KABANATA 8

76 3 0
                                    

My First and my Last

Inimbita ko si Hale na kumain sa mall after ng class niya. I offered to pick her sa tapat ng school nila. She agreed because it's my treat. Napakakuripot talaga.

Hindi niya alam na hindi talaga sa mall yung balak ko kainan. I smiled to the thought na baka mabigla siya sa gagawin ko. I'm acting really weird today. Baka post sickness reaction.

Pinasabi ko kay Nanay Cecil na ipacarwash yung pickup truck ko sa driver namin. Baka kasi kulangin pa ko sa oras kapag ako ang gumawa non. Hinintay ko lang yung sasakyan tapos nagdrive na ko para sunduin si Hale.

Nagpark ako sa mismong tapat ng school nila para makita niya kaagad yung sasakyan ko at makaalis kami kaagad. Tinext ko siya na nandito na ko dahil alam niyang mabilis akong mainip. Chineck ko yung itsura ko sa rear-view mirror ng sasakyan at napatawa sa sarili kong itsura. Paniguradong magugulat si Hale nito.

Nakita ko na siyang lumabas ng gate ng school nila kasama ang friends niya. Bumusina ako at lumabas ng sasakyan. Laking gulat ni Hale at ng mga kaibigan niya nung makita ako. Nakita ko pang bumulong ang mga kaibigan ni Hale sa kanya. Tss.

"What the hell?! Why did you wear that suit? Nababaliw ka na ba kuya?" agad niyang sinabi pagkatawid nila.

Di ko na napagilan ang tawa ko. "Hahaha! Di ba bagay sa'kin?" then I smirked.

Narinig kong bumuntong-hininga ang mga kaibigan niya. Kaya sumimangot ako muli.

"Let's go." aya ko kay Hale.

Nagpaalam siya sa mga kaibigan niya then she finally entered the car. Medyo natatawa pa din ako sa reaksyon niya sa itsura ko. Gusto ko lang namang itry ulit. Kanina pa lang sa bahay naisip ko na 'to. I planned to look for a restaurant that appeals to my taste and also to match my suit then I booked a reservation for two.

"What the hell was that kuya?" sabay turo niya sa suot ko.

"What? Bawal na ba akong magsuot ng ganito ngayon?" tanong ko habang inaayos ang seatbelt ko.

"No. Nabigla lang ako. Hindi naman ganyan yung mga type mong isuot. At tsaka sa mall lang tayo pupunta diba? Bakit ka pa nagsuot ng ganyan?"

"I find it boring eating dinner at the mall so I decided to look for a restau then I booked a reservation for two earlier."

Napamaang siya sa sinabi ko. At tumawa ako sa itsura niya. Hinampas niya ko na para bang iritabg irita siya sa nga pinagsasabi ko.

"Stop it Hale, I'm driving."

"Then stop this joke kuya. Nakakairita."

"What? I'm not messing up with you Hale. I wanted to eat dinner in a fancy restau and that's it. It's my treat right? You don't have to worry about anything. And I also brought you your own dress. Para hindi ka ma-awkward."

"Now you're talking shit."

Iniliko ko ang sasakayn sa gilid ng kalsada. Kinuha ko yung paper bag sa likod ng pickup truck at inabot sa kanya. Sinilip ni Hale kung ano ang nasa loob.

"What the hell kuya? You're really serious about this huh? Anong nakain mo? Hindi ikaw yan kuya."

Ngumisi lang ako at iniliko ang kotse papunta sa kalsada at nagdrive. Kwinento ko sa kanya yung napagusapan namin ni Nanay Cecil at yung balak kong magstay na lang sa bahay kahit hindi pa naman talaga ako sigurado.

"I think that's good idea kuya. It's been 5 months. Tsaka miss ka na din siguro nina mama."

"You think?" nagdadalawang isip kong tanong.

"Of course. Magulang mo pa din sila kuya. And you're still their son. I remember one time kinausap ako ni mama. She's pleading."

"Pleading?"

"Oo. Nakikiusap siyang sabihin ko yung location mo."

"And then?"

"I refused to answer."

Nag-focus na lang ako sa pagdadrive. We arrived at the venue pass 8 pm dahil sa traffic. Umupo na ko sa table habang nagpapalit si Hale ng damit. I ordered what I think she wanted.

"I think this is so expensive kuya. Given that you don't have your credit cards with you."
sabi ni Hale habang tinitingnan ang steak na nasa harapan niya.

"May pera ako Hale. Nagtatrabaho ko remember? Tsaka wag ka na nga magtanong tungkol sa bill or kung gaano kamahal. It's my treat you can enjoy it without overthinking kung saan ko nakuha yung pera."

"Okay fine fine." hiniwa niya ang steak at kinagat ito.

Naenjoy namin ang pagkain from the appetizer to dessert. Mahal pero kaya naman ng pera ko. I know Hale enjoyed the courses too. And I'm happy seeing her like that.

"You should bring your future girlfriend here. This place is good for a first date." sambit niya habang tinitingnan ang ceilings ng restau.

"Stop talking nonsense Hale. Denelle will always be my first and my last. Nothing will change."

"Maybe Ate Den wants you to move-on." lumingon si Hale sakin.

"This conversation is over Hale. No one knows what my future is. But one thing is for sure, no one can replace Denelle."

"Fine. If you say so."

I smiled at her. She knows when to stop.

Umuwi na kami after dinner dahil maaga pa ang class niya bukas at kailangan niya pang mag-review. I parked the pickup truck then we hopped out of the car.

"Thank you for this night kuya. This past few days I've been busy dahil sa schoolworks but thank God I have you to help me relax even though it's just for awhile. Thank you kuya. You really made my night." pasalamat ni Hale habang nangiti.

"Give yourself a break sometimes Hale. Di naman masama iyon. I will always be here if you need me okay?" I kissed her forehead.

"You look really really good in that suit by the way. You should look forward sa offer ni Nanay Cecil. Being a businessman suits you really well. Ayaw mo ba non? Artist ka na tapos businessman ka pa. Our parents will be proud of you. You don't have to push them away."

"I'll think of it Hale. And you, you should probably go upstairs and review your notes. Magtoothbrush ka ambaho ng hininga mo."

Hinampas niya ko habang tumatawa.
"Baliw ka na kuya. I'll go ahead. You sleep na okay? I love you." niyakap niya ko tapos umakyat na siya sa kwarto niya.

Hindi pa ko inaantok kaya kumuha muna ako ng tubig sa fridge bago ako pumasok sa kwarto. Pumunta na din ako sa salas para i-check kung nandoon pa ang paintings na ginawa ko back when I was in college. Apparently, nandoon pa din. Napangiti ako. Akala ko itatapon nila yung mga painting ko noong umalis ako. Hindi pala. Napapagitnaan ng mga ito ang isang di gaanong kalakihang litrato ng pamilya ko. Si mama at papa na nakaupo sa dalawang magkahiwalay na malalaking sofa at kaming dalawa ng kapatid ko sa magkabilang gilid nila. It was captured back when I was only a high school student. 3rd year pa ko noon, and me and Hale was really young. Para pa kong tangang sumusunod sa lahat ng ipagawa nila mama. Kaya siguro ngiting ngiti silang dalawa sa picture dahil nacocontrol pa nila ako dati.

But I won't let them control me right now.

Letters to JoshuaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon