KABANATA 24

43 4 0
                                    

What I Saw

I went home feeling numb from what happened. 4:00 na ako nakauwi sa bahay at wala pa namang tao doon bukod sa mga katulong. Pagkapasok ko ng kwarto ko ay agad kong tiningnan kung may nagtext sa cellphone. Pero wala. I felt the sudden urge of talking to her. Gusto ko siyang tawagan pero alam kong hindi niya naman ito sasagutin. Instead, I texted Brian na mag-inuman kami. Tinawagan niya ako at agad ko itong sinagot.

"Nakauwi ka na?"

"Yes. Sunduin mo ko dito. Mag-bar tayo my treat."

"Woah. Ikaw ba talaga yan? Parang nung last month lang ayaw mo na mag-bar tapos ngayon hayok na hayok ka?"

"Bilisan mo na." Ibinaba ko ang telepono at humiga sa kama ko.

Gusto ko na matulog pero gusto ko mag-inom. Gusto ko kalimutan ang lahat. Kinuha ko ang unan ko at hindi ko napansing may nakaipit pa lang envolope sa ilalim nito. Kinuha ko ito at tiningnan kung ano ang nasa loob.

It was a file containing information about the other Joshua. Including his location and other personal info. And his photo attached.

"Tang ina mo ka. Kasalanan mo lahat 'to. Hindi sana ako magkakaganito kung nandito ka gago ka." I cursed his picture many times.

Bumalikwas ako at nagtungo sa banyo. Tulala kong pinaandar ang shower at naligo ako. Nandun lang ako, nakatayo at nakatitig sa tiles na inaapakan ko. All of it just happened in just a snap. And it pierces me straight to my bones. At hindi ko alam kung alin ba ang mas masakit. Ang magsinungaling o ang sabihin ang totoo sa kanya.

"Osh?" kinatok ni Brian ang pinto ng banyo ko.

"Andito na ko, bilisan mo na diyan." sigaw niya.

Binilisan kong mag-shower at lumabas ako ng banyo na kalahati lang ng katawan kong ang natatakpan. Dumiretso ako sa cabinet ko at nakita kong nakahiga si Brian sa kama ko.

"How's your 3-day trip?" tanong niya sa'kin.

"Wala, nakakapagod lang."

"Di ka man lang magkwekwento? Hindi ka ba nagenjoy?"

"I already told her everything Bri. Kanina lang."

"Oh talaga?" Napabalikwas siya sa pagkakahiga niya.

"Oh anong nangyare? Sinampal ka ba? Sinigawan? Paano mo sinabi? Pinalayas ka ba?" tanong niya.

Ikinento ko sa kanya yung mga ginawa namin sa villa. All of it. Wala akong binawas sa kwento.

"Edi ang ending, tapos na 'to?"

"Yes. And I want to get rid of this unecessary feelings that I'm feeling. O sige na, mauna ka na sa labas. Magbibihis lang ako."

Hindi na siya sumagot pa at diretso siyang lumabas sa kwarto ko. Mabilis lang akong kumuha ng malinis na damit at sinuot ko ang mga iyon. I did not bring my cellphone with me just a few amount of money na ipanggagastos ko sa mga iinumin namin ni Bri.

Lumabas ako ng bahay at pinasabi ko sa katulong na baka late na ako makakauwi mamaya. Agad naman siyang tumango at tinalikuran ko na siya. Sumakay ako sa front seater ng kotse ni Bri.

Umubo siya na para bang sinasadya niya ito at sinabing "Sino kayang maglalasing sa dahil sa pagmamahal ngayon?" ngisi ngisi niyang pinaandar ang makina at umalis na kami.

Di ko siya pinansin. Wala ako sa wisyo ngayon. Gusto ko lang mag-inom at matulog pagka-uwi.

"You sure about this Osh? Pwede naman tayong mag-inuman sa bahay ko."

Letters to JoshuaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon