KABANATA 13

40 3 0
                                    

What I Want

"Why Creus? :)"

Nabasa ko ang text ni Juliet pagkatapos kong maligo. What was I thinking? Bakit nga ba Creus ang sinabi ko?

Because I want my own identity. I don't want to be the Joshua that I'm pretending to be. I'm not a fucking substitute.

"That's my second name." reply ko.

Nagbihis na ko dahil malelate na ko sa trabaho. Tinext ko si Brian na daanan ako sa apartment para makasabay na ko.

"That's a good name. :) How old are you again?"

"21."

"Ang tipid mo naman magtext."

"Sorry. I don't have anything else to say. Ikaw ilang taon ka nga ulit?"

"Ako? 21. Ang husky ng boses mo kanina. Parang di ganun boses mo nung una tayong nagkita."

"Talaga? May ubo kasi ako ngayon. Baka nakaapekto."

"You should take medicines."

"I don't usually take medications Julie. Kusang gagaling 'to. Anyway, what's your work again?"

"That's weird, ikaw lang kilala kong ganyan. May ari kami ng farm dito. Maliit lang naman. Nagtatanim ako, nagdidilig, kung ano lang yung kaya ko. Kung gusto mo bumisita sabihan mo lang ako. We will accomodate you. :)"

"I hope so. Kapag wala din akong trabaho."

"Sana makapunta ka na mas maaga."

"Bakit?"

"Para mailibot kita."

"Sasabihan kita kung pwede ako okay? :) We should be working by now. I'll talk to you later."

"Sige. :)"

"I have something else to say."

"Ano yun?"

"You have a soft voice. Goodmorning. Bye."

Agad kong nilagay ang cellphone sa bulsa ng jeans ko. I hope she won't reply to that stupid text. Gago. Ano bang nasa isip ko?

Bumusina si Brian sa tapat ng gate kaya lumabas na ko ng apartment. Ni-lock ko ito at agad akong sumakay sa sasakyan niya.

"O bakit ka namumula?" nakakunot na tanong ni Brian.

"Sino?"

"Ikaw gago. Sino pa ba?!"

"Ako namumula?" tiningnan ko ang mukha ko sa rearview mirror ng kotse niya.

Namumula nga ako. Fuck.

"Gago di ako namumula. Ganito talaga mukha ko."

"My ass Osh. Gago sakin ka pa nagsinungaling."

"Wala lang 'to. Mag-drive ka na late na tayo."

"Is that because of Juliet? May dumating bang sulat? C'mon spill it out." pangaasar niya habang pinaandar yung makina.

"Fuck no. Will you please shut up? Nagiinit ulo ko sayo."

"Baka mamaya pinagpalit mo na pala si Denelle." ngingisi ngisi siya habang nagdadrive.

"That will never happen Bri. Denelle and Juliet? Ang layo nila sa isa't isa. All I want is her paintings. Wala na kong ibang gusto. If you think na may gusto ako sa kanya then the answer is no. Wala Brian."

"Fine. If you say so." sabi niya na may halong ngisi at pangaasar.

"Shut up."

"Pero Osh. Tandaan mo, we're just playing this game. Don't get too attached."

Letters to JoshuaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon