CHAPTER 18

51K 1.2K 14
                                    


Past 10 in the evening na ng ihatid ni harris si adel sa bahay nito, pero ayaw pa rin nilang pakawalan ang isat isat isa, magkayakap na nakaupo sila sa sofa sa sala nagkakape habang nanonood ng tv, pero sa totoo lang ay wala naman sa tv ang kanilang atensiyon.

" hmm...pwede bang tawagin na rin kitang H....ang haba kasi ng harris." sabi ni adel.

" bahala ka, pero mas gusto ko sana kung babes or love pwede ring honey para sweet."

" ayaw ko nyan para tayong mga bata, H na lang para cute."

" sigi na nga...basta ako tatawagin kita ng kahit anong adjective na maisip ko." sabi ni harris.

" okey basta ako lang ang makaririnig ha, nakakahiya kasi kung may ibang taong makaririnig."

" bakit totoo naman yung mga tawag ko sayo ah...your hot, gourgeous, sexy, beautiful ano pa ba..."

" hey stop it nagtatayuan ang balahibo ko sayo."

" bakit ba masyado mong minamaliit ang sarili mo ngayon, hindi ka naman ganyan dati, noong high school tayo lagi mong pinapakita kung gaano ka kaganda, at naapreciate mo kapag sinasabihan kang maganda."

" its all bacause of you. alam mo ba na ikaw ang ultimate crush ko noon, kaya ako nagpapaganda noon ay dahil sayo, "

" really..." nanlaki ang mga mata ni harris sa sinabi ni adel.

" yes...panay ang pa cute ko sayo noon pero wala hindi mo ako pinapansin."

" tAlagA...! ibig sabihin all those time na pilit kong tinatago ang feelings ko para sayo ay pareho namAn pala tayo ng naraRamdaman, wow..ang lupit mo naman kapalaran, ang dami kong nasuntok na mga nagbabalak manligaw sayo noon para lang makasiguro akong hindi ka mapupunta sa iba yun pala akin ka naman talaga"

" thats it...so totoo pala na binobogbog mo lahat ng nagbabalak manligaw sa akin, alAm mo bang isa yan sa mga dahilan kung bakit bumaba ang confidence level ko, kasi feeling ko noon ang pangit pangit ko, kasi hindi mo na nga ako pinapansin wala pang nanliligaw sa akin."

" i' m so sorry for that...hindi ko alam na ganun pala ang naging epekto noon sayo, sorry.." at hinalikan nito sa noo si adel.

" okey na ako ngayon...right now feeling ko ako ang pinakamagandang babae sa mundo dahil isang governor harriss fuentes ang boyfriend ko."

" at ako naman ang pinaka maswerteng nilalang sa mundo dahil gilfriend na kita...and this time its for real, love you so much."

" love you too."

Biglang natigil ang paglalambingan nila ng makita nila ang ibinabalita sa tv, naka flash sa screen ang latawan nila ni harris habang nagsasalita ang news anchor.

" governor harriss fuentes at adeline daza madalas makitang magkasama, marami tuloy ang nagtatanong kung sila na nga ba, kung totoong may relasyon na nga ang dalawa ay malaki ang maitutulong ng popolaridad ni adeline daza para manalo si fuentes sa susunod na halalan lalo nat sinasabing may balak tumakbong senador ang youngest governor ng pilipinas. "

pinatay ni adel ang tv at hindi na tinapos ang balita.

" ang hirap ng ganito, mas sanay akong ako nagbabalita at hindi ako ang ibinabalita, ano bang pwede nating gawin sa isyung ito.?" tanong ni adel kay harris, habang nakasandal ang ulo nya sa balikat nito.

" ayaw kong madamay ka sa gulo ng pulitika ikaw mismo alam mo kung gaano ito karumi kahit ako ayaw ko ng larong ito pero marami pa akong gustong gawin sa probensiya natin, marami pa akong gustong tulungan na mga kababayan natin, gusto kong maiangat ang pamumhay nila, at magagawa ko lang yun kung patuloy akong maglalaro ng larong ito." hinawakan ni harris ang kamay n adel at hinaplos haplos iyon.

THE GOVERNORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon