KABANATA 23

52 4 0
                                    

Truth

Pagkatapos ng youth school ay isa isa na kaming umalis. Nilakasan ko ang loob ko para kausapin si Juliet.

"Uwi na tayo?" tanong ko sa kanya habang nakaupo kami at inaayos niya yung shoulder bag niya.

"Sige." at nginitian niya ako. That might be the most beautiful smile I saw from her today.

Sumakay na kami sa sasakyan at mabilis lang kaming nakauwi.

"Kain tayo. Nagpahanda ako ng pagkain kanina bago tayo umalis." ani niya.

"Okay sige."

We headed to the kitchen and she's still so distant to me. I gave her enough space habang kumakain kami. Tahimik lang siya habang kumakain. Pagkatapos naming kumain ay didiretso na sana ako sa kwarto ko but she called out name.

"Joshua"

"Yes?"

"Aalis ka na ba?" mahina niyang tanong.

"Oo aayusin ko lang yung gamit ko."

"Can we talk? Sa may kubo?"

"Ngayon na?"

"Oo sana."

"O sige."

Nilakad namin yung daan papunta sa kubo nila. 12:00 na kaya medyo mainit na. Umupo kami sa silong sa loob ng kubo. Magkaharap kaming nag-usap ni Juliet.

"Joshua." She reached for my hand.

"I'm sorry if I'm putting a huge wall between us. Gusto ko lang kasing pag-isipan yung napag-usapan natin kahapon sa farm. I want enough time for me to think kung ano bang meron tayo sa ngayon. Tapos dumating pa yung youth school. And I realized na hindi ko kailangang magmadali. And I'm sorry kung masyado akong mabilis. I'm sorry kung binigla kita. Now Joshua, I want the both of us to be honest. I want us to tell the whole truth. No lies at all Joshua."

Natakot ako sa sinabi niya. She wants the whole truth today. Gustong umurong ng dila ko ngayon.

"Everytime na magsasabi ako ng mga lies na ginawa ko o nasabi sayo, gusto ganun din ang gawin mo Joshua. I want you to be honest."

"O-okay." kabado ako sa kung anong pwedeng mangyari.

"Okay. Game." ani niya.

"I lied about myself Joshua. Hindi ako palakwentong tao at minsan ilang ako sa tao. But when you came I changed myself. I tried pursuing you by calling you or texting you frequently."

Sumunod akong nagsabi. "I lied that I already love you Julie. Hindi pa kita mahal noon. Natakot lang ako na baka masaktan ka kapag hindi ko kaagad sinagot yung pag-i love you mo sakin."

"Yun lang ba?"

Kinabahan ako sa tanong niya. Ano bang ibig sabihin niya nung tanong niya. Pakiramdam ko ay pinagpapawisan ako ng sobra sa tanong niya.

"Dun ka lang ba nagsinungaling? Kasi ako dun lang. Pero lahat ng pinakita ko sayo bukod doon, Joshua totoo iyon. Simula sa pagsulat sayo ng mga nararamdaman ko, sa pagsabi sayo na mahal kita, sa pagbibigay sayo ng painting ko, lahat iyon totoo na Joshua. Ikaw? Dun ka lang ba nagsinungaling sa'kin?"

"Julie-"

"Tell me now."

"You want the whole truth about me?"

"Yes."

Huminga ako ng malalim. This might be right time to tell her everything. To tell her who I am. Kinuha ko na lahat ng lakas ng loob na natitira sa akin.

"This might be the last time you will hear this from me dahil baka ayaw mo na akong makita pagkatapos mong marinig ang mga ito. Julie I-"

Nauutal ako. Hindi ko kaya. I don't want to see her tears. Ayokong makitang masasaktan siya dahil sa katarantaduhan ko. Sa lahat ng mga kasinungalingang ginawa ko sa kanya. Sa lahat ng mga ginawa ko na hindi ko alam kung alin yung totoo sa hindi.

"Julie I smoke. Nagsisigarilyo ako, nag-iinom ako. I curse a lot Julie. Kung gusto ko mang murahin itong buong mundo baka kanina ko pa ginawa. But I didn't do it. Hindi ako nagyoyosi dito sa inyo o di kaya nagmumura. I refused to be myself when I'm with you. Kasi natatakot akong i-judge mo ako katulad ng iba. But you didn't. I let myself be vulnerable around you. Ikwinento ko sayo ang buhay ko. Yung mga problema ko, yung mga ideya ko. At kahit kailan hindi ko narinig sa'yo yung panghuhusga. And I thank you for that. For accepting me no matter what. For loving me when you know I can't be any worser. Pero Julie-"

"Anong pero?"

"Yung taong tinanggap mo, yung taong pinakinggan mo yung storya, yung taong minahal mo, hindi ito yung totoong Joshua Julie."

"Anong ibig mo sabihin?" binatawan niya ang kamay ko at nakita kong kumunot ang noo niya noong humarap siya sa akin.

"I'm not the real Joshua. And I'm sorry for lying to you. For lying this far. Pero siguro ito na nga talaga yung tamang panahon para sabihin ko sa'yo lahat. You want to know the truth out all of these delusions then I will give it all to you."

Ikwinento ko sa kanya hanggang sa simula noong mabasa ko ang mga sulat niya, ang usapan namin ni Brian, lahat lahat ng tungkol sa larong 'to. Lahat ng kagaguhang ginawa ko sa kanya. Ikwinento ko lahat  ibinuhos ko na lahat ng itinatago kong kagaguhan sa kanya. She deserves the whole truth dahil alam kong totoo ang nararamdaman niya.

I tried controlling my emotions after telling her the truth. Yung galit ko sa sarili ko, yung guiltiness na nararamdaman ko, yung hiya, yung sakit. Pinipigilan ko lahat. Hinintay kong sigawan niya ako. Hinihintay kong sampalin niya ako. Hinihintay ko siyang umiyak. Hinihintay ko siyang magsalita. Pero ang tanging ginawa niya lang ay hinawakan yung buhok ko. She touched it gently. Pauli-ulit niya itong hinawakan na para bang hindi niya maintindihan lahat ng sinabi ko sa kanya. Hinawakan niya ito na para bang hindi maintindihan kung bakit iba ang tekstura ng mahaba kong tuwid na buhok kaysa sa mga kulot na hibla ng buhok ng totoong mahal niya. Ibinaba niya ang kamay niya at yumuko siya. Hindi siya umiyak. Hindi man lang siya humikbi.

"Salamat. Salamat sa pagsasabi ng totoo. Thank you dahil pinutol mo na 'tong imahinasyon ko. Salamat sa mga efforts na ginawa mo Joshua. Hindi ko kayang magalit sa'yo. Hindi ko kayang saktan ka Joshua dahil alam kong may dahilan ka kung bakit ginawa mo 'to. But for now, I want you to leave me Joshua. Gusto kong iwasan mo muna ako. Gusto kong pag-isipan ng mas mabuti yung mga sinabi mo. I cannot deny the fact that I'm deeply hurt Joshua pero that doesn't mean that I regret meeting you. You may go home now Joshua."

Gusto ko siyang yakapin o di kaya mag-sorry ng ilan pang beses. Pero alam kong hindi niya na ako papansinin. Kaya tumayo na ako at umalis sa kubong iyon. Dumiretso ako sa kwarto at inayos ko ang mga gamit ko. Pagkaalis ko ng villa ay agad akong sumakay sa sasakyan ko at pinaandar ang makina nito. Hindi ko na muling nilingon ang villa. I'm afraid na baka hindi na ako makaalis kapag lumingon pa ako ulit.

Malaya na ako sa problemang 'to pero pakiramdam ko'y kulong na kulong pa din ako. Gusto kong sigawan ang sarili ko. I want to be happy now that this is finally over. Pero hindi ko magawa. I was stuck here driving. And as I drive back to reality, I drive back to the real me. At hindi ko na alam kung gusto ko pang balikan kung sino ba talaga ako o magpanggap na lang na maging ibang tao.

Letters to JoshuaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon