CHAPTER 36

50.3K 1.3K 90
                                    

Ng makaipon ng sapat na lakas ng loob ay muling nagsalita si Harris.

"Mga minamahal kong kababayn...ito po ang kaunaunahang pagkakataon na magsasalita ako tungkol sa personal na buhay ko, I maybe a public servant but my personal life is known to no one, ni minsan po ay hindi ako nagsalita ng tungkol sa personal na buhay ko, maraming mga isyu ang lumabas tungkol sa buhay ko lalo na sa usaping relasyon, marami kayong mga babaing nakilala na sinasabing mga naging karelasyon ko, wala pa akong itinangi pero wala rin po akong inamin yun ay kadahilanang gusto kong maging pribado ang parteng yun ng buhay ko... pero ngayon ko po sasabihin sa inyo na ni minsan po ay hindi ako nagkaroon ng karelasyon sa sinoman sa mga babaing naugnay sa akin...why..? its because my heart belongs to only one."

Lumakas ang bulong bulongan ng mga tao.

"This woman is my Classmates in High School.... Una ko pa lang syang nakita sinabi ko na sa sarili ko na sya ang babaing gusto kong makasama habang buhay... alam ko hong suntok sa buwan yun kasi mula kami sa magkabilang dulo ng mundo...pero sa puso ko patuloy akong umasa na mabibigyan kami ng pagkakataon pagdating ng tamang panahon..... then things happen nagkalayo kami na hindi ko nasasabi sa kanya ang tunay na damdamin ko para sa kanya but i never lost hope... ten years had passed pero nanatili sya sa puso ko... hindi po ako nakipagrelasyon sa ibang babae kasi lolokohin ko lang sila at ang sarili ko.... hindi ako pweding makiparelasyon sa iba kung may nagmay aari na ng puso ko."

Marami ang kinilig sa kwento ni Harris... pero si Harris mula sa puso ang mga sinasabi nya.

"Then one day nagkita kaming muli sa hindi gaanong kagandahang pagkakataon.... Pero mabait sa akin Ng Diyos...Binigyan nya ako ng pagkakataong mapalapit sa babaing pinakamamahal ko.... mahirap pero pinilit kong abutin sya... ang daming hadlang pero hindi ako nagpatalo hanggang sa namalayan ko na lang kami na at nalaman ko mula sa kanya na pareho pala kami ng damdamin since high school... ang lupit ng kapalaran no... "

Nagtawanan ang mga tao.

"Ngunit sadyang ayaw sumang ayon sa amin ang mundo Almost two months ago, nangyari ang pinakanakakatakot na pangyayari sa buhay ko, yun ay ng may magtangka sa buhay ng babaing pinakamamahal ko... Naalala siguro nyo yung pangyayaring bigla akong nagwalk out habang nag dedeliver ako ng speech sa graduation ceremony sa isang school sa isang bayan... Nagsasalita ako noon ng binulungan ako ng secretary ko na pinasabog daw ang kotse ng girlfriend ko....iniwan ko ng walang paalam ang napakaraming magaaral at magulang na nakikinig sa speech ko para lang pumunta ng Maynila at makita sya.... For the first time in my three years as governor iniwan ko kayo para sa isang babae."

Nagpalakpakan ang mga tao ang iba natawa.

"At ng makita ko syang ligtas ay ganun na lamang ang pasasalamat ko... But then i realized hindi ko hawak ang bukas, pweding mangyari ang hindi inaasahan sa isang kisap mata lang, na bukas makalawa pweding mawala sayo ang mga taong mahal mo. At hindi ako makapapayag na mangyari yun. On the same day i propose to her and the next day ikinasal kami"

Nagkaingay ang mga tao lahat ay hindi makapaniwala umugong ang bulong bulongan.

"And that's the happiest moment of my life." Pagpapatuloy ni Harris.

Ng marinig yun ng mga tao ay malakas silang nagpalakpakan na tila ba masayang masaya rin sila para sa governador nila.

"And for one week nawala ako nobody knows kung nasaan ako... Syempre nag honeymoon din naman kami..."

Nagtawanan ang mga tao sa pagbibiro nya at nagpalakpakan.

"And that's the second time na iniwan ko kayo para sa kanya....Pero pinanatili ho naming lihim ang tungkol doon kasi gusto kong lumaban ng patas ayaw kong isipin ng lahat na ginagamit ko si Adeline Daza para sa aking ambisyong politikal.... But Then lumabas na nga ang maraming hindi magagandang isyu tungkol sa amin.... Wala akong sinabi kahit ano pinili naming manahimik... Pero determinado ang kalaban na pabagaakin ako, using my only weakness and strength....my wife... Okey lang sana kung ako lang o ang pamilya ko ang tinitira nila ang sinisira nila kaya ko yun... Pero ang idamay nila si Adel... Ibang usapan na yun... Kaya nagpasya na akong wag tumakbo bilang governador dahil ayaw kong madamay sya sa gulo ng mundong meron ako... Subalit alam ng asawa ko kung gaano ko kayo kamahal... Kung gaano ko kagustong paglingkuran kayo... Last minute ng filling ng certificate of candidacy sumugod sya sa opisina ko... Myembro ho ng NBI ang asawa ko pero hindi sya nagdadala ng baril at salamat na lang kasi... Kulang na lang ay totokan nya ako ng baril sa ulo....she literally drag me to comelec office para mag file ng certificate of candidacy as governor."

Isang masigabong palakpakan ang pumailanlang na may kasama pang hiyawan.

"Ang asawa ko ho ang pumilit sa akin na tumakbo ako ngayon kasi alam nya kung gaano ko kayo kamahal at kung gaano ko kagustong paglingkuran kayo." Malakas na sabi ni Harris na muling umani ng masigabong palakpakan.

"Pero alam nyo naman siguro kung gaano karumi ang labanang pulitikal sa ating bansa at alam nyo kung anong klasing kalaban ang kalaban ko ngayon... Gumagawa at gumagawa sila ng para sirain kami ako at ang asawa ko. But my wife stays strong for me.... But two weeks ago naganap ang pinakamalaking bangongot sa buhay ko sa buhay namin..."

Gumargal ang tinig ni Harris halata ang pinipigil na emosyon.

Natahimik ang lahat. Dama nila ang bigat ng kalooban ng Governador.

"Two weeks ago we lost our child." May pumatak na isang bitil ng luha sa mga mata ni Harris na agad nyang pinunas ng palad nya.

"I'm sorry... Alam ko na bilang governador hindi nyo ako dapat kakitaan ng kahinaan... Pero ang nagyari sa anak namin ang pinakamatinding pagsubok sa katatagan ko... Sinusubukan kong magpakatatag para sa inyo para sa asawa ko pero tao lang ho ako, napakasakit para sakin na mawala ang anak ko dahil lang sa ginusto ng asawa ko na protektahan ako alam nya na oras na malaman ko na ang emotional stress na ibinibigay sa kanya ng mga isyu at balita na ibinabato nila sa akin ay makakasama sa kanya at sa anak namin igigive up ko kayo at mas pipiliin ko sila ng anak ko, kaya inilihim nya yun sa akin dahil gusto nya  na hindi ko isuko ang kagustohan kong paglingkuran kayo. Ipinakipagsapalaran ng asawa ko ang buhay nya ang buhay ng anak ko para lang ipagpatuloy ko ang kagustohan kong paglikuran kayo... I just lost my child because of this fight... And its enough... Tama ng nawalan ako ng anak, hindi ko na kakayanin na mawalan ng asawa,... So my people... Mahal na mahal ko po kayo... And God knows kung gaano ko kagustong pagsilbihan kayo... But my wife needs me... Nagsakripisyo na sya para sa akin hayaan nyo naman sana akong mag sakripisyo rin para sa kanya... "

Isang nakabibinging katahimikan ang lumukob sa buong sports complex.

bago muling nagsalita si harris.

"Mga kababayan ko sa ikatlong pagkakataon iiwan ko po kayo para sa pamilya ko at para sa asawa ko at sana mapatawad nyo ako sa gagawin kong ito...."

Biglang nagkagulo ang mga tao... Lahat naghiyawan... May umiiyak may nagmamakaawa na wag silang iwan ng governador nila... Nakapangingilabot ang emosyong lumukob sa lahat ng mga naroroon ang iyakan ng mga tao ay nakakadurog ng puso mahal nila ang governador nila Hindi nila matanggap ang Desisyon ng gobernador nila.

"Patawarin nyo po ako... napakahirap din nito para sa akin, pero kailangan kong mamili."


/AN/Whew....hirap gumawa ng speech..sana nagustohan nyo dumugo utak ko dito.... hahaha....break po muna...mamaya naman ang sunod na update./

THE GOVERNORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon