Napahawak si adel sa ulo nya pakiramdam nya kasi ay biglang kumirot iyon.
" are you okey?."
nagulat si adel ng biglang magsalita ang katabi nya, nilingon nya ito biglang kumabog ang dibdib nya ng magtama ang mga mata nila, hindi maalis ni adel sa mukha ng lalaki ang paningin niya gayun din naman ang lalaki titig din ito sa kanya ilang segundo rin silang nagtitigan, si adel ang unang nakabawi, umiwas sya ng tingin pero mabilis pa rin ang kabog ng dibdib nya, pumikit sya upang pakalmahin ang sarili.
"miss nahihilo ka ba,?" tanong uli nito kay adel.
sa halip na kumalma ay lalong lumakas ang kabog ng dibdib ni adel ng muling marinig ang boses ng lalaki, kaya umiling na lamang sya upang sagutin ang tanong nito. Lihim na nagpasalamat si adel na hindi sya nito nakilala.
" Hay salamat naman, hindi ko kasi gusto ang amoy ng suka."
Biglang napadilat si adel ng marinig ang sinabi ng katabi,
" Dont worry sir sanay akong sumakay ng bus, hindi kita susukahan, medyo sumakit lang kasi ang ulo ko..... " sabi ni adel at saka nilingon ang katabi.
"dahil sa mga taong katulad mo." pabulong na sabi nya .
Bigla ring lumingon si gob kaya muli na namang nagtama ang paningin nila, pero mabilis na umiwas ng tingin si adel.
" why me..?"
sa halip na sumagot ay tumagilid na lamang si adel, paharap sa bintana,
" I'm sorry kung nakaabala ako kanina kinakailangan ko kasing umiwas sa mga taga media kaya medyo natagalan ako, "
Hindi kumibo si Adel, kahit naintriga sya doon sa sinabi nito na kailangan nyang umiwas sa media, isa kasi syang taga media at ang mga katulad niya ay hinahabol ang mga taong may kinsasangkutang malalaking isyu, at sa pagkakaalam nya ay wala namang gobernor harris fuentes na nasa spotlight ng media ngayon, not unless ngayong araw lang lumabas ang isyu, hindi pa kasi sya nakakapagcheck ng internet ngayong araw.
Agad nyang inilabas ang kanyang iphone 6 at agad nag google itinype nya ang gobermor harris fuentes at click < gobernor Harris Fuentes ang tinaguriang youngest governor ng pilipinas, may nabuntis na isang menor de edad na babae.>
" hindi totoo yan." sabi ni gov.
bigla nilingon ni adel ang katabi.
" excuse me..?" tanong niya rito.
" sabi ko hindi totoo yang binabasa mo sa internet."
biglang itinaob ni adel ang celfone nya.
" you know that it is not right to look at somebodys phone."
" sorry."
nag logout na si adel at ibabalik na sana nya sa bag ang kanyang celfone ng biglang magring iyon, si james ang tumatawag.
" hello 007.. "
" mas magaling ako kay james bond okey, "sagot ni james.
" whatever...bakit ka napatawag.."
" wala lang, just checking on you. okey ka lang ba.?"
" james ano ka ba...i'm fine okey dont worry about me, tatawagan na lang kita kapag nakarating ako ng sa destinasyon ko."
" hihintayin ko yan, bye the way tumawag lang ako kasi alam ko hindi mo pa binabasa ang manual nyang relo ibibigay ko na sayo ang basic function nyan, yang lower button sa left side ay pang emegency use mo yan, kapag nasa panganib ka pindotin mo lang yan, may gps yan, at audio video transmitter na nakakabit sa system ng nbi at sa akin, automatic pag pinindot mo yan ay gagana ang audio and video nyan at makikita ko ang nangyayari sayo kaya agad akong mAkakagawA or ang nbi ng paraan para matulungan ka." paliwanag ni james.
" James i dont need this."
" adel, youre not listening, ang sabi ko in case of emergency, pag alam mong kaya mo pang ihAndle ang sitwasyon di wag mong gamitin, and besides mapapakinabangan mo yan sa trabaho mo dahil may audio video recorder din yan at camera na pwede mong gamitin sa mga documentation mo, parang spy cameRa lang."
" hmmm...sound interesting."
" sabi ko naman sayo eh."
" okey sige na babasahin ko na lang yung manual."
" good...sige remember to call me kapag nakarating ka na."
" yah....bye james."
Dalawang oras pa lang tumatAkbo ang bus mahigit walong oras pa bago sya makarating ng probensiya, mahabahabang oras pa yun parA maihanda nya ang sarili sa muling pag apak sa kanyang bayang pinagmulan, its been 10 years mula ng umalis sya roon at kahit minsan ay hindi na sya bumalik pa roon, ayaw nya na kasing balikan ang lugar kung saan maagang tinapos ang buhay ng kanyang mga magulang ng mga taong hanggang ngayon ay hindi nya pa alam kung sino at ano ang dahilan at pinatay sila ng ganun na lang.
Napakabuting tao ng kanyang mga magulang, napakaraming tao silang natulungan, at kahit minsan ay hindi sila humingi ng kapalit. Hindi man sila mga pulitikong tao ay marami silang nagawa para sa kanilang bayan, mga paaralan, hospital at pabahay para sa mga mahihirap.
Yes kalahati ng kita ng kanilang kompanya here and abroad ay napupunta sa mga charity program ng kanyang mga magulang, at hanggang ngayon ay nagpapatuloy iyon dahil yun ang order na ibinigay niya sa tito Carlos niya ang ipagpatuloy ang nasimulan ng kanyang mga magulang.
Mahigit sampung taon na rin syang naghahanap ng katarungan para sa kanyang mga magulang pero hanggang ngayon ay mailap pa rin ito sa kanya, kaya nga sya nag abogado ay dahil sa kagustohang mabigyan ng katarungan ang mga magulang pinasok nya na rin ang NBI upang magkaroon ng access sa kaso, pero wala pa ring nangyayari, ganun nga siguro kabagal ang justice system ng pilipinas.Kaya nga ang galit nya sa gobyerno ay dinadaan nya na lang sa programa nya.
At ngayon nga ay babalik sya at hindi nya alam kung papano haharapin ang mga alaalA na iniwan ng kanyang mga magulang.
Binalot ng lungkot ang puso ni adel lungkot na mahabang panahon nya ng nilalabanan, malungkot mabuhay magisa napakalungkot, hindi namalayan ni adel na nakatulogan nya na ang pagiisip ay hindi nya rin namalayan na may tumulong luha sa kanyang mga mata habang natutulog at nakita iyon ni governor Harris Fuentes at automatikong pinunas nya iyon ng kanyang daliri at kinabig ang ulo ni adel papunta sa kanyang balikat.
Unti unting nagkamalay ang diwa ni adel naramdaman nya ang mahinang paguga hindi pa nagrerehistro sa utak nya kung nasaan sya may naramdaman syang matigas na bagay sa tagilirang bahagi ng kanyang ulo, may naamoy rin syang kakaibang bango na tila nakayakap sa kanya.
Unti unti nyang iminulat ang kanyang mata hindi pamilyar sa kanya ang lugar kaya napaisip sya at noon nya lang naalala na nasa bus pala sya, at nakatulog sya at nakasandal ang ulo nya sa balikat ng katabi nya na si governor Fuentes dahandahan nyang inalis ang ulo nya sa balikat ng lalaki at nilingon nya ito, nakita nyang tulog din ito, wala na itong suot na jacket naka white tshirt na lang at mukhang nilalamig na dahil naka cross arms na ito.
Inilipat ni adel ang sarili sa may bintana palayo sa lalaki, nakaramdam sya ng hiya ginawa nya kasi itong unan samantalang tinataraytarayan nya ito kanina.
Napansin nya ang jacket na nakatakip sa kanya...hindi sa kanya yun hindi naman kasi sya nagdala ng jacket nakalimutan nya. kulay itim ang jacket at ito lang namang katabi nya ang nakita nyang may suot na itim na jackelt kanina at kaya pala may naaamoy syang mabango mula pala iyon sa jacket.
Nakonsensiya bigla si adel napasarap kasi ang tulog nya dahil hindi sya nilamig, dahil sa jacket na yun samantalang ang tunay na may ari ay nakahalukipkip dahil sa lamig. hindi alam ni Adel kung papano iyon ibabalik sa lalaki , ayaw nya naman itong gisingin, kaya ipinatong na lamang iyon sa tabi nito sa espasyo sa pagitan nila.
"gamitin mo na muna yan." biglang nagsalita si gov, hindi naman pala ito tulog.
" okey lang ako, salamat and sorry nakatulog ako, sana ginising mo ako para hindi naman ako naka istorbo sayo."
" wala yun, mukha kasing pagod na pagod ka kaya hinayaan na lang kita."
" tnx." yun na lang ang sinabi ni adel at muli na syang humarap sa bintAna. ayaw nyang maging bastos, pero may kakaiba kasi syAng nararamdaman sa tuwing nakikipagusap sya sa lalaki, hindi nya maipaliwanag kung ano yun dahil hindi pamilyar sa kanya ang pakiramdam na yun.
BINABASA MO ANG
THE GOVERNOR
Romance" adventurous woman." " sabi nga nila, but personally i don't like adventure, what i really want is to be useful in any possible way i can." " then why not become a public servant a government official." " no offense pero mas gugustohin ko pang magi...