KABANATA 20

56 3 1
                                    

Starting to Love

Nagising ako sa ingay ng mga taong nagtatawanan at sa sinag ng araw. Juliet is beside me. And I was hugging her in my arms to be exact. Agad akong napabalikwas kaya naamlimpungatan si Juliet sa pagkakatulog.

"Sorry. Hindi dapat kita kaagad gigisingin." ani ko sa kanya.

Chineck ko ang relo ko at nakita kong 6:30 na pala. I saw some of the farmers harvesting the fruits in the farm already at para bang hindi nila kami nakitang magkatabi dito sa sasakyan. Lumilinga linga sila at nagbubulungan ngunit hindi ko ito naririnig.

"We should be fixing ourselves by now. Halika na." hinawakan ko ang kamay niya at binaba ko siya sa truck. Pagkadating namin sa salas ng bahay ay tinanong ko sa kanya kung nasaan ang banyo at tinanong ko kung sinong unang maliligo sa'ming dalawa.

"May sarili akong banyo sa kwarto ko."

"Ganun ba sige. Maliligo na ko kakatukin na lang kita sa kwarto mo kapag mag-aani na tayo." sabi ko sa kanya.

Hindi niya pa rin binibitawan ang mga kamay ko.

"Thank you nga pala kagabi Creus."

"Salamat din." And suddenly I just want to kiss her forehead. Pero hindi ko iyon ginawa.

Hinatid ko siya sa silid niya. Nasa 2nd floor ito ng villa nila. Hindi ako dito nakapunta noong nakaraan dahil sa farm kami nagkwentuhan ni Juliet. Maaliwalas dito at maluwag ang salas. Tatlong kwarto lamang ang nandito.

"Una na ko sa ibaba babalikan na lang kita after an hour?" tanong ko habang nakatingin sa relo ko.

"O sige."

Kinuha ko ang mga damit ko sa bag at dumiretso na ko sa banyo. Matagal tagal din akong naligo dahil hindi ako nakapagshower kagabi.

Nag-ring ang cellphone ko habang nagpupunas ako ng basang buhok at nakaupo sa gili ng kama.

"Hello Bri. Bat ka tumawag?"

"Miss na kita Osh. Come back home."

"Fuck you shut up."

"Please come back home for me."

"Ibababa ko to kapag di ka tumigil diyan."

"Oh easy lang."

"Eh ano ba kasi yun? Bilisan mo magaani pa ko."

"What the hell? Marunong ka ba non?" tumatawa siya sa kabilang linya.

"Fuck you. Syempre pag-aaralan ko."

"Bakit? Yan na ba ang paraan mo para mainlove sayo si Juliet?" hindi niya mapigilan ang pagtawa sa kabilang linya.

"Shut the fuck up. I'm doing this because I wanted to learn not to impress her."

"Sus. Baka mamaya pagka-uwi mo dito kasama mo na yan."

"Gago. Diretsuhin mo na nga ako."

"Well, as of now, I have the basic information about the Joshua that we're looking for."

"And then?" inilagay ko sa kaliwang tainga ko ang cellphone at inipit ko ito sa balikat ko. I'm tying my shoes habang kinakausap siya.

"Hmm. Wala naman masyado pang details. Just a brief description of his face with his photo included and dito rin pala siya sa Manila naka-base. That's all for now."

"How does he look?"

"Better than you."

"Fuck you Bri."

Letters to JoshuaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon