KABANATA 21

36 3 0
                                    

Lying

Pagkatapos naming kumain ng tanghalian ay bumalik na kami sa trabaho. Mas mainit kumpara kanina dahil tanghaling tapat kami namimitas ng mga prutas.

"You should go back and stay inside Julie. Masyadong mainit na dito baka mahilo ka." ani ko sa kanya habang pinapayungan niya ako.

"Kaya ko pa naman eh. Wala naman akong gagawin sa loob ng bahay."

"Wag na matigas ang ulo."

"Totoo ba yung sinabi mo?" bigla niyang itinanong sa'kin.

"Alin?"

"Na manliligaw ka na?"

I cannot answer her straightly. Gusto kong sabihing hindi iyon totoo but I know it will crash her.

"Hindi naman ako nagmamadali Julie. Love takes time to grow. We are not in a rush Julie. Love can always wait."

Naiilang siyang ngumiti sa akin. I know she's expecting another answer. Pero hindi ko kayang ibigay yun sa kanya. Kaya ko pang magpanggap na ako yung Joshua na gusto niya pero ang ligawan siya ang hindi ko kayang gawin.

Hinawakan ko nang madiin ang isa niyang kamay.

"Julie, are you mad at me?" hindi siya umiimik.

Is she spoiled? Nakakainis na.

"Speak." ani ko sa kanya pero hindi pa rin siya umiimik.

Hinawakan ko ang buhok kong basa sa pawis para pigilan ang inis ko. That's why I hate girls. Ang hirap hirap kausapin. Nakakabullshit silang suyuin.

"Ano bang gusto mong gawin ko? Okay look, I'm sorry if I said that. Hindi naman sa ayaw kitang ligawan. We merely know each other Julie. Ilang weeks pa lang tayo nagkakakilala. Ilang beses pa lang kitang nakikita. We don't even know each other backgrounds. Naintindihan mo ba?"

"Pero nag- i love you ka Creus. You said you love me the last time you went here. Tapos ngayong pangalawang bisita mo sasabihin mong manliligaw ka na. I got my hopes up Creus."

"Julie-"

"Did you mean all of it? Yung I love you mo? Yung panliligaw mo? Yung paghalik mo sa noo ko? Yung yakap mo? Yung paghawak mo sa kamay ko? Did you really mean it Creus? Kasi ako, oo. I mean everything that I did Creus. It's true that I'm in love with you kahit na hindi naman talaga kita kilala. I'm willing to bet on this love because I put my trust on you."

"Pero Julie masyadong kang nagmamadali." malumanay kong sagot sa kanya.

"Edi sana hindi mo ginatungan yung pagmamadali ko. You said you love me too tapos kanina sinabi mong manliligaw ka. Tapos ngayon you're taking all of it back. Binabawi mo ang mga sinabi mo Creus and that means na hindi iyon totoo."

"Hindi iyon gumagana sa ganoong paraan Julie."

"Yes it is. I've been true to you since the beginning. I'm not afraid to lay down all of my feelings right in front of you even though hindi ko alam kung may chance na pupulutin mo ang mga iyon. But you did Joshua. You did pick up my feelings. At ngayong hawak mo na ang mga ito, please don't play with it. I'm not playing Creus. Seryoso ako dito. Don't play with me. Kung hindi ka seryoso sa mga sinabi at ginawa mo, then let it be Joshua. Pwede mo nang ibalik yung feelings ko sa'kin and you can drive home away from here."

She's firm in her words at may halo itong galit at banta sa'kin. Her venom is so deadly it kills me inside. And I felt guilty and helpless at the same time. Gusto kong sabihin sa kanya lahat ng kasinungalingan ko simula pa noong umpisa. I want to tell her everything. I want to be true to her. I want her to understand pero hindi niya kayang maintindihan ang mga iyon sa ngayon. Hindi ko na alam kung alin sa mga nagawa ko sa kanya ang totoo at hindi totoo.
Pero parang nasiraan na naman ako ng bait. Wala na naman ako sa katinuan.
I hugged her at nalaglag ang payong na isinisilong niya sa akin. I hugged her really tight. I want her to feel it. The guilt, the helplessness that's roaming deep inside me. Pero alam kong hindi niya mararamdaman ang mga iyon. Bulag siya sa pagmamahal na kaya niyang ibigay that's why she cannot see the fact na ang lahat ng mga ito ay pagpapanggap lang sa'kin.

"I won't take it all back Julie. Because I mean all of it too. Yung yakap, yung halik sa noo, yung paghawak sa kamay mo, yung mahal kita. I mean all of it. I won't give your feelings back because it's mine to keep. The love that is in between us is ours to keep Julie. Pero that doesn't mean that we need to rush things. We can begin again. We can straighten the road and build it through patience and timing Julie. We should build our foundation through friendship Julie and after that let's see where this road would lead us to. I do not patch the road between us Julie, I'm rebuilding it."

She cried and hugged me back.
And I admit that I'm tired of this shit. Pagod na pagod na akong magsinungaling sa kanya. Dalawa kaming tanga sa larong ayaw naming salihan pero kabilang kami. And I made this game. Ginawa ko ito at hindi ko alam kung papaano tatapusin. Larong walang panalo miski isa sa aming dalawa. Sinugal niya ang pag-ibig niya at sinugal ko ang pagkatao ko para akuin ang pag-ibig na iyon. Pareho kaming talo dahil wala naman kaming makukuhang premyo sa huli. But we both bet on this game. We bet on this game of love na ako lang ang hindi seryoso. But I cannot take all of it back. Nasa gitna kami ng laro at hindi ako pwedeng umatras bigla bigla. And for now, I made a decision to continue lying to her. To continue tricking her by falling in love with me. And as soon as the real Joshua she wanted rescued her, I will end this game. I will continue with my life and forget about all of these insanity.


Letters to JoshuaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon