KABANATA 2

158 3 4
                                    

Beers, Cigarettes and Pain-t

Kaninang madaling araw ko lang naramdaman yung sipa ng alak. My head is throbbing from alcohol. 8 am ang trabaho ko pero malayo pa sa apartment ko kaya kailangan kong gumising ng maaga.

Wow. Sinisipag akong magtrabaho ah. Though masakit yung ulo ko, I think I can manage.I love you beer.

Good mood lahat ng tao sa office. Namangha naman yung kumag kong boss dahil sa kaagahan ko sa pagpasok. Di ko maintindihan kung bakit hindi niya pa ko tinatanggal sa trabaho. May gusto siguro sa'kin yun. Kadiri.

5 months na kong wala sa bahay at 2 months na ko dito sa trabaho ko. This is not my permanent job. Encoder ako sa isang company. Boring pero at least may income. Fresh graduate ako. Fine Arts.

Wala pa kong balak sa buhay kaya magtiyatiyaga na muna ko dito. Kaya pa naman akong buhayin ng trabaho ko.

I find it hard to cope up with my environment. Sanay akong may tagalaba, tagalinis at kung ano pa mang taga. I can get everything in a snap of my fingers. I'm a Gomez until I decided to quit being one. Nasakal ako. Ayokong maging robot habambuhay. I need to be me. Not someone my parents wants me to be.

Lunch break ko na. Niyaya ako ni Brian mag-lunch sa isang mall malapit sa trabaho ko. Treat niya daw.

"What the hell Osh, ambagal mo."

Tarantang taranta si Brian pagkadating ko.

"Para kang bulate diyan. Tumigil ka nga. Ano bang problema mo?"

"Si Lexi kasi eh."

"Puta naman Brian, di drama ipinunta ko dito. Pagkain Bri."

"Ako na nga 'tong manlilibre eh."

"Eh ano ba kasing problema? Bilisan mo gutom na ko."

Pumunta kami sa isang Japanese resto. Automatic siyang umorder.

"Brad, si Lexi kasi nakita ko kanina eh. Tang ina brad bumalik feelings ko."

"Anong bumalik? Eh hindi naman nawala."

"Osh naman. 3 years na kami nun. Kulang na lang ibigay ko virginity ko sa kanya. Kilala mo ko Osh, maloko ako pero nagseseryoso ako sa babae."

3 years na nga naman kasi sila ni Lexi. Minsan on and off. Pero masaya sila. Halata naman kay Brian. Maloko 'tong si Brian but he never broke a promise. Kung importante ka sa kanya, isinusugal niya lahat. Hindi siya marunong magtira para sa sarili niya kaya ayan walang-wala siya ngayon.

Sabi nila wag ka daw magbigay ng buo, magtira ka para sa sarili mo.

What the hell was that?

That's bullshit. Dapat, kahit kailan wag kang magbibigay ng buo, hindi naman sinusuklian.

"Babalik din yan Bri. Kung mahal niya ang pera mo, babalik yon. Pera pa ba tatanggihan niya?"

"Fuck you Osh. Napakamanhid mo talaga."

"Easy lang. Girls will always be girls. Nagpapakipot lang yan Bri. Hintayin mo kasi atat ka masyado."

Kumalma siya tapos nagpatuloy na kaming kumain. Malapit na matapos yung break ko.

2 hours lang ang inilagi ko sa office pagkatapos non umuwi na ko. They can fire me if they want. Babalik at babalik din naman ako. Brian will inherit the company. Kaya madali lang sakin magpaeasy easy sa buhay.

I took the lowest position their company can offer bukod sa janitor. Ayokong madaming nakakapansin sakin. Magkakilala yung parents ko at ni Brian since elementary kami. Dun ko nakilala si Brian. Since then, di mo na kami mapapaghiwalay.

Bandang ala siete na ko nakauwi. Nagpalamig lang muna ko sa mall at tumingin ng bagong albums. Bumili na din ako ng beer. Bitin pa yung ininom ko kagabi.

I've gathered all I need sa salas. Paint brushes, paints, yosi, lahat ng materyales na kailangan ko. Kasama na yung beer.

Nagbukas ako ng isang lata saka humigop. I lit my cigarette and started to blow my problems away.

Every stroke of my brush brings out the pain in my ass. Dito ko lang nailalabas lahat. Lahat ng problemang hindi kayang agapan ng yosi at alak ko.

Paint ease the pain away.

Abstract lagi ang genre ng painting ko. Maybe because I'm an unpredictable person. Hindi madaling mabasa ang nasa isip ko. Hindi madaling malaman kung ano bang mood ko. And my mind has scattered thoughts. Kaya siguro magulo buhay ko ngayon. Walang direksyon. But I don't care. At least hindi ako nasasakal sa mga gusto ng magulang ko para sa'kin.

Naubos ko na yung half pack ng yosi ko at apat na lata ng beer. Natapos ko na din yung pinipinta ko. Wala akong pakialam kung maganda o pangit yung kinalabasan. Nailabas ko na yung katiting ng bigat na dinadala ko. Now I can sleep in peace.

Letters to JoshuaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon