CHAPTER 26

49.1K 1K 14
                                    

?AN/ to @NickTagomata, @RoseannManangan, @shireenbae, >>> thanks po sa mga encouraging words....


Ang buong linggo sa isla kasama si Harris ay nakapakaligaya para kay adel, walang iniisip na trabaho, walang inaalalang problema. pakiramdam nya ay wala ng kulang sa buhay nya, wala na syang mahihiling pa. Napakabuti at mapagmahal na asawa ni Harris. Pinagsilbihan sya nito inalagaan at walang oras na hindi nito ipinadama ang labis na pagmamahal nito sa kanya.

Subalit hindi sila pweding manatili sila sa lugar na yun, kailangan nilang harapin ang buhay nila sa labas ng isla, kailangan nilang harapin ang realidad ng.

"Sweetheart hindi ba talaga pweding magpaiwan ka muna dito, mas ligtas ka rito, babalik din naman ako bukas ng hapon, may kailangan lang akong personal na asikasohin sa kapitolyo."

"H... Pareho lang tayong may mga trabahonna kailangan  nating personal na asikasohin.... Tinawagan ko na si James, okey na daw ang lahat. Kaya wala ka ng dapat ipagalala."

"Hindi mo maiaalis sa akin ang magalala Adel... Alam mo na kapag umalis ka sa islang ito ay hindi na kita mababantayan ng personal malayo ang Maynila sa probinsya at mahirap yun para sa akin."

"Bago pa tayo umabot dito, bago pa tayo naging magasawa, yun na ang sitwasyon natin at sa trabaho ko at sa trabaho mo wala tayong magagawa para bagohin yun.... Kaya mas makabubuti kung sasanayin na lang natin ang mga sarili natin sa ganitong setup. Weekday sa probinsiya ka at sa maynila ako, pero pag weekends dito tayo sa isla."

"Hindi ba talaga pweding magsama tayo araw araw.?" Hirit ni Harris.

"Hello... 12 hours by land at 1hour by air ang pagitan ng probinsya mo at ng Maynila, at kahit sabihin pa na may pagaari tayong eroplano at may pera kang pampamasahe araw araw hindi pa rin posible yun kasi walang pinipiling oras ang mga trabaho natin, kaya maging masaya na lang tayo sa dalawang araw sa isang linggo na magkasama tayo."

"Ang hirap nito.... "

"H.... Kaya natin to okey... Sanayan lang yan."

Niyakap ni Harris ng mahigpit si Adel.
Napabuntong hininga na lang ito tanda ng pagsuko.

"Magiingat ka lagi, wag kang lalabas ng walang kasamang security, yung sasakyan ko na bullet proof ang lagi mong gagamitin at tiyakin mong na check muna ng K9 ang sasakyan mo bago ka sumakay doon."

"Hala ang OA naman nun."

"Ngayon lang to adel... Habang hindi pa nahuhuli ang utak sa tangkang pagpatay sayo.... At susundin mo ang gusto ko kung ayaw mong mag resign ako pagka governador at bantayan na lang kita 24/7."

"Oo na... Oo na... Daig ko pa ang presidente ng bansa nito."

"Anong silbi ng pagiging may ari ko ng  pinaka mahusay na training camp para sa mga special force at security kung hindi ko magagawang bigyan ng pinakamahusay na security ang asawa ko. Kaya hayaan mo akong gawin to."

"Oo na nga po... So pano balik na tayo sa realidad."

Paglapag pa lang ng chopper nila sa villamor airbase ay kaliwat kanan na ang security escort nila at kasama pa roon ang K9 na personal na alaga ni Harris.

Nakakapanibago ang routine ng buhay ni adel pero tinanggap nya iyon ng buong puso para sa ikatatahimik ng kalooban ng asawa nya.

Lumipas ang isang buwan kinasanayan na nila ang setup nila ni Harris, Monday to Friday sa mga trabaho nila at ang sabado at linggo para naman sa kanila.


Last day ng filling ng certificate of candidacy, panay ang tawag ni Adel sa secretary ni Harris kung nag file na ba ito.

THE GOVERNORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon