I Hope He didn't
"Okay ka lang?" tanong ni Brian habang nagdadrive kami pauwi.
"Yeah. I'm just exhausted." Maghahapon na kami nakaalis sa villa ni Juliet. Madami din siya pinadalang mga prutas dahil oras daw ng anihan sa kanila ngayon.
"Look Osh, okay lang yan. At least nakaamin ka na na hindi ikaw yung Joshua na gusto niya. And besides parang di naman nanampal yung ganoong itsura."
"I didn't tell her the truth Bri."
Itinigil niya ang kotse niyang nang biglaan. Muntik na sumalpok ang ulo ko sa harapan.
"What the fuck Bri! Alam mong hindi ako nakaseatbelt! Gago ka!"
"Gago ka din Osh! Anong kagaguhan to! Akala ko aaminin mo na! Putang ina naman. You should've tell her everything! Akala ko sinabi mo na Osh! Tang ina naman! Anong balak mong gawin ngayon! Bakit ba pinapatagal mo pa tong larong to! It's already over Osh!"
"It's not over unless nahanap na nating ang totoong Joshua."
"I'm tired of this shit Osh! Kung gusto mo ikaw na lang! I quit!"
Tumahimik siya. Nakatulala lang kaming dalawa sa harap ng baku-bakong daanan.
Lumabas ako ng kotse at umupo sa gilid nito. I litted my cigarette. Tinabihan ako ni Brian. I know he is really stressed about my situation."You can quit anytime Brian." ani ko.
"Hindi naman sa ganoon pre."
"No Brian. It's my problem. Hindi dapat kita dinamay dito."
"Hindi kita iiwan dito gago. We've been through any problems together pare. Malulusutan din natin to. C'mon tara na. Tumayo ka na diyan ubusin mo na yang yosi mo. We have other important things to do."
"Tulad ng ano?"
"Like finding your way out. Finding the real Joshua. Itetext ko si Tito Riel. As soon as nakauwi na tayo aasikasuhin ko na yun. Ipaparush ko. Now c'mon fix yourself."
Sumakay kami ng kotse and Brian continued driving. Biglang nagring ang cellphone ko.
"Hello Juliet?"
"Nasaan na kayo?"
"Medyo malayo layo na. Why?"
"Ingat kayo okay?"
"Ikaw din. Stay safe there."
"Will you comeback here?"
"Kapag may spare time ako. I will visit you okay? Pero ngayon you should take a rest."
"Sige. Text ka pag nakauwi ka na ha."
"Okay."
Binaba niya ang telepono.
"What did you tell her?" tanong ni Bri.
"Kanino?"
"Kay Juliet? Kanina nung nandun tayo?"
"I told her I will never leave her no matter what."
"Anong reaksyon mo nung bulag pala siya?"
"I was so nervous that time Bri. Pakiramdam ko any time soon sasampalin niya ko. But I never see that as a disadvantage. I never see her disability as a disadvantage. At least siya hindi niya na makikita kung gaano kagulo tong mundong to."
"Hindi ka na rin niya makikita."
"That's a good thing. No reason for her to remember the man who used to lie to her from the start."
Gabi na din ako nakarating sa bahay. I'm so tired that day kaya hindi na ako kumain at diretso na kong natulog pagkatapos kong magshower. Sunday ng umaga pero hindi naman ako nakareceive ng mga text o missed calls kay Juliet.
"Morning Julie. Sorry di ako nakatext last night sobrang pagod lang talaga."
Hinintay ko siyang magreply pero wala akong natanggap. Pagkatapos kong maligo ay tiningnan ko itong muli pero wala pa din.
"Uy Julie. Are you angry? I'm sorry."Tinawagan ko siya pero puro ring lang ang naririnig ko. Every minute I tried checking my phone. Makailang ulit na din akong nagtext at nagsorry but still there's no reply coming from her.
"Hijo kanina ka pang tingin nang tingin sa cellphone mo." ika ni lola habang nakain kami.
"Baka may girlfriend na." pang-aasar ni Hale.
"Shut up." mahinahon kong sagot.
"May girldfriend ka na? Bakit hindi ko alam yan!" ani ni lola habang nakain kami.
"Nako lola! Ang ganda ng pangalan Jul-"
Agad kong hinawakan ang bunganga ni Hale kahit na nanguya pa ito.
"Bitawan mo ko kuya!" ani ni Hale kahit na pinipigilan ko ang bibig niyang magsalita.
"Shut up or else." Binitawan ko siya.
Nagtawanan kami. The last time we have a moment like this eh noong huling punta niya dito 2 years ago. When she's here maganda ang ambiance sa bahay. She's easing the tension between me and my parents. Siya ang kakampi namin ni Hale sa lahat ng bagay. And that's why we really love her.
Pagkatapos kong kumain ay dumiretso akong muli sa kwarto. I'm trying to figure out kung bakit hindi nagrereply si Juliet o sumasagot man lang sa tawag ko. Maybe she's angry na hindi ako nakareply. O baka alam na niyang nagpapanggap lang ako.
Papikit na ko para matulog dahil magtatanghali na. Pero biglang tumawag si Juliet. Agad kong kinuha ang cellphone ko at sinagot ang tawag niya.
"Uy Julie! Sorry. Sorry."
Tumawa siya sa kabilang linya.
"What are you sorry for?"
"Kasi hindi ako nakatext sayo kahapon."
"Haha. Loko ka talaga. It's okay. Sorry kung hindi din ako nakareply kanina because I'm attending church. Ikaw nakapagsimba ka na ba?"
Hindi ako nakasagot. Since when pa ba ako nagsimba? Since Denelle left me. When she died I tried praying and praying na sana mabuhay pa siya na sana nandito pa siya. But God never do it. He never granted my prayer. Minsan lang naman ako humingi sa kanya but he refused to give me a chance. Since then kinalimutan ko na din siya kasabay ng paglimot ko sa pagkamatay ni Den.
"You still there?" tanong niya.
"Yup."
"Oh ano nakasimba ka na ba"
"No."
"Bakit? It's Sunday today Creus."
"Then?"
"Then you should thank Him for another week and for the past week that He have given you. For another week of life."
And I hope he didn't give it. Sana pinatay niya na lang din ako.
"Alam mo next time na pumunta ka dito sasama kita sa church ko! Sana makapunta ka ng Sunday ng umaga. Ipapakilala kita sa churchmates ko. Okay lang ba sayo yon? You will enjoy it Creus! I promise!"
"Hmm. Sige pagiisipan ko."
"Please. Wag mo na pagisipan. Promise masaya to!"
And like what I said, no one can ever say no to her. And I said yes. Though my mind and heart doesn't want to.
BINABASA MO ANG
Letters to Joshua
Romance"There's a man at the other side of the road. A broken man with a lost soul enticed by a lady with a spirit of a burning coal. There she is, the lady at the end of that road. A discreet lady who screams through her letters waiting for someone to rea...