Begin Again
I fixed myself and leave Den's grave. Pinaandar ko ang makina ko at dumiretso ako sa bahay na may dalang mga beer.
Sinarado ko ang pinto ng kwarto ko at ni-lock ito. Hinubad ko ang suit na suot ko at nagpalit ng simpleng t-shirt at boxer shorts.
Muli akong pumwesto sa gilid kung saan ako madalas nagpe-painting. Inilapag ko ang mga beer ko sa side table at inayos ko ang mga gagamitin ko sa pagpipinta. Ipwinesto ko ang canvas at sinimulan ko na mag-pinta.
I stroke my brush. Inilabas ko lahat ng nararamdaman ko kasabay ng paghigop ko ng alak. And then I realized that I'm painting her face. Her eyes, those lips, yung mahaba niyang buhok. Juliet's face.Inalis ko ito at pinalitan ng bagong canvas. Ngunit ganoon pa rin. Kada pinta ng kamay ko ay mukha ni Juliet ang lumalabas sa canvas ko. Makailang ulit ko itong pilit na pinalitan but I failed. Siya at siya pa din ang nabubuo ko sa painting ko. And I hate to accept the fact that I'm slowly falling for her. Dahil hindi naman para sa aking yung pagmamahal niya.
Apat na araw akong ganito. Gigising, kakain, iinom, magpepainting, maliligo, magyoyosi, tapos matutulog na ako ulit. Hindi ako pinapansin ng mga magulang ko. While Hale and lola are really worried about me. And everytime they asked me questions all I ever did was tell them that I'm okay.
Today is the start of weekend and my fifth day being like this at naalimpungatan ako sa kwentuhan sa salas. I heard Hale and lola's voice; both of them giggles. Agad akong bumalikwas sa pagkakahiga ko at sinilip ko sila sa salas. And I saw her. Those eyes, lips, her smile, her long black hair. She's here.
She's here in my house.
What the fuck.
Nanlaki ang mga mata ko noong makita ko siyang nakaupo sa salas at nakikipagusap sa kapatid at lola ko. Suot niya parin yung kwintas na huli kong nakita noong nagsimba kami. Nakasuot siya ngayon ng dress na puti na may shade ng yellow sa dulo. She look so stunning with her hair braided. Masaya siyang nakikipagkwentuhan kayna Hale. Napamaang lang ako doon. Hindi ako makapaniwalang nandito siya. How? Why?
Agad kong sinara ang pinto ko at tumakbo ako papunta sa banyo. Naligo ako kaagad at nagsuot ng matinong damit. Chineck ko ang mukha ko, pinatuyo ang mahaba kong buhok and tied it into a bun. Naglagay din ako ng kaunting pabango.
Then I opened my door. Napansin ito nina lola. At napangiti siya noong makita niya ako.
"Oh, he's finally here." ani niya habang ngumingito sa akin.
"Halika hijo. May bisita ka. Kanina pa siya dito." utos ni niya.
"Diba siya yung nasa mga painting mo this past few days?" pang-aasar ni Hale.
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at tinitigan ko siya ng masama. Pero tumawa lang siya.
"Punta lang kami sa kitchen ni lola para maihanda na yung breakfast natin. Tinawagan ko na rin sina mama na dito sila magbreakfast may inayos lang sila sa office pero babalik sila kaagad." ani ni Hale na mas ikinagulat ko.
"What?" gulat kong tanong sa kanya.
"Pumayag naman sila kuya eh. Tsaka para makilala din nila si Ate Juliet." inasar-asar niya ko.
Hindi ko siya pinansin. Umalis sila ni lola at natira kami ni Juliet sa salas.
"Creus?" kinilabutan ako sa boses niya. I've been wanting to hear her voice noong isang araw pa. And now she's here in front of me.
"Julie." bulong ko at lumapit ako sa kanya. She's sitting in the sofa.
Ngumiti siya noong marinig niya ang boses ko. Tinabihan ko siya sa sofa pero hindi yung sobrang lapit.
"How did you get here? How did you know my address?"
"Kay Brian."
What the fuck Brian? Ano na namang ginawa mong hayop ka?
"Anong ginawa ni Brian?"
"Pumunta siya kahapon sa'min. Tapos kwinento niya sa'kin kung anong nangyayari sa'yo. Nakiusap siyang puntahan kita dito tapos ihahatid niya naman daw ako papunta dito sa inyo at ihahatid niya din ako pabalik."
Fuck you Bri. Ungas ka talaga.
Hindi ako umimik.
"Kwinento niya din sa aking nakipagsuntukan ka doon sa isang Joshua. Kwinento niya sa akin lahat Creus. At naguilty ako dahil wala ka namang kasalanan. Sorry kung ikaw pa yung napagdiskitahan niya. I'm very sorry for everything Creus." nahihiya niyang sabi sakin.
"You want to talk to about this sa labas?" aya ko sa kanya.
"Okay lang."
Tumayo ako at inabot ang kamay ko sa kanya. Naiilang niyang tinanggap ito. Naglakad kami palabas ng pinto at pumunta kami sa garden. Hawak ko pa rin ang kamay niya at wala na ata akong balak bitawan pa ito.
"Nandito na tayo." bulong ko.
"I just want to tell you that I'm sorry too Juliet. Sorry kung nagpanggap lang ako nung una. And I thought that it was a game. I thought I'm the one who's controlling it but no. Parehas pala tayong napapaglaruan dito. I tried telling myself na hindi dapat ako mahulog sayo because you have fallen for another man. But I failed. Hindi ko napansing hulog na pala ako sa simula pa lang. Sorry kung nasaktan kita Juliet. I'm sorry kung I'm being selfish."
Nakita kong ngumiti siya. Niyakap niya ako at niyakap ko din siya pabalik. I miss her. I miss everything about her. Inalis niya ang pagkakayakap niya sa akin at nagsalita siya.
"Thank you for acting as a real man Creus. Thank you for telling me the whole truth. Noong umalis ka sa amin, I was deeply hurt. Gusto kitang sigawan at sampalin pero hindi ko ginawa iyon dahil naiintindihan ko kung bakit ginawa lahat ng iyon. Akala ko kakausapin mo ako pagkatapos mong umalis noon, naghintay ako sa tawag o kaya sa text mo pero wala akong natanggap. Kaya sinabi ko sa sarili ko na siguro lahat ng mga ginawa mo sa'kin hindi talaga totoo. But then, Brian came back with this news. Pinilit niya akong puntahan ka dito at pumayag ako dahil nagaalala ako para sayo."
"Can we start again?" tanong ko sa kanya.
Naiilang siyang sumagot. "Yes Creus. I want us to begin again. I want to give us a second chance. At kung will ng Panginoon na magkakilala talaga tayo, the best we can do is cherish this."
Inalis ko ang pagkakahawak ng kamay ko sa kanya. Umubo ako ng kaunti at pabiro akong bumulong.
"Well, Hi miss. Ngayon lang kita nakita dito ah? I'm Joshua. And you are?" ngumisi ako pagkatapos kong sabihin iyon sa kanya.
Napangiti siya at hinampas niya ako ng bahagya.
"I'm Juliet. Juliet Santiago."
Nagtawanan kami at niyakap ko siya ulit.
I will never let her go again this time. I will never play that stupid game again. I don't want to lose her anymore. I don't want her to slip out of my fingers. This time, I know that there's no doubt that I love her.
I'm starting to love that Juliet that I thought I could never have.
BINABASA MO ANG
Letters to Joshua
Romance"There's a man at the other side of the road. A broken man with a lost soul enticed by a lady with a spirit of a burning coal. There she is, the lady at the end of that road. A discreet lady who screams through her letters waiting for someone to rea...