Calaruega
Ganadong inayos ni Brian ang console niya at sinalpak ang cd ng bago niyang laro.
"You ready?" mapamintas niyang tanong.
"Shut the fuck up."
Tumawa siya at saka istinart ang laro. I know I won't win. Ilang years na namin nilalaro 'tong larong to. Kapag may bagong version tinatawagan ako ni Brian para i-try namin. It's hopeless na mananalo pa ako ngayon.
"Come on Osh. That's all you've got? Talunin mo naman ako."
Napagdesisyunan naming 3 games lang tapos kapag natalo ako then the letter is his to keep. Pati na din yung ibang nasa akin. It's a good deal for me. I can get rid of Juliet any time soon by now. Wala na kong iintindihin pa.
Eventually, natalo nga ako. It's pass 10 in the evening kaya dito na muna ko magstestay kayna Brian pampalipas ng gabi para sabay na din kami bukas pumasok sa trabaho. I texted Hale I can't visit her tonight. Saktong dala ko na din naman yung mga gamit ko na ibabalik ko na sa apartment bukas kaya may damit na ako.
Kumain lang kami ni Bri pagkatapos namin maglaro at hanggang sa pagkain tinatawanan niya ko sa kagaguhang larong yon.
"Ambobo mo talaga Osh sa larong yon!" humahagalpak siya sa kakatawa.
"Pinabigyan lang kita. Asshole."
"Ilang years mo na ko pinagbibigyan gago. Tanga ka lang talaga." ngingisi ngisi siya habang kumakain.
"Shut up. Nakuha mo na gusto mo. Now eat."
Tumahimik siya at kinuha ang isang sobre sa may short niya. Inihagis niya ito sa mesa papunta sa'kin.
"It's yours Brian. You won the deal. Wala akong paki diyan."
"Go take it Osh. I'm not into her. Give Juliet a shot Osh."
"I don't know who's this Juliet and I just want to get rid of her. Okay? Let's stop this shit. Kung ayaw mo siyang sulatan, fine. I don't want to do it either. We even barely know her Bri."
"So anong balak mong gawin?"
"Ibalik natin to sa kanya. Ipadala natin pabalik. It's easy. Sabihin nating mali siya ng pinapadalhan. End of story."
"You sure about that?"
"Fuck yes."
"Okay. pagsamasamahin mo yung mga sulat bukas then ipadala natin sa susunod na araw."
Inayos ko ang mga sulat kinabukasan. Hindi ko na binasa yung huli niyang sulat. Sumunod na araw habang nagaayos ako papuntang trabaho may dumating na tao.
"Anong kailangan mo?" inis kong tanong sa nakapulang staff ng isang shipping company.
"Goodmorning sir. Kaya po ba si Sir Joshua?"
"Oo ako yon."
"May padala po kayo. Galing po sa-" sinabi niya ang address ng pinanggalingan at napamaang ako. Galing kay Juliet. Shit no.
Kinuha nung staff yung isang hugis parihabang bagay sa storage box sa dulo ng motor niya. Hugis frame ito sa labas pero hindi ko mahulaan kung ano talaga yung nasa loob. Inabot ito sa akin ng staff at saka pinapirma ako sa hawak niyang papel.
Agad akong pumasok sa loob. Umupo ako sa gilid ng kama ko at kinapa ang bawat sulok ng ipinadala ni Juliet. Shit. Alam ko kung ano ito.
Agad kong kinuha ang pinagsama-sama kong mga letra at binasa yung huling sulat ni Juliet.
BINABASA MO ANG
Letters to Joshua
Romance"There's a man at the other side of the road. A broken man with a lost soul enticed by a lady with a spirit of a burning coal. There she is, the lady at the end of that road. A discreet lady who screams through her letters waiting for someone to rea...