KABANATA 32

48 4 6
                                    

Yes and No

I can't sleep.

Parang hindi ko ata kayang matulog dahil sa mga narinig ko kanina. Selos na selos na ata ako. Gusto kong sabihin kay Juliet iyon pero ide-defend niya lang si Paulo.

She's so into him that she cannot even see that I was so hurt.

Bumalikwas ako sa pagkakahiga ko at lumabas ako ng kwarto. Pumunta ako sa kitchen at binuksan ang pintuan ng fridge para kumuha ng tubig. It's 11:00 already. Hinagod ko ang buhok ko. Pumikit ako at huminga ng malalim.

"Creus, anak. Bakit gising ka pa? Maaga ka pa sa trabaho bukas ah."

Napamulat ako. Nandoon si Nanay Cecil.

"Nothing nay. Oh bakit kayo gising pa? Dapat ay nagpapahinga na kayo."

"Chineck ko lang yung mga cable kung nakasaksak pa. Baka masunugan tayo. May problema ka ba?"

"Wala nay. Anyway, diba alam mong magluto ng caldereta?"

"Ah oo naman. Gusto mo ba ipagluto kita bukas?"

"No. I want you to teach me."

Nagulat siya ng kaunti sa sinabi ko. It's so unusual for me to ask about this matters.

"O sige. Kailan ka ba pwede?"

"Bukas nay. After my work. Aagahan ko na lang po ang pag-uwi."

"O sige. Osya matulog ka na at maaga ka pa bukas."

Tumango ako at inilagay ulit ang pitcher ng tubig sa ref. Nagpaalam na akong matutulog ako.

I lied down flat on my bed and tried sleeping. Hoping this jealousy will end soon.

Nagising ako kinaumagahan dahil sa ring ng phone ko. At first I thought it was my alarm ringing pero hindi pala. Juliet's calling me.
Napatayo ako bigla. She's calling me so early.

"Hey." mahina kong sabi kanya at humikab ako.

"Goodmorning! Kagigising mo lang?"

"Yes Juls. What's with the sudden call?"

"Wala lang. Di na kasi kita nakakausap ng maayos simula pa noong isang araw eh."

"Miss me?" pang-aasar ko.

"Hindi no."

"Admit it Juls. You miss me more than ever."

"Baka ikaw iyon. You're so lost without me." asar niya pabalik.

"Hmm. Let's see. Wanna bet who misses who?"

"O sige. Paano?"

"Let's drop this phone call at kung sinong unang tumawag ulit siya talo."

"Okay game."

We counted up to three and hung up the phone. I smiled. I will win this time. Huh.

Tiningnan ko ang cellphone ko ng limang minuto pero hindi pa rin siya natawag.

She's resistant.

Ngumisi na lang ako at naghintay pa ng ilang minuto pero hindi talaga siya natawag. Bumangon na ako para mag-shower at hanggang sa banyo ay dala dala ko ang phone ko hoping it will ring.

But no.

I ate bread for my breakfast at dumaan sa isang coffee shop para bumili ng kape at dumiretso na ako sa trabaho. Kada minuto ay nililingon ko ang cellphone ko pero wala talaga.

Is she not missing me? Mas importante pa bang seryosohin 'tong larong 'to kaysa sa makausap ako? Is she that eager to win over me?

Hindi ako makapag-focus sa trabaho. I want to speak to her before starting this mess. Tinawagan ko siya. Kaagad niya naman itong sinagot.

Letters to JoshuaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon