The One that Got Away
Hindi ako pumasok. Tanghali na ako nagising. Ansakit sa ulo ng init. Pawis na pawis ako pagkagising ko. Nakakaasar. Chineck ko yung cellphone ko. Baka sakaling tinext ako ng boss ko para sabihing tanggal na ko sa trabaho. Pero wala siyang text. Sayang, tatakutin ko sana na siya yung ipapatanggal ko.
Nagsaing na ko at nagluto ng uulamin. My head really hurts. Feeling ko magkakasakit ako. As if my problems isn't enough to cause me so much pain.
I don't take medicine. Feeling ko lalo lang lalala ang sakit ko. I hate medicine to be exact.
I texted someone who absolutely know what to do in case of trouble. Hale.
Napakalayo ng apartment ko sa bahay namin pero nagtataka pa din ako kung bakit everytime na magte-text ako sa kanya isang iglap lang andito na siya sa apartment.
"What the? Pinapatay mo ba talaga sarili mo?" inis niyang tanong habang nililinis yung kalat ko kagabi.
"You look so stupid kuya. Buti na lang free day ko this day. Ano bang problema mo? Pumayag akong umalis ka ng bahay pero hindi ako pumayag na maging tanga ka. Napakapayat mo. May kinakain ka pa ba?"
"Pinapunta kita dito para gamutin ako, hindi para magbunganga. Stop asking me nonsense questions Nympha. Medication is all I need. Nothing more. Nothing less."
Inirapan niya ko. Chineck niya yung temperature ko at kung anu-ano pang ginawa sa'kin.
Medtech student si Hale. 4th year na. Akala ko ayaw niya magtake ng course ng Medicine. Hale Nympha loves architecture and designs. Mahilig siyang magdrawing ng mga nakikita niya especially sceneries. Parehas kaming biniyayaan ng gintong mga kamay. Nagulat na lang ako nung malaman kong nakaenroll na siya para sa course ng MedTech.
"How's school?" bored kong tanong.
"Ayos naman. Gagraduate na ko kuya. Dapat nandun ka. Okay?"
"I'll think about it. Anong balak mo pagkatapos mo niyang course mo?"
"I'll study again. Magme-medicine proper."
"Wow. Dra. Hale Nympha Gomez. Sounds bad for me."
"Kuya naman. Hanggang ngayon ba pagtatalunan natin 'to?"
"What? Minsan iniisip ko, what if kinuha mo na lang talaga yung gusto mong course kaysa sa gusto nina mama."
"Kuya. Nandito na ko oh. Mahal ko na yung course ko. MedTech student ako pero that doesn't change the fact na mahal ko din ang pagdra-drawing. Gumuguhit pa din ako kuya. So stop being an asshole."
"Okay."
Napabuntong hininga na lang siya. I should quit being an asshole when she's around. Baka natatapakan ko na yung feelings niya. And I don't want her to be hurt.
Pinilit kong ubusin yung pagkain ko or else magbubunganga na naman 'tong kapatid ko.
"Whether you like it or not, iinumin mo 'tong gamot. Tsaka bawasan mo yang bisyo mo."
"I told you Nympha, hindi ako nainom ng gamot. "
"Iinumin mo ba o isasalaksak ko sa bibig mo?"
"I won't. Umuwi ka na. I can handle myself."
Kinuha niya yung gamot at isinalaksak sa bibig ko. Agad kong kinuha yung tubig.
"WHAT THE HELL NYMPHA!"
Napatawa lang siya.
"Sumama ka sa'kin sa bahay. So I can check you out. Kung dito ko magstestay walang magaalaga sayo. Ayokong mag-worry. So please come home with me."
BINABASA MO ANG
Letters to Joshua
Romance"There's a man at the other side of the road. A broken man with a lost soul enticed by a lady with a spirit of a burning coal. There she is, the lady at the end of that road. A discreet lady who screams through her letters waiting for someone to rea...