1...2...3...
Dahil maaga ang worship, maaga kaming gumising ni Juliet. Dun pa rin ako natulog sa dating kwartong tinutulugan ko. Kumain muna kami ng breakfast bago umalis.
Today she's wearing a white dress na lavender naman ang dulo. Nakatali ang lahat ng buhok niya sa likuran. She's wearing that necklace again.
Next time na mag-mamall kami, I will buy her a lot of those dresses. I will never get tired of seeing her like that.
"What are you wearing?" tanong niya sa'kin.
"Still the same Sunday attire Juls." I'm wearing my well fitted long sleeve white shirt and a dark blue pants.Nagpaalam na kami kayna tita at nagdrive na kami papunta sa church.
2 months na akong na-attend sa church nila at kilala na din ako ng mga tao doon. Minsan kumakain kaming lahat ng lunch sa bahay ni Juliet tapos nagba-bible study before umuwi. Juliet love kids alot kaya karamihan ng lagi naming kasama ay mga bata. Mahilig siyang magkwento sa kanila ng mga bible stories at kung anu ano pa. After that may libreng face paint sila mula sa akin. I love painting their faces lalo na't tuwang tuwa sila kapag natapos na ko na ang mga gusto nilang designs. Their genuine smile fulfills me.
I can't believe that I'm saying this. Hindi naman ako ganito dati. Malayung-malayo. And I guess, God moves in His mysterious ways. Kaya Niya siguro tayo binibigyan ng mga circumstances sa una to paved the way for the good things that is yet to come. And I have mine already. Juliet. Wala na akong gusto pang hilingin sa Kanya. Everything is a smooth sail.
"Why are you always wearing that necklace?" tanong ko sa kanya habang nagdadrive.
"Ah eto." hinawakan niya ang kwintas na may maliit na cross na pendant. "May nagbigay lang sa'kin. Matagal na 'to sakin."
"Sino?"
"Si Pau."
1...2...3...4...5...6...7... "Ah wala lang. Ang ganda kasi." ani ko sa kanya habang nagbibilang ako ng mga numero sa utak ko.
Ngumiti lang siya at tumahimik na.
Saktong 9:00 na kami nakarating sa church. Madami na ding tao at kulang na din yung mga silya. I'm currently looking for 2 seats na available when suddenly I saw him. Paulo.
"Uy good morning!" aniya saming dalawa.
"Pau! Akala ko nasa Manila ka pa?" gulat na tanong ni Juliet.
"Ah. Inayos ko kasi kaagad yung papers ko para makaabot ako dito sa worship. Alam mo na, matagal na hindi nakabisita." tumawa silang dalawa.
"Naghahanap ba kayo ng upuan? Meron pa namang bakante sa unahan. Kaso dalawa na nga lang." aniya sa'min.
"Go on Juls. Dito na lang ako sa likuran. Samahan mo si Paulo sa unahan." suhestiyon ko.
"Sure ka pre?" tanong ni Paulo.
"Yup. No worries." nginitian ko lang siya. Umupo ako sa natitirang upuan sa dulo while staring at them. Hawak ni Paulo ang baywang ni Juliet upang alalayan ito papunta sa upuan. Yumuko na lang ako.
1...2...3...4...5...6.... Bumuntong hininga ako. I need to push away this jealousy of mine. Ayokong pag-awayan namin ito ni Juliet.
Nagstart na yung worship. Nakinig akong mabuti and after that kumanta kami ng nga worship songs. And that's my favorite part.
11:00 na natapos and I need to go back home before sunset dahil madami pa akong aasikasuhin sa trabaho. I decided not to attend youth school today dahil maiipit ang oras ng byahe ko.
BINABASA MO ANG
Letters to Joshua
Romance"There's a man at the other side of the road. A broken man with a lost soul enticed by a lady with a spirit of a burning coal. There she is, the lady at the end of that road. A discreet lady who screams through her letters waiting for someone to rea...