Someone
"Ganito ba nay?" tanong ko kay Nanay Cecil habang nagluluto kami ng caldereta.
"Pinuhin mo pa anak. Medyo malalaki pa iyan."
She's teaching me how to chop the ingredients at hindi naman pala ito masyadong mahirap. She have mastered this at nakakamangha siyang tingnan. Kakauwi ko lang mula sa trabaho but I can't feel any tiredness dahil okay na kami ni Juliet.
"Dapat ikaw yung cook sa kasal ko eh." pagbibiro ko sa kanya.
"Ay nako anak malabo iyon."
"Eh bakit naman?"
"Eh hindi ka naman magpapakasal. Bago ka pa makapag-asawa baka patay na ako."
"You really think I can't get a woman to stay with me forever?" tumawa kami.
"Masyado ka pang bata anak. Madami ka pang makikilala."
"But I don't want to meet anyone else nay. Juliet's enough. Hindi na kaya ng mga mata kong lumihis dahil nakatuon na ang mga ito sa kanya."
"Sigurado ka na ba sa kanya?"
"Yes." I answered firmly.
"Siya na ba dadalhin mo sa altar?"
Natigilan ako. Is she really the one? Is she really worth the bet? Is it worth it yielding my heart for a chance of a lifetime?
"Kung papayag ba siyang dalhin ko siya sa altar then why not. If ever she will give me her yes, ngayon pa lang aayusin ko na yung mga kailangan para sa kasal namin. That's not a problem for me nay."
"Eh hindi mo pa nga nililigawan, kasal ka na kaagad diyan."
"I can court her forever if she promised to tie the knot with me. Hindi ako magsasawang ligawan siya araw araw kapag pinakasalan na niya ako."
Maybe because if you're really caught in the act of loving someone, it will always be restless. Hindi ka magsasawang magmahal araw araw because you did choose loving someone who deserves to be loved.
And she is my someone.
"Kung anu ano talagang nagagawa sa'tin ng pagmamahal. Naku, pag natikman niya 'tong caldereta natin, baka mapa-oo mo iyon kaagad."
Nagtawanan kami. Sayang lang at wala ding pamilya si Nanay Cecil bukod sa amin. Hindi pa ako pinapanganak ay nandito na siya sa bahay. Hindi na siya nagkapamilya and obviously, imposible na din sa ngayon dahil matanda na siya. But I'm blessed having her as my second mother.
Tinikman ko ang nalutong caldereta at masarap nga ito. Magluluto ako ulit nito bago ako umalis sa weekend para baunin kayna Juliet. It was my first time cooking a real food. Prito lang kasi ang alam kong lutuin. But I tried my best. At alam kong magugustuhan niya ito.
I texted Brian to come join us to dinner. Pumayag naman siya. Di ko na rin siya masyadong nakakausap dahil busy na kaming pareho sa trabaho.
Inihain na namin ni Nanay Cecil ang caldereta sa mesa at hinayaan ko na silang mag-ayos ng mga plato doon. Dumiretso ako sa kwarto at nagpalit ng damit bago kumain.
I called Juliet before leaving my room."Hello Juls?"
"Hmm?"
"Where are you?"
"Nasa kwarto ko lang bakit?"
"What are you doing?"
"Just strumming my guitar. Kinausap kasi ako ni Pastor Ryan na tumugtog daw ako sa next worship eh. Pinapraktis ko lang kung kabisado ko pa ang chords."
BINABASA MO ANG
Letters to Joshua
Romance"There's a man at the other side of the road. A broken man with a lost soul enticed by a lady with a spirit of a burning coal. There she is, the lady at the end of that road. A discreet lady who screams through her letters waiting for someone to rea...