KABANATA 1

235 4 3
                                    

The Beginning of Everything

Damn. Ang init init na nga, napakabagal pa maglakad ng mga babaeng nasa harapan ko. Ano bang mga problema niyong mga babae bakit napakababagal niyo?

Magaalasdose na ng tanghali wala pa ko sa trabaho. Aalaskahin na naman ako ng kumag kong boss. Wala na ngang tulog tapos wala pang kain. Ako na ba talaga pinakamalas na lalaki sa lupa? Shit lang talaga.

"Wala na bang mas tatanghali pa sa pasok mo ha?" di ko pinansin yung pangdadakdak niya sa'kin. Sapakin ko pa siya pagkatapos kong tapusin 'tong hinayupak na paperworks na 'to eh.

Magaalasotso na ko nakauwi sa apartment ko. Ako lang mag-isa dito. Wag kang magalala, walang babaeng naghihintay pagkauwi ko. Kasi AYOKO SA BABAE. Mga demanding akala mo magaganda. No offense.
Ayoko lang talaga sa kanila. Allergic ako.

Pagkatapos kong kumain lumabas ako ng bahay para magpahangin sa labas. Sinindihan ko yung yosi ko. Pesteng buhay 'to kailan ba talaga ako yayaman?

Kailangang may mapatunayan ako bago ako umuwi.

Ayokong nakikita nila akong mahina. Kasi malakas naman talaga ako. Supalpal ko pa sa kanila pera nila eh. Kung pipili lang ako ng magulang, wala sila sa option ko. Ako pa ba? Joshua Creus Gomez? Kaya kong buhayin ang sarili ko.

Ila-lock ko na sana yung gate kaso may napansin akong nakasingit dito. Damn. Bill ng kuryente. Binuksan ko yung isa pang slip kasama ng bill.

Sulat. Naka-address dito sa tinutuluyan ko.

Binuksan ko yung sulat wondering sinong tangang magsusulat pa sa panahon ngayon. Mga jologs at corny.

Dear Joshua,

WTF? Binasa ko ulit yung panimulang bungad niya. Shit. Pangalan ko nga 'to.

Nakasimangot kong binalik yung sulat sa sobre nito. Baka stalker. Sayang sa oras kung babasahin ko pa. Mas uunahin ko pang bawiin yung tulog ko kesa sa sulat na 'to. Baka pag sinipag na lang ako.

Nakahiga na ko nung subukan kong buksan yung cellphone ko. Kanina pa 'to lowbat ngayon ko lang naisipang mag-charge.

Kuya how are you? Natanggap mo ba yung padala ko? I miss you.

Si Hale. Kung wala siguro siya patay na ko ngayon. Siya kasi nagpapadala sakin ng groceries ko every week. Ayoko pero nagpupumilit siya.
Dalawa lang kaming magkapatid ni Hale. She's the one who took care of me when I'm on my worst. Kaya mahal na mahal ko 'tong kapatid ko.

Magmamahal lang ako ng ibang babae kapag may humigit pa kay Hale. That's a rule I implied to myself.

Buti natitiis niya pang tumagal sa bahay ng parents namin. Pero ayus na din yun, malapit na naman siyang grumaduate eh.

Nireplayan ko lang siya bago ako matulog.
Sunday pala bukas. Uminom kaya ako?

I texted Brian na maginuman kami bukas. Pamihadong mabo-bored lang din siya kakaungkot sa kama niya para kalimutan yung ex niyang wala namang silbi.
A few moments later, napapayag ko ding siyang sumama sa'kin.
Ayos to. Beers and weekend.

"Putang ina pre. Minahal ko naman siya tapos makikita ko na lang siya may iba na kaagad kasama. Yung malala pa dun ang panget ng ipinalit niya sa'kin" mukhang tangang ngingisi-ngisi Brian habang tinutungga niya yung pangatlo niyang bote ng beer.

Masaya naman kasama 'tong si Brian. Madrama lang talaga kung minsan. Sa tingin niya guguho na yung mundo nung iniwan siya nung ex niya. Shit lang.

"Isa ka pa tangna mo ka. Brad 21 ka na. Manhid ka ba talaga ha Joshua?"

Letters to JoshuaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon