/AN/ Updatde po uli ako, kasi ang daming silent readers na patuloy na sumusuporta sa akin... A hundred reads per hour is enough para ma inspire ako na magsulat ng magsulat kasi alam ko naandyan kayo kahit hindi man kayo mag votes at magcomments...at lalo na kahit hindi ako nakakapag reply sa mga comments nyo......Thank you poh....
"I'm sorry H... ginawa namin ang lahat ng makakaya namin, pero sa dami ng lumabas sa kanyang dugo..hindi kinaya ng baby..." naluluhang sabi ni Haley.
Daig pa ni Harris ang pinagsakluban ng langit at lupa, sa isang iglap ay gumuha ang mundo nya.
At hindi nya na kinaya ang bigat ng kanyang kalooban, malakas syang sumigaw at pinagsusuntok ang konkretong dingding ng hospital habang umiiyak. They lost thier child.... ang batang bunga ng pagmamahalan nila ni Adel... Ang batang nagsilbing daan para lalong tumibay ang pagmamahalan nila. Ngayon wala na ito... papano nya tatanggapin yun lalo ng asawa nya.
Adel give up everything para sa ikabubuti ng anak nila, tumigil sya sa pagtatrabaho tiniis nyang wag gawin ang mga bagay na gustong gusto nyang ginagawa. Sinunod nito lahat ng kagustohan ni Harris kahit labag yun sa kalooban nya... She did everything for their unborn child.Para lang mauwi sa wala.
Nagdurogo na ang kamao ni Harris pero ayaw nyang tumigil sa pagsuntok sa dingding.
"tama na Harris please.... tama na..." si Haley.
"Kailangan mong magpakatatag ngayon para kay Adel... Napakalaki ng magiging epekto nito sa kanya... ikaw at ang bata ang buhay nya at ngayong wala na ang anak nyo ikaw na lang ang natitira sa kanya... kaya hindi ka dapat magpakita ng anomang kahinaan Governor Funetes Lalo na asawa mo."
"This is all my Fault Hale.... dapat kasi hindi na lang ako kumandidato... sana hindi na umabot sa ganito.... ngayon hindi ko alam kung papano haharapin ang asawa ko....anong sasabihin ko sa kanya...papano ko ipaliliwanag sa kanya ang lahat...."
"Kaya mo yan Harris... You are Governor Fuentes... the youngest Governor kinaya mong magpatakbo ng isang malaking probinsiya kaya kakayanin mo rin ito."
"No Hale.... Adel is my strength... at sa pagkakataong ito hindi ko alam kung papano magpapakatag kung mismong ang pinagkukunan ko ng lakas ay wala rin niyon.... at alam mo kung ano yung mas kinakakatakotan ko ngayon...yung pati sya mawala rin sa akin... hindi ko kakayanin Haley...." at tuluyan na syang napahagulgol kasabay ng unti unting pagdaosdos nya at paupo sa sahig ng hospital.
Agad syang niyakap ni Haley.
"Kaya mo to H.... mahal na mahal ka rin ni Adel.... Pinagtibay na ng panahon ang pagmamahalan nyo, kaya maniwala kang hindi ito ang magpapabagsak sa inyo... Higit na makapangyarihan ang pagmamahal kaysa sa anomang pagsubok na nararanasan nyo ngayon tandaan mo yan."
Unti unting nagmulat ng mata si Adel at una nyang nasilayan ay ang mukha ng asawa nya na lumuluha.... hindi nya na kailangang magtanong, sa hitsura pa lang ni Harris alam nya.
Pinilit ngumiti ni Harris pero hindi yun umabot sa mga mata nya.
"Hi sweetheart.... kumusta ng pakiramdam mo." Malambing na sabi nito na pilit pinasasaya ang tinig.
"Wala na sya.. hindi ba..?" Kailangan nya pa rin ng kompirmasyon.
"Sweetheart...I'm sorry..." Isinubsob ni Harris ang mukha nya sa kamay ni Adel na hawak nya.
Umiiyak na naman sya.
pakiramdam ni Adel ay tumigil sa pagikot ang mundo nya.... naging blanko ang isip nya...namatay lahat ng emosyon sa puso nya.
Gusto nyang umiyak...pero walang luhang lumalabas sa kanyang mga mata....gusto nyang sumigaw pero walang tinig na gustong lumabas sa lalamunan nya.
"I'm sorry sweetheart..... I'm very very sorry... kasalanan ko..... dapat kasi kayo ang pinili ko hindi sana nangyari to.?" basang basa ang kamay nya ng luha ni Harris.
Awang awa sya sa asawa nya. Kung gaano yun kasakit para sa kanya alam nya ganun din yun kasakit para kay Harris.
"Its my fault H.... wala kang kasalanan.... "
"Adel... lets face it dahil sa akin kaya nangyari ito... Hindi ko alam kung papano ipaliliwanag sayo ang lahat hindi ko alam kung saan magsisimula... yung kay dad.."
"walang kasalanan si Tito Harold." putol ni Adel sa sinasabi ni Harris.
"Alam kong wala syang kasalanan.... At gumagawa ako ng paraan para patunayan yun... pero hindi ko alam na yung stress na nararanasan ko para makakalap ng sapat na ebedensiya ay makakapekto sa kalagayan ko..... akala ko okey lang kasi hindi naman ako ang nagtatrabaho tumatanggap lang ako ng inpormasyon pero hindi pala kasi apektado ako ng husto sa mga natatanggap kong inpormasyon... masyado akong na stress dahil dun, i tried not to pero kahit anong gawin ko apektado ako."
"Anong ibig mong sabihin.?" nagugulohang tanong ni Harris.
Doon na unti unting nalusaw ang emosyon ni Adel...
"I'm sorry H....I'm working behind your back...." gumargal ang tinig ni Adel.
"Adeline.... Whats going on.. enlighten me please."
"Si Kellie... shes working for me... isa syang elite investigator mula sa isang sekretong grupo ng mga ppinakamamagaling na inbistigador ng mundo. Sya ang binabayaran ko para maghanap ng ebedinsya na magpapawalang sala sa daddy mo at magdidiin sa tunay na kriminal."
"Ibig mong sabihin alam mo na ang tungkol dito.?"
"Bago ko pa nalamang buntis ako... At noon pa binalaan na ako ni Haley na masyadong masilan ang pangbubuntis ko at sa isang pagkakamali lang pwede akong makunan... At hindi ko sinasadyang nagawa ko ang isang pagkakamaling yun.... I'm sorry H..." At tuluyan ng naglaglag ang mga luha nya.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin ang tungkol dito.?"
"Ayaw ko ng dumagdag sa mga alaahanin mo.... Alam kong ako ang kahinaan mo at ayaw ko nun... Mas gusto kong maging lakas mo....alam kong kaya mong give up ang lahat para sa akin, pati ang kagustohan mong makapag lingkod sa bayan... Ayaw kong maging maramot H lalo pat alam kong ang pagdadamutan ko ay libu libong tao na umaasa lamang sayo."
Binitiwan ni Harris ang kamay ni Adel at tumayo sya mula sa pagkakaupo sa upuang nasa tabi ng kama ng asawa.
"Adel how can you do this to me...? All this time akala ko nagawa ang lahat para maging okey ka, pilit kitang inilayo sa mga pweding makapag pa stress sayo kasi yun ang sabi ni Haley... Ang akala ko okey ka, ang akala ko walang problema sa pag bubuntis mo kasi yun ang sabi nyo... Kung alam ko lang napakasilan pala ng kundisyon mo sana inilayo kita sa lugar to sana mas pinili kita kasya sa mga kababayan ko.... Kasi sila kahit anong mangyari mananatili silang nandiyan para sa akin, hindi sila mawawala pero yung baby natin ay may iisang pagkakataon lamang parang maisilang sa mundong to.... At hindi ako makapaniwala na nasayang lang ang pagkakataong yun.... Dahil pinili mong maglihim sa akin... "
Humarap si Harris, samut saring emosyon ang makikita sa mukha nya, galit... Panghihinayang... Pagsisi... Kalungkutan at sakit....
"Thats our Child Adel, higit na mas mahalaga sya kaysa sa sinoman sa mundong to.... Sana alam mo yan..."
Walang lingon likod na lumabas ng silid ni Adel si Harris.
At naiwan si Adel na umiiyak at sinisisi ang sarili.
Sya namang pagpasok nina James, Maila, at kellie.
"Anong nangyari.?" Si james.
Agad na niyakap ni Maila si Adel.
"What happen...?"
"Wala na ang baby namin.... Kasalanan ko..." At humagolgol na ng tuluyan si Adel sa balikat ni Maila.
Ikinuwento ni Adel ang lahat sa kanila.
At ng mahimas masan ay inayos nya ang satili nya.
"Book me a flight Maila." Pautos na sani nya sa EA nya.
"To where.?"
"Babalik na ako ng Manila."
"Aalis ka iiwan mo si Harris...?"
"May kailangan akong gawin... Hindi ko hahayaang masayang ang ibinuwis na buhay ng anak ko para lang sa wala... "
BINABASA MO ANG
THE GOVERNOR
Romance" adventurous woman." " sabi nga nila, but personally i don't like adventure, what i really want is to be useful in any possible way i can." " then why not become a public servant a government official." " no offense pero mas gugustohin ko pang magi...