KABANATA 9

55 4 0
                                    

She's all yours

Inabot ng anim araw bago may dumating na sulat galing kay Juliet. Tinext ako ni Brian na dadalhin niya na lang dito sa bahay dahil hindi pa ko nakakabalik ng apartment simula nung nagkasakit ako.

"Fresh na fresshhhhh" sambit ni Brian habang winawagayway at inaamoy amoy ang sobre sa mukha mo.

"Shut up." saway ko habang nagcoconcentrate sa pagpapainting ko.

Weekend ngayon kaya free day ni Brian sa work. Niyaya niya kong gumimik pero tumanggi ako.

"You want me to open this for you?" tanong niya habang patuloy na winawagayway ang sulat.

"You can also burn it if you want."

"Sus pakipot ka pa. C'mon Osh, beg. Beg for it."

"Fuck you Bri. You can do everything you want to that letter. That's none of my business."

"Okay fine."

Binuksan niya ang sobre ng sulat at binuklat ito. Di ko siya pinapansin habang patuloy akong inaasar.

"Dear Joshua,

I was really shocked that you wrote back. Akala ko hindi mo na ko papansinin. Thank you for your response Joshua. I should have been more careful with my words. Sorry kung nagmamadali akong sabihin yung nararamdaman ko. I know you're busy but will you mind if..."

Tumigil si Brian sa pagsasalita at nagkatinginan kami.

"If what Brian? Ituloy mo."

"Akala ko ba hindi ka interesado? Bakit ka nakikinig?" sabi niya habang ngumingisi.

"Fuck you." bumalik ako sa pagpe-painting. Hindi ko na lang siya pinansin.

"You want me to continue or what?"

"I don't really care Brian. I was just wondering if she got a hint na baka hindi pala ako yung Joshua na gusto niyang sulatan."

"What? You're afraid?"

"Afraid of what Bri?"

"Afraid to lose her?"

"Gago. Di ko nga kilala yan. Nevermind."

"Uwi muna ko. May mga bisita si mama sa bahay. They're looking for me."

"Iwan mo na lang yung sulat sa may kama ko."

"No Osh. Beg for it." tapos bigla siyang tumawa at tumakbo palabas ng kwarto ko.

Di ko na siya hinabol. Gusto niya lang ako asarin. Ibibigay niya rin yon kapag napagod na siyang asarin ako.

I finished painting my canvas then I ate my breakfast. Nag-work out ako ulit afterward.
Namimiss kong magyosi at beer pero sinusubukan kong iwasan. Hale warned me about drinking and smoking so I'm trying to do my best to prevent it. Mahirap na, baka magalit pa siya sakin.

The day is almost done pero parang may hindi pa rin ako ginagawa. Parang may hindi pa ko natatapos na gagawin pero hindi ko alam kung ano. Hindi ako mapakali. I tried checking on my guitar and played some chords. I tried painting again something pero parang tinatamad yung kamay ko. I opened the cabinet where Juliet's letters lays. Kinuha ko iyon at pinagmasdan. Umupo ako sa gilid ng kama at binuksan ang mga iyon. I keep on thinking who is this Juliet. How she looks and how awful it was thinking that writing letter is her way of confessing her love for that unknown Joshua. And who is this real Joshua anyway? Anong itsura niya? Fuck. I hate guessing.

Guessing gives you false hopes. You're hoping and expecting for something you have imagined then it is the opposite of the truth. It leaves you hanging in the end.

Letters to JoshuaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon