EPILOGUE

96.4K 2.6K 288
                                    

Abalang abala si Governor Fuentes sa kanyang opisina, ng kumatok ang secretary nyang ai Tracy.

"Excuse me po Gov."

"Yes Tracy" sabi nito na hindi man lang iniaangat ang tingin mula sa papel na pinipirmahan nya.

"Gov hmm... Tumawag ho si Maam adel."

Biglang naging alerto ang gobernador.

Agad nyang tiningnan ang cellphone nya wala namang message or miscall.

"Bakit sayo tumawag at hindi sa akin.?"

"Eh kasi gov... May pinapasabi sya sayo na hindj nya raw pweding sabihin sayo na hindi ka magpapanic"

Biglang kinabahan si Harris

"Ano yun.?"

"Wag daw ho kayong mag panic gov."

"Sabihin mo na kung ano ang ipinapasabi nya Tracy."

"Eh Gov. Naipit daw ho sila sa traffic, sa ginagawang 2 kilometer road re blocking sa north."

Nakahinga ng maluwag si Harris... Akala nya kung ano ng nangyari sa asawa nya... Naipit lang pala sa traffic.

"Eh gov.. Pinasasabi nya rin po na pumutok na ang panubigan nya."

Hindi agad nag rigestered sa utak nya ang sinabing yun ng secretarya nya.

"Come again." Sabi nya.

"Gov... Pumutok na raw ho ang panubigan ni maam adel, manganganak na sya pero naipit sa sila sa traffic."

"What..?" Malakas na sa sabi ni Harris.

"Bakig hindi mo sinabi agad....Tawagan mo si Haley bilisan mo." Utos nya sa secretary nya habang tumatakbo syang lumabas ng opisina nya.

Nagpapanic na ang kalooban nya, pjnagaralan nila ito ni Adel sa responsible parenting class nila. Wag mag panic yun ang number one sa dont's list nila.

Pero sa pagkakataong iyon walang pumapasok sa isip ni Harris. Nilalamon ng labis na pagaalala para sa asawa ang isip niya ang puso nya.

Mabilis syang sumakay ng sasakyan nya at pinasibad iyon sa sa walang katiyakang dereksiyon. Alam nya ang lugar na sinabi ni Tracy isang bahagi iyon ng provinvial road na kasalukuyang isinasagawa ang re blocking at madalas syang nadadaan doon kaya alam nya kung gaano katagal umusad ang traffic doon oras na maipit ka one way kasi ang daan at halos dalawang kilometro ang haba ng reblocking.

Halos paliparin nya na ang sasakyan nya maountahan nya lang agad ang asawa nya, at kulang na lang ay mapamura sya ng makita nya kung gaano kahaba ang pila ng mga sasakyan.

Lumabas sya ng sasakyan nya at tumakbo na lamang sya para lang mapuntahan ang asawa. Yung mga taong nakakilala sa kanya ay nagsipagbabaan ng mga sasakyan nila para alamin kung ano ang nangyayari.

Ng malaman ng mga tao ang sitwasyon ay nagtulong tulong na ang mga ito, lahat ay itinabi ang mga sasakyan nila sa pinaka gilid ng kalsada ang iba ay isinampa na sa shoulder ng kalsada ang mga sasakyan habang ang ilan ay nagtulong tulong na para paatrasin ang mga malalaking sasakyan.

Hinihingal ng husto si Harris ng makarating sya sa kinaroroonan ni Adel.

"Sweetheart okey ka lang..." Tanong nito sa asawang namimilipit na sa sobrang sakit."

"Ang sakiiittt....ahhh..." Sigaw ni Adel..."

"Anong gagawin ko...? Papano kita matutulongan." Natataranta ng sabi ni Gov, magkatabi sila sa likod ng sasakyan, hawak nya ang kamay ng asawa habang hinihimas ang tiyan nito.

THE GOVERNORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon