KABANATA 25

42 2 0
                                    

They Never Tried to Work Things Out

I woke up feeling hazy. Napakasakit ng ulo ko at ng katawan ko dahil sa sobrang alak at panununtok sa hayop na yon.

"Lola, gising na siya." Boses iyon ng kapatid ko at batid kong may pagaalala sa boses niya.

Iminulat ko ang mga mata ko. I was in a hospital. Nakahiga ako sa isang kama at batid kong nasa isang private room kami.

"Where's Brian?" tanong ko sa kanila. Nanunuyot ang lalamunan ko.

"What the hell kuya? Bugbog sarado ka na nga tapos ang una mo pang itatanong eh kung nasaan yung Brian na 'yon! I should have marked the perimeters around you para hindi na siya makalapit sa'yo. All he ever did was lead you into trouble! Kaya iyan ang nangyari sa'yo!" inis niyang pagsigaw sa akin.

Hindi ko alam kung yun lang ba ang ikinagagalit niya. Simula pa lang noong magkakilala ang mga magulang namin nina Brian at naging close kami nito ay napapansin ko ang pagkailang sa kanya ni Hale. Everytime na magkasama kami ni Brian ay hindi siya lumalapit sa'ming dalawa. I know she's into him matagal na. But Brian is into someone already. Pinaamin ko si Hale dati pero nagmatigas siya. She said Brian's too old for her kahit na dalawang taon lang naman ang agwat ng edad ni Brian sa kanya. Kapag may mga gatherings dati ay hindi ko sila pwedeng pagsamahin dahil para silang aso't pusa. Hindi ko alam kung bakit hindi na lang naging sila. Bagay naman silang dalawa but they never tried to work things out. Siguro nga hindi sila bagay. Alam ko namang mahal na mahal pa rin ni Brian si Lexi while on the other hand, Hale's focusing with her studies and her career.

"I'm fine. Hindi pa ba ako ididischarge dito? I don't want to be in this place."

"Soon hijo. Hinihintay lang namin yung sasabihin ng doctor then we can go home afterwards." ani ni lola.

I want to be home and rest. Good thing, my parents are not here. Baka nagsisigawan na kami ngayon kung nandito sila.

Biglang bumukas ang pinto at tumambad sa'kin ang mukha ni Nanay Cecil. May bitbit siyang bag at agad niyang hinanap kung nasaan ako. She hurriedly went to my bed and asked if I was okay.

"Okay lang ako nay. Pauwi na din naman kami dapat hindi ka na pumunta dito."

"Eh kasi sabi ni Hale dalhan daw kita ng damit eh. Eto oh, dala ko na. Magbihis ka bago tayo umalis. Kamusta katawan mo?"

"Okay lang. Di masyadong masakit."

"Ay oo nga pala Creus, pumunta na ako kanina sa apartment mo para kunin yung mga naiwan mong gamit doon. Pinakuha na sakin ng lola mo kanina. Nilagay ko na lang sa kwarto mo ha. Di ko na ginalaw."

Ngayon lang ako nainis sa pangalan ko. Juliet used to called me that name. Dapat pala hindi ko na lang iyon sinabi sa kanya. I should've have controlled myself. And now I realized that only Nanay Cecil can call me by that fucking name. At wala nang iba pa.

"Okay po." nginitian ko siya para siguraduhing okay ako at ngumiti naman siya pabalik.

We waited for the doctor to discharge us and then we went home. Pagod ako kaya nakatulog ako sa byahe.

Halos madaling araw na kami nakadating sa bahay. All of them looks so exhausted. Nakakahiya. I know Hale's have classes tomorrow. Tapos si lola pa at si Nanay Cecil. They're really tired.

Niyakap ko sila isa isa kahit na medyo hina na yung katawan ko. I just want to thank them for the effort they exerted. Inalalayan nila ako patungo sa kwarto ko at agad akong nakatulog.

Kinaumagahan ay maaga ako nagising. Dumiretso ako sa banyo ko at tiningnan ang mukha ko. Hindi naman ako masyadong napuruhan. Masakit pa din ang katawan ko pero I want to be productive today. Agad kong tinungo ang kitchen pagkatapos kong magtoothbrush.

Letters to JoshuaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon