juliet.

"I miss you" malungkot ang boses niya.

"It's only been two weeks Julie. Haha."

"It feels like eternity Creus."

"You want me to visit you?"

"Oo."

"Fine. I'm on my way. Wait for me."

It's only 12 in the afternoon, pwede ko pa siyang bisitahin. Hindi ko na tiningnan muli ang cellphone ko. I know she will be shocked. But this is what she wants right?

Agad akong pumunta sa kwarto ko at kinuha ang mga damit ko. I'm planning to stay there for 3 days. 3 days is enough for me to know her better. To calculate her moves. At least hindi ako tanga ditong nagiisip kung nakakahalata na ba siya.

Habang nagiimpake ako ay biglang bumukas ang pintuan. Si mama.

"San ka pupunta Josh?" mahina niyang tanong.

"Why are you here? Diba may company hours pa ngayon? Well, I'm just going somewhere to unwind my thoughts. Just for 3 days. Wag niyo na ako pasundan pa sa mga bodyguards niyo. I will come back here safe." iritable kong sagot sa kanya.

Zinipper ko ang backpack ko. Aalis na sana ako kaso niyakap ako ni mama mula sa likuran ko.

"I miss you anak. I miss the real you."

"Alin dun ma? Yung napapasunod niyo pa ko? Yung nauuto niyo pa ko? Yun ba ang namimiss mo?"

Ipinihit niya ang ako paharap sa kanya. She's crying.

"No Josh. I'm missing the son I once had."

"He's forever lost now."

Lalo siyang umiyak. Muntik na siyang mapaluhod. She's wearing a corporate shirt and a pencil skirt. And I know she's trying to maintain her composure.

"What do you want ma? Hindi mo ko madadaan sa iyak mo. It's not working and will never work on me. Now be direct. What do you want?"

"I want you to choose us Josh. I want you to choose to stay here rather than leaving us alone to follow your dreams. I'm begging you anak."

"Bakit? Will it do me any good kung magstestay ako sa puder niyo? No ma. Sasakalin niyo lang ako ulit sa mga gusto niyong mangyari."

"I'm begging you Josh. Please don't leave us. We will accept your terms and conditions. We will accept your passion anak. Just don't let this family break down into its breakingpoint."

"Matagal na tong durog ma. You cannot call our family a family anymore."

"That's why I'm doing my best to glue all of us together. I want to bring our family's relationship back. Please Josh, ngayon lang. Pagbigyan mo na ako."

"I cannot give you an answer today. Bigyan niyo ko ng oras magisip. I'll be going, baka gabihin ako sa daan. Sabihin mo na lang kay lola at Hale na umalis ako."

"Okay. Mag-iingat ka." humihikbi siyang nagpaalam sa'kin. I know she's hurt.

Gusto ko na sanang umalis at isarado ang pinto ng kwarto ko but my conscience says no. Binalikan ko si mama at niyakap ko siya. I hugged her and kissed her forehead.

"I know it's hard for you to acccept the truth ma. But this is what I am right now. And I'm so sorry ma if I can't be the son the you want me to be. I'm sorry if your efforts to fix me is going straight to trash. Tumahan ka na. Your tears wouldn't bring your son back. Kung babalik siya, babalik siya. Pero sa ngayon, malabo pa iyon. Hayaan mo siyang mag-isip. Kung mahal mo ang anak mo, you will understand his situation. At kung talagang naiintindihan mo nga ang sitwasyon niya, you will let him go even if it will hurt you as a mother. I'm sorry ma. I promise, after this trip I'll go back with a concrete decision. But for now, fix yourself. I'll be leaving. Bye." And for the last time, I kissed her forehead.

Siguro that's my way of telling somebody that everything will be okay. It's an assurance that there's always a sunshine to look for after the thunder and storm.

4:30 na ko nakadating sa villa nina Juliet. Sinalubong ako nung isa nilang katulong. Ngumiti siya sa akin habang hinihintay na ibigay ko sa kanya ang mga gamit ko.

"Nandiyan ba yung mga magulang ni Juliet?" tanong ko habang inaabot sa knya ang mga bagahe ko.

"Ay wala po sir. Dalawang buwan na po silang wala dito. Madami po kasing inaasikaso."

"Tungkol saan?"

"Ay sir nagpaplano na po kasi yung mga magulang ni señorita na magmigrate sila sa ibang bansa eh. Para din po sa pagpapagamot ng mata niya. Naghahanap na nga po sila ng eye donor dito sa Pinas eh wala naman pong makita. Kaya po sa gusto nilang subukan sa ibang bansa."

"Eh sinong matitira dito?"

"Di ko po alam sir. Baka po ibenta na nila lahat nga ari-arian nila dito."

I was shocked. Juliet never told me about this. I want to confront her pero wala naman akong karapatan. She can never leave. Kailangang makita na namin kaagad yung Joshua na hinahanap namin bago pa mahuli ang lahat.

Pumasok ako sa villa at nakita kong nakaupo si Juliet sa sofa. Nakabestida na naman siyang puti. And she's eyeing where my location is.

"Creus?" she said with weariness in her voice.

Lumapit ako sa kanya. I can't never look away at her face. Sobrang nakakagaan ng pakiramdam ang makita siya. And I pushed the thought away.

"Miss me?" mapangasar kong tanong sa kanya.

And then she hugged me tighter than the first time we met.









Letters to JoshuaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon