Pagkababa sa sasakyan ni James ay dumiretso muna sya sa ladies room ng terminal para baguhin ng konti ang kanyang hitsura, ayaw nya rin kasing pagkagulohan in case na may makakilala sa kanya, inilugay nya ang kanyang mahabang buhok, nagtanggal sya ng makeup, at naglagay ng contact lens, ng makasigurong nagkaroon na ng pagkakaiba ang itsura nya sa isang tv anchor na Adeline Daza ay bumili na sya ng ticket.
Sa gitnang bahagi ng sasakyan malapit sa bintana, nya piniling maupo, ilang minuto pa ay untiunti ng napupuno ang bus, hanggang sa yung upuan na lang sa tabi nya ang bakante ilang minuto pa ang lumipas nagsisimula ng mainip si Adel kaya tinawag nya ang konduktor ng bus.
" kuya ito na lang ba ang bakanting upuan.?" tanong ni Adel na itinuro ang upuan sa tabi nya
" ahmm...yes ma'am"
" babayaran ko na to ng makaalis na tayo."
" sorry maam pero nakareserve na po kasi yan." sagot ng konduktor.
" why..? so sinasabi mo ba na magiisang oras na tayong naghihintay dito para lang sa taong uupo rito.?"
"sorry po maam, pero kailangan po kasi natin syang hintayin"
Biglang naginit ang ulo ni adel, sa lahat kasi ng ayaw nya ay yung taong pa importante, yung tipong pinaghihintay ang nakararami sa iisang tao.
" No...aalis na tayo, marami pa namang susunod na bus doon na lang sya sumakay nakakahiya sa ibang pasaherong naghihintay.
" Tama kanina pa kami naghihintay dito." sang ayon ng mga pasahero din ng bus.
Napakamot sa ulo ang medyo may katandaan na ring kondoktor
" eh pasensya na po, hindi talaga pwede, VIP kasi,..si gob" pabulong na sabi ng kondoktor na nakatingin kay adel.
That hits the button, isa sa mga salitAng kinasusuklaman nya ang VIP, dahil para sa kanya lahat ay pantay pantay, no special treatment kahit presedente pa yan ng pilipinas, kaya nga marami syang kaaway na mga pulutiko sila kasi ang mga taong gustong gustong tinatawag na Vip. Pwede silang magpa Vip hanggat gusto nila but not in her property,
" Kuya, aalis na tayo, "
" pero maam."
may kinuha si Adel sa bag nya, ang lalagyan nya ng mga ID may kinuha syang isang id at ibinigay iyon sa konduktor.
Halos nanlaki ang mata ng konduktor, pabalikbalik na tiningnan nito si adel at ang id na hawak nya.
" sorry...sorry...sorry po maam, hindi ko po kayo nakilala, pasensiya na po. Aalis na po tayo ngayon din, sasabihin ko lang sa driver."
" pero manong wala pa yung kasama ko, sabi ng lalaking nakaupo sa kabilang upuan.,"
" sorry sir, lipat na lang po kayo sa ibang bus."
" hindi pwede, pAparating na si gobernor kaya hintayin na natin sya." ipinagdiinan ng lalaki ang salitang gobernor at saka tumingin kay adel na tila nagyayabang.
"sir sorry pero si maam po ang susundin namin." sabi ng kondoktor.
" what gusto nyong matangalan ng prangkisa.?" pagbabanta ng lalaki.
" maam aalisan daw po tayo ng prangkisa."
" wag kang magalala kuya hindi nila kayang gawin yan, para na ring nagkaroon ng transport strike kapag ginawa nila yan, umalis na po tayo."
" wait miss, hindi mo ba naiintindihan ang sinasabi ko ha, si gobernor Harris Fuentes ang hinihintay natin, governor Fuentes, siguro naman kilala mo siya."
Biglang kumabog ang dibdib ni Adel of course she know him so well.
" Personaly.? no...eh ako kilala mo ba ako, i' m sure hindi, ako ang may ari ng bus na to, and a hundred more and all of them ay legal ibig saBihin nagbabayad ng milyong buwis sa BIR, gusto nyo kaming tangalan ng prangkisa go, isipin nyo na lang kung ilang milyon ang mawawala sa kita ng probinsya nyo kapag nangyari yun..." mahinahon ngunit puno ng diin na sabi ni adel. Biglang nagpalakpakan ang mga taong nakasakay sa bus.
" lets go kuya." marahang sabi ni adel at dahandahan syang umupo at bahagyAng yumuko dahil alam nyang nakakatawag na sya ng pansin at nagaalala syang baka may makakilala sa kanya.
umandar na nga ang bus,
"Fuck!" napamura ang lalaking kasama ng gobernor.
Lihim itong tiningnan ni adel sa gilid ng kanyang mata, bata pa ang lalaki, siguro mga kaedad nya lang ito gwapo ito pero wala itong dating kay adel. Halos masobsob si adel at iba pang mga pasahero ng bus dahil sa biglang pag preno nito, pano ba naman may isang lalaking biglang humarang sa daan, at nagmamadali itong sumakay sa bus. Muli ay kumabog na malakas ang dibdib ni adel, ng makita ang sumakay.
" mabuti umabot ka." salubong dito ng lalaki sA kabilang upuan.
" yap...hirap tumakas." sagot ng lalaking kasasakay lang, naka jCket itong itim na may hood at nka sunglasses kahit mag aalas sais nA ng gabi, umupo ito sa bakanting upuan sa tabi ni adel, alam nyang ito ang gobernor na kanina pa nila hinihintay, bata pa ito, kaya nga sya tinaguriang youngest gobernor of the Phillipines.
Kilala sya ni Adel dahil minsan na ring naging target ng programa nya ang ama nito noong gobernor pa ito. at ng matapos ang term nito ay ito namang anak ang inilaban kahit batangbata pa at wLang pang gaanong alam sa paglilingkod sa bayan, political dinasty o mas tamang mas sabihing mga trapo.
May pilit na ibinubulong ang lalaki sa kabilang upuan kay gob, pero dahil magkalayo sila ay hindi sila magkarinigan, kaya kinuha nong lalaki ang cellfone nito at may itinype, mayamaya lang ay tumunog naman ang cp ng katabi ni adel, nagtype din sa cp nya c gob.
Alam ni Adel na naguusap ang dalawa sa pamamagitan ng txt at alam nya rin na sya ang pinaguusapan nito dahil pasimpleng tumitingin sa kanya ang lalaki sa kabila.
Hindi na lamang pinansin ni adel ang mga ito, wala syang panahon pAra sa mga ito, kaya nga siya sumakay ng bus ay para makapagisip kung ano ang gagawin nya ngayong patay na ang tita carlos nya, ito kasi ang tumatayong presidente ng Daza's group of company, kasama na rin ang Adel liner and transport corporation, matagal na dapat nagretire ang tito carlos nya, pero pinakiusapan nya ito na wAg muna dahil hindi pa sya handang pamahalaan ang kompanya, nakafocus kasi sya sa Pbroadcasting network na iniwan sa kanya ng mommy nya.
Pinagbigyan naman sya nito at sa laki ng pasasalamat nya rito dahil sa pagiging mabuting guardian nito hindi lang sa kanya kundi sa kompanya ay gusto nya sanang ibigay dito ang 50% ng kompanya, pero hindi ito pumayag, nakontento na lamang ito sa 10% na share nito sa kita ng kompanya, at ngayong patay na ang tito carlos nya pinoproblema nya kung sino ang papalit dito bilang presidente na syang magpapatakbo niyon, independent company ang DGC kaya wala itong mga stockholder na pweding pagpilian para pumalit sa tito nya.
BINABASA MO ANG
THE GOVERNOR
Romance" adventurous woman." " sabi nga nila, but personally i don't like adventure, what i really want is to be useful in any possible way i can." " then why not become a public servant a government official." " no offense pero mas gugustohin ko pang magi...