"Mayor Valdez pinagkatiwalaan kayo ng taong bayan, gawin naman po ninyo ang inyong mga pinangako at wag ninyong lustayin ang pera ng mga mamayan para sa inyong pansariling kapakanan, mahiya naman po kayo. Ito po si Adeline Daza ang kakampi ng masa, tinig ng mamayan laban sa mga tiwaling nasa pamahalaan."
"Cut, good take, Adel," sigaw ng derektor ng TV program na Tinig ng Bayan, na si Adeline Daza ang host.
Tinanggal ni Adel ang kanyang lapel mike at inayos ang mga papel na nasa kanyang harapan.
"That was another deadly episode, tiyak na may madadagdag na naman sa listahan ng mga kaaway mo." sabi ng kanyang deriktor na si Paulo, na papalapit sa kanya habang tinatanggal ang headset nito.
"That's for sure, actually puno na nga yung listahan ko kaya gumagawa na ako ng bago." pagbibiro ni Adel.
"Hindi ko alam kung saan ka kumukuha ng ganyan kalaking tapang upang harapin ang mga death treat mo."
"I think hindi lang ako takot mamatay, wala naman kasi akong maiiwang pamilya na iiyak at malulungkot kapag namatay ako." naka ngiting sabi ni Adel.
"At papano naman ako,"
Magkasabay na napatingin sina Adel at Paulo sa nagsalita na lalaki na kapapasok lang sa studio, may dala itong bouquet of flower.
"oh si James bond nandiyan na." sabi ni Paulo.
"Hi bro..." bati nito kay Paulo na tumango lang.
"For you Adel." at iniabot nito kay Adel ang bulaklak.
" Hindi ka ba nagsasawa sa pagbibigay ng bulaklak sa akin ha James," sabi ni Adel habang kinukuha ang bulaklak.
"Never, "
" Pakasalan mo na kasi yan tol."
" Kasal agad, di ba pweding sagutin nya na muna ako at maging girlfriend ko sya bago ang kasalan." sagot ni James.
" Sus sa trabaho nyong dalawa, kailangan nyong samantalahin ang bawat sandali na nabubuhay pa kayo sa mundo, isang matinik na NBI agent at isang matapang na TV and radio commentator, pareho lang kayong nasa hukay na ang isang paa."
"exactly, yan ang dahilan kung bakit ayaw kong magkaroon ng iba pang commitment sa buhay, okey na ako sa solong buhay."
" oww sakit naman nyan, " sabi ni James.
" huh...hindi ka pa ba nasasanay jan...aba eh...arawaraw ka yatang binabasted ni Adel ah."
" heh...kaibigan ba talaga kita, sa halip na tulungan mo ako dito kay Adel ikaw pa tong nangaasar."
" kaibigan nga kita kaya ko sinasabi sayo na tigilan mo na yan si Adel, dahil taong bato yan, kung kami nga na halos arawaraw magkasama nyan minsan 24/7 pa, pero ni minsan hindi man lang napansin nyan ang kagwapohan ko, nagsawa na lang ako sa pagpapapansin sa kanya kaya naghanap na lang ako ng iba."
" magkaiba tayo bro, hindi ako madaling sumuko, lalo na pag mahal ko."
"hello...nandito po ako, kung pagusapan naman ninyo ako, ay parang wala ako rito." sabi ni Adel.
" nandiyan ka man o wala pareho lang din, wala ka namang pakialam sa pinaguusapan namin, hindi ba.?"
" heh....umuwi ka na nga Pau, at baka hinihintay ka na ng mahal mong asawa."
BINABASA MO ANG
THE GOVERNOR
Romance" adventurous woman." " sabi nga nila, but personally i don't like adventure, what i really want is to be useful in any possible way i can." " then why not become a public servant a government official." " no offense pero mas gugustohin ko pang magi...